KABANATA 44: KITANG-KITA ANG saya sa mga mata ni Alwin Alawi nang kunin na ni Caro sa kanya ang pipa. Excited itong makita na hihithit ito ng paborito niyang pampagana. Kaagad na dumukwang si Caro sa nakalatag na pulbos sa lamesa saka itinapat ang pipa maging ang ilong niya sa kabilang dulo. “Caro! Ano ka ba? Huwag mong gagawin ‘yan!” sigaw ni Dalee sa kabilang linya. Hindi pa rin siya sumagot. At nang akmang sisinghutin na niya ang pinulbos na illegal na bato, mabilis na nag-angat siya ng ulo at dinakma ang likod ng ulo ni Alwin Alawi. Gulat ang mga mata nito nang ingudngod niya ito sa lamesa. “Tangina ka!” galit na galit na sigaw nito. Sinubukan pa nitong pumalag ngunit hindi na niya nagawa nang mabilis na tumalon si Caro sa kinauupuan nito. Sa isang mabilis na galaw, dinukot niya a

