KABANATA 29: NAPANGIWI SI DALEE sa naging tanong ng Ate niya. “Ate naman!” saway niya rito. Tumaas ang magkabila nitong kilay. “O, bakit? Nagtatanong lang naman ako!” “Alam ko naman kung saan ‘yan patutungo!” bulalas ni Dalee. Noon pa man, boto na talaga ang Ate niya kay Andres. Tuwang-tuwa siya rito dahil sa pagiging mabait, responsable at magalang. Kaya madalas itanong ng Ate Salee niya kung bakit hindi nagiging sila ni Andres samanatalang pwedeng-pwede naman dahil mahal naman nila ang isa’t isa. Oo nga mahal nga, pero hindi naman romantiko ang nararamdaman nila, kundi pagkakaibigan lang. “Wala pa akong sinasabi, huwag mo akong pangunahan!” natatawang ani Salee. “Sus! Ikaw pa ba?” Bumusangot si Dalee saka dumampot ng turon. Imbes na makipagtalo pa sa Ate niya ay kumain na lamang

