KABANATA 73: “WHAT ARE YOU saying?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Bruno. “I didn’t do that.” Kahit na ganoon ang naging sagot sa kanya ni Bruno, hindi siya naniniwala. Kitang-kita niya kung paano nagbago ang ekspresyon nito nang itanong niya kung siya ba ang pumatay sa kanya. At hanggang ngayon, ebidensya pa rin ang pamumutla nito. “Again, Bruno… Tell me it wasn’t you,” he added. Umawang ang labi ni Bruno, kitang-kita niya kung paano ito nanginig. Ilang saglit pa ay tila ba nataranta na ito, nag-iwas na siya ng tingin at hindi na makapagsalita. “I… I didn’t…” Putol-putol na mga salita ang pinakawalan nito. “Just tell me honestly, Bruno.” Napapikit ito nang mariin saka inihagis sa sahig ang sigarilyo at inapakan iyon. Nang mag-angat siya ng tingin, doon nakita ni Caro ang gali

