KABANATA 46: “STOP THE CAR, Bruno!” maawtoridad na utos ni Caro. “What?” “I said stop the car!” Nagtataka man, mabilis namang inapakan ni Bruno ang brake ng sasakyan. Nagtaka siya nang mabilis na bumaba si Caro sa kotse saka lumipat sa driver’s seat. “What the heck are you doing?” naguguluhang tanong ni Bruno. Caro turned his head to him with his eyes full of rage. “We need to go back.” In cue, Caro maneuvered the car and turned back. Kanina niya pa napapansin ang nakasunod na taxi sa kanila. Alam niyang hindi iyon napapansin ni Bruno dahil abala ito sa pagmamaneho, hindi na lamang siya nagsalita nang makita niyang si Dalee ang pasahero ng taxi. Alam niyang naiinis na si Bruno kay Dalee dahil nga sa nangingialam ito. Kaya hindi na niya sinabi, hinayaan niya lamang na sumunod ang

