KABANATA 28: “MAGA ANG MGA mata mo, ‘nak? Umiyak ka ba?” takang tanong ng ina ni Dalee. Kanina pa siya nakarating sa bahay nila. Napapansin niyang panay na ang tingin sa kanya nito at mukhang nagdududa na, ngayon lang nagtanong. “Hindi ko po alam, Mama,” sagot niya. “Kagabi kasi nagkaroon ng inuman ang team namin, na-solve na kasi ang kaso.” Umawang ang labi ng Mama niya saka napatango. “Ah, kaya pala.” “Bakit honey? May kinalaman ba ang pag-inom ng alak sa pamamaga ng mga mata niya?” takang tanong naman ng kanyang ama. “Wala, pero kilala mo naman iyang anak mo, e. Kapag nalalasing, lahat ng drama sa buhay lumalabas. Kahit wala namang dapat ipagdrama, dinadrama!” Humaba ang nguso niya bago dumampot ng pizza sa box nitong nakalapag sa lamesa. Kumagat siya roon saka naisip ang kadrama

