KABANATA 74: NAALALA NI CARO ang lahat ng nangyari nang gabing iyon. Bawat detalye ay nakatatak sa kanyang utak… Caro was busy calculating the sales of their organization for a month. He was wearing eyeglasses and busy typing on the keyboard of his laptop. Walang pwedeng umistorbo sa kanya. Mahigpit niyang ipinagbabawal ang istorbo sa oras na seryoso siya sa kanyang ginagawa. Caro De Luca is a business management graduate, he knows how to handle business very well. Bata pa lamang siya ay marami na siyang alam kaya naman malaki ang tiwala sa kanya ng kanyang ama. He was still mourning from his father’s death but he needs to recover faster in order to lead the organization his father left. Alas dose na ng gabi nang matapos siya sa pagkakalkula, kaagad siyang nagligpit ng mga gamit at sa

