“If someone is angry with you, a gift given secretly will calm him down.” Proverbs 21:14
***
Chapter 24 Part 1
Ruth
Iilan pa lang ang kumakain sa canteen nang pumasok ako. Naghanap ako ng bakanteng upuan. Napansin ko ang isang mesa na pinakukumpulan ng mga estudyante. Lahat sila ay napabaling sa akin. Nagbulungan tapos ay bumungisngis. Pinagwalang bahala ko na iyon. Bumili ako ng pagkain ko bago naupo malayo sa mesang iyon. Makalipas ang ilang sandali nagpasukan ang ilan pang mga estudyante para kumain. Nag iisa akong naupo sa pwesto.
Dumaan sa gilid ko sina Nina, kasama ang mga alipores niya. Malakas silang tumawa pagdaan sa akin. They took the table near mine. Nilabas nila ang kani kanilang cellphone. Nangingibabaw ang ingay nila. Paglingon ko, nakita ko ang kakaibang tingin sa akin ng iba pang estudyante. Titingin sa cellphone, bubulong sa tabi na para bang hindi ako nakatingin sa kanila. May dalawang babaeng pinasadahan ako ng mata at tinaasan ng kilay. Bumagal ang pagnguya ko pagkakita ko sa kanila. Halos mawalan ako ng gana dahil sa klase ng atensyong binibigay nila sa akin.
Mabigat akong bumuntong hininga. I puckered my lips and tried to swallow the bread in my mouth. Umilaw ang cellphone ko. I saw Dylan’s text message:
Dylan:
Don’t mind the news. I will take care of it.
Hininto ko ang pagkain at binitawan ang tinapay. Mabilis akong nagtipa ng reply.
Ako:
May sinabi ba ang parents mo? Baka magalit sila.
Hindi ko pa nababasa ang article na ginawa ng reporter na taga Philippine Daily. Dylan already read and saw our photos online. Tinext niya ako agad kaninang umaga at pinaalalahan tungkol sa balitang iyon. And now, it’s spreading like a virus.
Napatingin ako kay Nina nang magtaas ito ng mukha at deretso ng baling sa akin. Pumangalumbaba siya sa mesa. “Sino ba naman kasi ang tatanggi sa isang Dylan de Silva, ‘di ba? Bagay nga sa kanya ‘yung kantang ‘Nasa Kanya Na Ang Lahat’, e.”
I bit my lower lip and lowered my head. Sa lakas ng boses niya, pati ibang kumakain ay nilingon siya. Bumaling ang maraming ulo sa gawi niya. Some, I felt, looked at my way, too.
One girl disagreed with her. “Pero nakakadismaya, Nina. Magpinsan sila. Hindi ba nakakadiri ‘yon?”
“Oo nga. Papatusin mo ba ang tinuring mong pinsan? Kahit perfect tingnan si Mr. de Silva, pinsan pa rin ‘yun. Ano, namuo ang relasyon noon pa? Eww!”
“Hindi naman sila magkadugo. Ampon si girl.”
“Kahit na, ‘no. May barrier pa rin dapat.”
“Their family will suffer for sure.”
“Oy, ‘di pa natin sigurado ‘yan, ha!”
“Nina! May next article pa ba ‘to? Clue naman d’yan. Bitin ‘tong chika niyo.” Sigaw ng isang lalaki sa dulong mesa.
Sinundan iyon ng malakas na tawanan. Nang may pumasok na Professor ay agad silang sinuway. Tumahimik naman ang lahat na parang walang nangyari. The Professor acted like as if he didn’t know anything yet. Maybe he still doesn’t know the news about me. Hindi naman siguro lahat ay interisado sa balitang iyon.
Dylan:
Hindi ko pa sila nakakausap. Don’t worry, babe. Ako ang bahala sa lahat. Sunduin kita mamaya sa office?
Ako:
Pupunta ako sa shop after my training.
