EPILOGUE: “IKINASAL BA TALAGA ako?” Hindi namalayan ni Dalee na nasabi niya iyon nang malakas. Pareho tuloy'ng napatigil sa pagsubo ng kanin ang nanay at tatay niya. Ibinaba ng kanyang ina ang kutsara sa may plato nito at saka uminom ng tubig bago nagsalita. “May naaalala ka na ba, ‘nak?” takang tanong nito sa kanya. Kumunot ang noo niya. “Naaalala? Tungkol saan?” “Sa dalawang taong nawalang memorya sa ‘yo,” sagot nito. Marahang hinawakan naman ng kanyang ama ang balikat ng Mama niya, tila pinipigilan itong magsalita. “Wala po, may dapat po ba akong maalala?” Nilingon niya naman ngayon ang Papa niya na halatang may alam. “Hindi namin alam anak. Kasi… dalawang araw bago ka maaksidente, naabutan ka ng Mama mo sa apartment na tinitirhan mo no’n.” “Ano po?” Ngumiti ito sa kanya nang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


