KABANATA 37: NAGISING SI DALEE sa kalagitnaan ng masarap niyang tulog nang tumunog ang kanyang cellphone. Nagtataka niya itong tiningnan, wala naman siyang ini-expect na alarm o tawag kaya naman nang makita ang pangalan ni COP Niel ay na-badtrip siya. Ala-una na ng madaling araw ay tumatawag pa ito. “Detective Hilda Lee, may nangyaring barilan dito sa HNM Hotel. Kailangan ka namin dito.” Napapikit siya nang mariin. Ayaw niya man ay bumangon siya kaagad. “Si Andres ho?” “Hindi namin siya ma-contact kaya ikaw ang tinawagan namin.” Napapailing na lamang siyang bumangon, mukhang umalis nga talaga ito. Lumabas ng kwarto saka naghilamos. Matapos niyang maghilamos ay dumiretso na siya pabalik sa kwarto at kumuha ng susuoting damit. Pagkatapos niya namang magbihis ay agad na siyang umalis. S

