KABANATA 81: “TULOG NA, PWEDE ka na bang sumama sa akin?” tanong ni Achim. Caro turned his head to him after he put on a blanket to Dalee. Kanina pa siya sinusunod nitong si Achim pero ilang beses niya ring sinenyasan na hayaan na munang makatulog si Dalee bago siya umalis. Achim was glaring at him. “Ang tagal, ‘di naman ‘yan baby.” “Shut up.” Sumunod na siya kay Achim palabas ng apartment building. Sa kanilang paglalakad ay bigla na lamang tila may pwersang humatak sa kaniya. Namilog ang kanyang mga mata nang hindi sa labas ng apartment building ang naabutan niya sa paglabas. Kundi sa isang eskinita. Nang lingunin niya ang pinanggalingan niya ay naroon ang katawan ni Andres, nagtatakbuhan ang mga batang hamog na sumaksak sa kanya. “What the heck—” Hindi pa man siya nakaka-recover