Dapat hindi ako magpaapekto sa balitang iyon. But I knew better. I’m a graduating journalist student. Kahit ilang beses kong sabihing ‘wag magpaapekto at lilipas din ang bagyo, pwedeng may follow-up pa ‘yon o panibagong issue.
I stared at his text. ‘Ako ang bahala sa lahat.’ He will take charge. There is still hope. Isa pa, he’s a de Silva after all. Magagawa niya ‘yan panigurado ako.
Dylan:
Can I have this night?
My eyes lingered on my phone’s screen. I bit my inner lip and thought of him. Like as if he was inside this gadget, staring back at me and waiting for my response. Naalala ko ang pagdalaw nila kagabi sa shop. Kahit nariyan si Red, hindi siya umalis. Hindi nagpatinag sa isang reporter. Pinaalis nila iyon ni kuya Nick. Tinanong ni Walter kung siya ang may hatak sa taong iyon. I even thought about it. Sa makamandag niyang impluwensya, maaari. Pero tinanggi niya. Hindi nila alam kung paano siya nasundan sa shop namin.
Noong una, nagduda ako. Malakas ang hatak niya sa media at noong huling malala naming pagtatalo, pinaramdam niyang may koneksyon din siya sa industriyang iyon. Sa isang banda naman, hindi madalas na lumalabas sa media si Dylan. He isn’t incline to do press conference or likeness of that. It’s just the contrast of it.
Binalingan ako ni Walter pero hindi na kumibo pa. The three de Silvas stayed until midnight. Dinalhan ko sila ng maiinom. Sandali ko lang sila kinausap at bumalik na ako sa tabi ni Esther. Parang tinali ni Dylan ang mata sa akin. Kapag sumusulyap ako sa kanya, nahuhuli ko palagi ang matiim niyang titig sa akin. I got conscious. My hands trembled. Until I muttered a curse and glared at him. He found me funny and he grinned back at me. That wicked man wrecked my focus.
But everytime our eyes met, my heart beat wildly. Parang kakalas ang puso ko sa dibdib ko. Sumakit pa ito. Nag alala ako. He could be the cause of my insane heart attack.
Ako:
Sige. Magtext ka pagdating mo.
Binalutan ko ulit ang tinapay dahil hindi ko na kayang tapusin ang pagkain dito. I bet, hindi rin ako matutunawan kaya mas mabuting umalis na. Sinukbit ko ang bag sa balikat ko. Binitbit ko ang juice at cellphone sa iisang kamay. Pinilit ko ang sariling huwag nang tingnan ang mga taong ako ang pinag uusapan. Hindi ko rin sila mapipigilang ihinto iyon. Pagtayo ko, hinarang ako ng isang matangkad na lalaki. Estudyante rin. Namumukhaan ko siya. Nakangisi ito sa akin. Natigilan ako. Kung hindi ako nagkakamali ay taga engineering department ang matangkad na ito.
He smiled and showed me his perfect set of white teeth. Kumurap kurap ako. Nang hindi siya kumilos, humakbang ako isang beses, humarang siya ulit. I looked up at him. I gave him my questioning stares. He smirked and I didn’t like it.
“Pwede mo ba akong isingit sa schedule mo, Miss Ruth?”
I tilted my head. “Excuse me?”
Namulsa siya at preskong tumayo sa harapan ko. “May pera rin ako. May negosyo ang magulang ako. Kayang kaya kong bayaran kahit ang . . .” bahagya niyang nilapit ang bibig sa tainga ko at bumulong, “isang gabi mo.” tapos ay umayos ulit ng tayo. Ang klase ng ngiti niya ay parang tagumpay dahil nasabi niya iyon sa akin.
Natameme ako ilang sandali. Tinitigan ko siya at nang marinig ko ang boses ni Nina sa likuran ko, sabay bumuhos ang init sa mukha ko.
“Ano’ng sabi mo?” magaan kong tanong.
Nagkibit balikat siya at hindi alintana ang kabastuhang sinabi sa akin. “Isang gabi lang. Babayaran kita.”
