KABANATA 45: KAHIT NA MAY tampuhan, sabay pa ring umuwi si Dalee at Caro. Dahil sa haba ng nagdaang araw, hindi na nila alintana ang inis sa isa’t isa. Nakakapagod na ring makipag-alitan kaya naman hinayaan na nila kung magkasabay man sila. Sabay nilang ipinarada ang motorsiklo ngunit nauna si Caro na bumaba at maglakad palabas ng parking area. Gusto ni Dalee ang ganoong set up, iyong tipong wala na silang pakialamanan sa isa’t isa. Ngunit sa puso niya, iba. Nagtatampo siya dahil hindi siya gaanong pinapansin ni Caro lalo kung hindi naman tungkol sa trabaho. Hanggang sa makarating ito sa bahay niya, hindi manlang siya nito nilingon. Dumiretso na ito papasok sa loob ng apartment saka isinara ang pinto. She sighed and continued to her apartment. Wala naman na siyang magagawa kung ayaw na

