KABANATA 64: “SINABI KO NA sa ‘yo kanina, gusto ko lang i-date ka to thank you for our memories. Hindi pa ba sapat na dahilan iyon?” Iyon ang naging sagot ni Caro sa tanong niya. She sighed heavily and tried to convince herself that it was really the reason even though she could feel that there was more. Ngumiti na lamang siya at hindi na dinagdagan pa ang tanong para kay Caro kahit na maraming bumabagabag sa kanyang isip. Nagpatuloy sila sa paglalakad saka nila naabutan ang isang magarbong lamesa. Namangha si Dalee sa nakita, never pa siyang nakaupo sa ganitong klaseng kap-sosyal na lamesa. Hindi lang iyon, ito rin ang unang pagkakataon na makikipag-date siya nang ganito. Parang nahihiya pa tuloy siyang maupo! Ngunit hindi na siya nakapalag nang si Caro na mismo ang naghila ng upuan pa