“Ano’ng sabi mo?” mas mabagal at malinaw kong ulit.
Tinaasan niya ako ng kilay. “Bingi ka ba? Anak ka ni Denise Melaflor, ‘di ba? ‘Wag mong sabihing hindi mo alam ang history ng mother mo? I’m sure pareho lang kayo. Iisa nga ang taste niyong pamilya, e.”
My lips softly parted. Pakiramdam ko ay nawalan ng silbi ang mga taong nasa paligid namin. I almost forgot about them and my existence. Nawala ang hiya ko at napalitan ng panlalamig. Nawalan ba ako ng hininga? Hindi. Dahil naramdaman kong nanginig ang mga kamay ko at tumapon ang juice na hawak ko. Nangingibabaw ang tawanan at apiran ng mga tao. Bumilis ang pahinga ako. Tinulak ko siya para makaraan ako. For the first time, sinumpa ko ang lugar na iyon. Pati ang mga taong ilang taon ko ring nakahalubilo.
Ganito lang ba? Isang balita lang ang tatapos sa dangal na matagal kong tinayo para sa sarili at career ko? Bakit ba kailangan nilang palaging ipamukha sa akin ang tungkol kay Denise? Hindi ba patay na siya? Bakit parang buhay na buhay pa rin siya sa mga ganitong tao?
Now I told myself, I will be a responsible journalist. I will tell a story that deserves to be written. A story that people deserves to know. Not for entertainment. Not for a show and definitely not for a money.
**
Hindi lang ang mood ko ang nakitaan ko ng pagbabago. Kundi pati ang paligid ko. Sa office, hindi ako masyadong kinibo ni Ma’am Farrah. Pagpasok ko, nagliparan ang mga mata nila sa akin. Binati at ngumiti pa rin ako na parang walang nangyari o balitang lumabas ngayong araw. Wala naman talagang nangyari. It was just a freaking picture. Maraming makukuhang kwento sa isang litrato. Pwedeng iba ang maging intepretasyon ng ilan.
Pero sa kaso ko, kahit pagtakpan ko, hindi maitatanggi ang ugnayan namin ni Dylan. Ang hindi ko lang gusto ay nahayag sa madla ang sana’y sa amin lang.
Then, I gawked and realized, why do I have to suffer myself if I can blend in the flow without struggling? Si Dylan naman ang bahala sa lahat. I will let myself indulge in his protection. Pagdating sa eskwela, magtitiis ako. Tutal, malapit na akong umalis doon. I need to maintain my clean record to avoid delays on my graduation.
Dylan:
I’m here.
Saka lang ako nagligpit pagkatapos kong mabasa nag text.
“Bye, Ma’am Farrah.”
She looked up at me, nodded and simply smiled. “Okay. Ingat ka.”
Paglabas ko sa office, may tatlong lalaking nakatambay sa tahimik na hallway. Pare parehong naka working attire at may suot na kurbata. Nag uusap at nagkakape sila nang maabutan ko. The one guy looked at me and turned his head down on his phone. Tapos ay binalingan ulit ako. Nag usap sila saglit tapos ay tumahimik.
Dumeretso ako sa elevator. I didn’t want to hear talks about me and Denise. Alam ko naman kung anong topic nila.
But it didn’t happen . . .
“Baka naman iba sa mama niya,”
I rolled my eyes. Nasa likuran ko sila. Naririnig ko ang pag uusap kahit hindi ako lumapit dahil kami lang naman ang tao sa area’ng ito.
“Sabagay. Mga de Silva ang nagpalaki sa kanya at hindi ‘yong adik.”
Natigilan ako. Tumitig ako sa nakasaradong elevator. So, there’s more in my story. There’s more to dive in and so much more to tell.
