KABANATA 82: ALAM NI CARO na nakita siya ni Dalee dahil nagtama ang kanilang mga paningin. Pero wala yatang limang segundo ay nag-iwas na ito ng tingin sa kanya at diretsong pumasok sa loob. Napaisip tuloy siya bigla kung nakakakita pa ba ng multo itong si Dalee o hindi na… Sampung taon na rin ang lumipas at nasangkot ito sa isang aksidente… pwede kayang kasabay ng pagkawala ng memorya nito ay nawala na rin ang kakayahan nitong makakita ng mga kaluluwa. “Investigator Lee! Pasok ka po!” tawag ng isang pulis na kasalukuyang nasa loob na ng bahay. Hindi pa rin natapos ang kaiiyak ng babaeng sinusundo na niya. Bigla niya tuloy’ng naalala iyong araw na naaksidente si Dalee. Dalawang araw matapos siyang sunduin ni Achim, doon ito naaksidente… He was fuming mad! Sino ba naman ang hindi magagal

