“He sets the time for love and the time for hate, the time for war and the time for peace.” –Ecclesiastes 3:8 ** Chapter 35 Ruth Nagising ako mula sa mainit na panaginip. Pero nakayakap pa rin sa likuran ko si Dylan at nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan. Tinalunton ng paningin ko ang kanang braso niya na nadadaganan ko. Nakatihaya ang kamay niya at nakagapos ang kaliwang kamay ko roon sa kanyang mga malalaking daliri. Nakaunan ako sa kanang bahagi ng kanyang dibdib. Pareho kaming nababalutan ng kumot ko. Maingay ang ugong ng air-conditioner ko. But I could hear his steady breathing, too. Ngumiti ako. Tiningnan ko ulit ang magkahugpong naming mga daliri. Hinigpitan ko ang hawak ko roon. His large hand could swallow my hand. Magaspang ang palad niya. I stared at it for a whi