Dylan de Silva is dashingly handsome in his all-black attire. The black color suits him. His silver watch followed. Ang suot niyang long sleeves polo ay hindi pang office. Hindi rin naka tuck in sa pantalon. His face is clean-shaven. The sharpness of his features is so attractive. Pati ilang lalaking nakatayo sa labas ay napapalingon din sa kagandahang lalaki niya.
He took my hand and led me to ride in his car. Sa tuwing sumasakay ako sa sasakyan niya, sinasalakay din ako ng kaba at panliliit. Pinaandar niya ang sasakyan. Kabuntot namin ang mga nanunuring mata ng tao.
“Okay ka lang?”
I sighed. “Oo.”
“May gumambala ba sa ‘yo?”
Dalawang beses niya akong sinulyapan. Pinag aagawan namin ng kalsada ang atensyon niya. He looked nervous?
“Wala naman. Well, may naririnig ako. Hindi ko lang pinapansin.”
He nodded. Nag focus ang mata niya lilikuan. “That’s good. You should really trick your mind to avoid unnecessary thoughts.”
“Nakausap mo na ba ang nagsulat?”
“I already phoned the PDC President.”
I got nervous. Sa online portal ng Philippine Daily Corporation lumabas ang article. Unfortunately, doon din pala nagtatrabaho ang lalaking journalist na kumuha ng litrato namin sa shop. “Si Mr. Domingo?”
“I talked to him. Don’t worry. I’ll take care of it.”
“Ano’ng sinabi mo sa kanya?”
He sighed and narrowed his eyes on the road. It looked like he didn’t expect my inquiries.
“That I don’t want them to use your name on any news and articles. I will sue them if they kept digging about us. About the relationship that we have.”
Kumurap kurap ako. “We? Wala tayong relasyon.”
Prente niyang sinandal ang likod sa upuan. Tiningnan ko ang paanan at mukha niya. Alam kong sanay itong magmaneho pero masyado yata siyang chill sa driver’s seat?
“Umayos ka nga ng upo mo.”
Hindi siya sumunod kaagad. Sinulyapan pa ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Bumuntong hininga ito bago sumunod sa inutos ko.
“Maayos naman, ah.”
“Kung umupo ka parang nasa bahay lang. Gusto mo bang maaksidente tayo?”
He tsked and then grinned. “Hindi ko hahayaang masaktan ka,”
Tinitigan ko siya sandali. Umirap ako at umayos din ng upo. Nilipat ko ang tingin sa labas ng sasakyan. Kinabahan na naman ako. Para bang kapag sumasagot siya sa akin nang gan’yan, mauutal ako sa pagganti ng salita. Siguradong sigurado siya sa sasabihin o nararamdam pero nahihirapan akong umagapay. So, I bit my lower lip. I released it and bit again. Until I felt like I already battered my poor lips.
Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakabukas ang radio pero parang bumubulong ang kanta. Malakas pa ang paghinga ko. Binalingan ko ang pindutan ng radio, nasagap ng mata ko ang malaki niyang kamay na nakahimlay sa manibela. Naranasan ko nang mahawakan ng magaspang niyang palad. Mataba at malalaki ang daliri. Malinis ang kuko. Sa tuwing dadapo iyon, para akong gadget na nagcha charge. Pero imbes na lumakas, nakakapanghina pa.
I tilted my head. Saan ko nahalukay ang mga sinabi kong ‘yan? Noong bata pa ako, hindi naman ako ganito mag explain ng itsura ni Dylan. Mas lalong hindi . . . gan’yan kalalim ng nasasabi ko. Nag short circuit na ang utak ko kakasama sa kanya.
“Bakit hindi ka na nagsalita? Wala ka bang tiwala sa akin?”
Napairap ako nang guluhin niya ang utak ko. “You can’t possibly do anything. Hindi ikaw ang hari ng kalsada.”
“Hindi mo pa nararanasan ang mga kaya kong gawin.” Nasa kalsada ang mata niya.
Nagkibit ako ng balikat. “Hindi naman ako nag aasam.”
I felt his eyes on me. I looked at him, too. “I can show you.”
