“It is good to be able to enjoy the pleasant light of day. Be grateful for every year you live.” – Ecclesiastes 11:7-8 ** Chapter 34 Ruth Ayaw nang umalis ni Dylan sa bahay ko kahit na anong tulak ko. Naguguluhan ako sa kanyang galit matapos makita ‘yung blue rose sa ibabaw ng fridge. Nang tanungin ko kung bakit ay hindi niya ako sinagot. Umakyat ako sa kwarto para kumuha ng tuwalya at underwear. Bumaba ako ulit. Nadaanan ko siyang nakaupo sa sala at may kung anong tina-type sa kanyang cellphone. Agad akong pumasok sa banyo at mabilisang naligo. I saw myself infront of the mirror. Halos mapamura ako nang maalalang panty at tuwalya lang ang binitbit ko rito. Ginawa kong pugong ang hinubad kong blouse sa buhok ko. Water were still dripping on my neck and shoulders. Pinagmasdan ko