KABANATA 80: MAGHAPON SILANG NASA loob lamang ng bahay. Ayaw umalis ni Dalee para sumama sa sinasabi ni Caro na date. Gusto niyang magkayakap lang sila hanggang sa sumapit ang oras na mawala ito. “We spent most of my days here inside your house, hindi ba pwedeng sa labas naman tayo?” Caro asked. Humaba ang nguso ni Dalee habang nakahiga sila sa kama. Maghapon na silang ganito, halos ayaw nga siya nitong bitiwan… “Kung ayaw mo, bubuhatin na lang kita hanggang sa kotse. Gabi na, oh! May gusto sana akong ipakita sa 'yo,” dagdag niya pa. Ilang saglit pang tahimik si Dalee hanggang sa tuluyan na nga itong bumangon. “Sige na nga! Basta saglit lang tayo at umuwi kaagad!” Caro smiled widely. “Promise.” Nagbihis lang sila saglit at umalis na. Si Caro ang nagmaneho papunta sa kanilang desti

