KABANATA 79: NANATILI SI CARO sa apartment ni Dalee sa loob na ng tatlong araw. Wala namang naging problema roon kahit noong malaman ng kapitbahay nila ang tungkol sa pagtira niya sa bahay ni Dalee. Iyon nga lang ay kinailangan niya itong pakiusapan na huwag ipagkakalat. Hindi kasi pwedeng malaman ng nanay ni Dalee ang tungkol dito lalo pa at alam niyang ilang araw na lang ang nalalabi sa kanya… kaya niyang pakasalan si Dalee, ngunit ang hindi niya kaya ay ang manatili kasama nito habambuhay. Caro sighed for the nth time when Dalee did not come home at the time she promised. Alam niyang trabaho iyon pero hindi niya pa rin mapigilang mainis. Para siyang housewife na naghihintay sa kanyang husband na umuwi ito. Nakapaglinis na siya at lahat, maging ang katawan niya ay nalinis niya na rin.