“No, thanks.” Iling ko.
He chuckled. Ngumiti ako. He didn’t say anything. Humupa ang tawa niya at ang ngiti ko. Nakita ko kung paano humupa ang tawa, ngiti at naging seryoso ang mukha ni Dylan. Tinitigan niya ang kalsada na para bang may nakikita siyang ka-interest interest doon. Pero sa huli, naisip kong, hindi siya sa kalsada nakatitig, kundi lumalim ang iniisip nito. Nanghina ako. Dahil hindi ko maarok ang tumatakbo ngayon sa isipan niya.
Nilipat ko na lang ang mata ko sa labas. Kumain muna kami ng hapunan bago tumuloy sa Peyton.
“Nando’n na sina Nick.” Bigay alam niya sa akin matapos kausapin ang pinsan sa cellphone.
Tumango ako. “Sina Dulce?”
“Wala ro’n.” sagot niya nang hindi ako tinitingnan.
Natigilan ako. “Hindi pa ba kayo nagbabati?”
“Magkaaway ba kami?”
“Patay-ugat ka ba? Nahuli niya tayong . . . nag-kiss.”
Pinatong niya ang siko sa mesa at hinilot niya ang bridge ng matayog niyang ilong. “Babe,” nginitian niya ako. “Dulce is fine. Hindi lang ako no’n papansinin ng ilang araw. Huhupa rin ang tampo niya sa akin.”
“Magkusa ka nang kausapin si Dulce. Magpaliwanag ka sa kanya, na walang namamagitan sa ating dalawa.”
“Pagkatapos lumabas ng litrato at balita tungkol sa atin, paniniwalaan pa ba ako ng kapatid ko?”
“Ofcourse. Kapatid ka niya.”
He looked stunned. His eyes looked like disturbed while staring at me.
“Alam ni Red ang totoo. Kung itatanggi ko kay Dulce ang tungkol sa atin, magmumukha akong gago na gumagawa ng istorya. Alangan namang sabihin kong, natisod ako at tumama ang labi ko sa labi mo. Tapos nasipsip ko.”
“Hindi mo na mapagtatakpan ang halik pero magagawa mong ipaintindi sa kanya ang intensyon mo at desisyon ko sa gusto mo,”
Nagsalubong ang kilay. “What is this? Do you want me to tell her that you’re rejecting me?”
“Hindi.”
“Then, enlighten me.”
Napaisip ako. Kumurap kurap at naghanap ng mga tamang salita. “’Wag mong patagalin ang tampuhan ninyo. Ayokong ako ang maging dahilan ng away niyo. Ayokong--” tumigil ako dahil hindi ko na kayang dugtungan ang nilalaman ng isipan ko. I loved Dulce. She’s like my own little sister. The family that I had before is precious to me. It felt immortal sin to be the reason of their petty fight.
Dylan reached for my hand. My eyes lingered on his fingers but he made me looked at him. Hindi siya ngumiti. Pero nakita ko ang gaan sa kanyang tingin.
“I will talk to her later. Don’t get upset. I will do what you want me to do, okay?”
He gave me assurance and his words. I believed him. Oh well, I got to believe him. Yumuko ako pero inangat ko rin agad ang mata ko sa kanya. Isang beses akong tumango. Hindi na niya inalis ang mata sa akin.
In the middle of his stares, I got lost. Lumayo ang mga mesang malapit sa amin. Lumabo ang mga boses at kalansing ng kubyertos. Naglaho ang mga matang napapasulyap sa amin. We stared at each other until the waiter snapped me out of my dreams.
“Wine, Sir, Ma’am?”
“No.”
“No!”
Natigilan ang waiter sa sabay at mabilis naming sagot. Napalunok ako at hinawi ang buhok kahit hindi naman mahangin sa restaurant. Dylan furiously looked up at him. Umatras ang waiter at magalang na umalis.
Hinilot ko ang balikat at simpleng pinikit ang mata.