KABANATA 83:

1124 Words

KABANATA 83: “DALEE! TANGHALI NA, bumangon ka na nga!” Narinig niyang tawag ng kanyang ina. Kanina pa gising si Dalee pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabangon. Alas-singko kasi ng madaling araw ay nagising siya nang dahil sa isang panaginip. Sa panaginip na iyon, may kasama raw siyang lalaki. Hinalikan siya nito sa labi habang pababa sila sa hagdan, doon sa dating apartment na tinitirhan niya. Weird, pero parang si Andres ang lalaking iyon pero ramdam niyang hindi iyon ang kaibigan niya. Kahit kasi anong pilit niyang subukang tingnan ang mukha nito ay hindi niya makita. Dalawang eksena ang nakita niya sa kanyang panaginip, ang isa ay iyon siya na mismo ang humalik sa lalaki. Iyon naman ay sa loob ng bahay ni Andres. Pilit niyang iniisip kung paanong nasa bahay sila ni Andre

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD