Chapter Twenty Four Part 2

2424 Words
Chapter 24 Part 2 Ruth Maraming tao sa Peyton pagdating namin. Nagwawala sa ingay ang speakers at hiyaw ng mga sumasayaw. Umakyat kami sa second floor. Mas kaunti ang tao roon. Okupado ang mga upuan pero hindi kasing gulo ng sa baba. Sa U-shaped na couch, nakaupo sina kuya Nick—ngumisi sa akin pagkakita, si Dean at Anton—parehong tumango sa akin at nagtaas ng basong ininuman. Si Anton ay naghe headbang pa ang ulo, si ate Deanne—kahit sa malamlam na ilaw ay naanigan ko ang matamis na ngiti sa akin. Nakasuot ito ng pulang sweetheart top at itim na jeans. She has minimal makeup. Naka ponytail ang mahabang buhok at nakaladlad lang ang bangs sa magkabilang gilid ng mukha. Sa tabi niya ay si kuya Yale. My eyes froze. Nandito rin ang asawa ni ate Deanne. Tiningnan niya lang ako. Magkatabi ang mag asawa pero may munting espasyo akong nakita sa pagitan nilang dalawa. Panandalian akong natigilan sa espasyong tila malamig sa paningin ko. Tumayo si Anton, binigyan ako ng daraan paupo sa gitnang bakante. Nilagay ni Dylan ang kamay sa baywang ko. Napalingon ako sa kanya. He towered me. Hindi siya nakatingin sa akin. “Nag date pa kayong dalawa. Ang tagal niyo, ah.” kuya Nick said. Nagliyab ang mukha ko. Tumawa si Dylan. I was speechless. Narinig ko ang mahinang tawa ni Anton sa tabi ko. Nagpalit ang music at sumigaw ang mga tao sa baba. “Hindi ko dadalhin dito si Ruth nang hindi pa naghahapunan.” Sagot ni Dylan. Nakita ko ang pagbaba ni kuya Yale sa mesa ng boteng iniinuman. Sinulyapan niya ako tapos ay tumayo. “Excuse me.” Hinapit ako ni Dylan para umusod sa couch. Ang railings sa kabilang side ay kumikintab at kung hindi ako uusod ay madidikit doon si kuya Yale pag umiwas sa akin. “Saan ka pupunta?!” may pagtatakang tanong ni ate Deanne. Binalingan siya ni kuya Yale. “Male’s room, love.” Sumimangot ang mukha ni ate Deanne bago hinayaan ang asawang umalis. Nang makalayo na si kuya Yale, nagtawanan ang tatlong lalaking kasama nila sa pwesto. “Sundan mo kaya D kung nagdududa ka.” Pinaupo ako ni Dylan sa gitna. Sa kaliwa ko ay ang mag asawa. Sa kanan ko ay si Dylan at ang tatlong magpipinsang tinutukso si ate Deanne. I noticed; Dylan sat so closed to me. Maluwag sa kabilang side niya pero dinikit pa rin niya ang hita sa hita ko. Tiningnan ko iyon at ang mukha niya. Umiwas siya ng tingin. Sa halip, ay naghanap ng maiinom sa mesa. Binato ng nilukot na tissue ni ate Deanne si kuya Nick. “Shut up.” “Ang taas pa ng boses ni ate pagkatanong, e. Pero kanina pa sila hindi nagpapansinan.” Natatawang segunda ni Dean. Patuyang nginisihan ni ate Deanne ang kapatid. “He came straight here from the office. He’s tired.” “Pagod na siyang titigan ka. Hanggang tinginan lang kayong dalawa, e. Buti pa si kuya Dylan may pa holding hands kay Ruthie.” Sabay baling ni Anton sa amin. Malakas akong tumikhim. Inabot ko ang bukas na bote at tumungga nang kaunti. Tumawa sa tabi ko si Dylan at inakbayan ako. Namilog ang mata ko at nilingon siya. Dinikit niya ang labi sa tainga ko. Sa harapan pa ng mga kasama namin. Damn. It. “I will count your drinks, babe. May pasok ka pa bukas.” “Tanggalin mo kamay mo.” “Never.” He grinned and gulped in his own bottle. Tinitigan ko siyang masama at kinurot ang hita niya. Kumunot ang noo ni Dylan at natatawa akong tiningnan. “Higher.” The music gets louder. Sina Anton at Dean ay tumayo sa harap ng railings. With their drinks on their hands. Sina kuya Nick at ate Deanne ay may pinag uusapan. Hindi inalis ni Dylan ang mata sa akin. May biro o wala, iba ang hatid ng salita at boses niyang tila gusto akong kilitiin. I removed my hand from his thigh. He grinned and locked his hand around my waist and pulled me closer to his arm. “Some other time I can persuade you.” He whispered on my hair. Hindi ako sumagot. I didn’t have any words for that attack. It looked so natural for him to cage me this way around his cousins and siblings. Kung nandito si Red, makakatikim si Dylan ng matalim na tingin at matalas na tanong. But he wasn’t here. There are no fences to jump up. Sumandal sa upuan, nag de kuatro at binalingan kami ni kuya Nick. Binunggo ko ang balikat kay Dylan para mapansin ang pinsan niya. I cleared my throat and nursed my drinks. “You two became an instant celebrity. Our phones are on fire since this morning.” I gulped and looked at his way. Umusod palapit sa akin si ate Deanne. “It’s Dylan’s fault. Hindi niya nakitang may kasunod siyang reporter. Nagulo ba ang opening day niyo?” Umiling ako at ngumiti sa kanya. “Hindi naman, ate.” Kuya Nick waved his drinks. “I think you should stop calling Deanne like that. Na-drop mo nang tawaging ‘kuya’ si Dylan,” I got mentally block for a short while and then I saw ate Deanne shrugging her bared shoulders. Nilingon niya si Dylan na tahimik na umiinom sa tabi ko. But he squeezed my waist. “Call her Deanne. Then, Yale naman sa asawa niya.” It would be awkward, ofcourse. Dahil para sa akin, kakabit pa rin nila ako bilang kapamilya. Iba ang case kay Dylan. Sa sobrang galit ko sa kanya, pati paggalang ko nalusaw. “Er, ewan ko.” nalilito kong sagot. “She’s not yet comfortable. ‘Wag niyong pilitin.” Dylan held my gaze. Kuya Nick chuckled and shook his head. “Things will change if you two get married.” “Nick.” A warning call coming from ate Deanne. Kuya Nick looked and stared at her. “What?” “Stop bringing that up.” Akmang sasagot o magsasalita si kuya Nick pero hindi natuloy nang bumalik sa upuan niya si kuya Yale. No one said anything after that. The atmosphere changed. Malakas na tumikhim si Dylan. Nakuha niya ang atensyon ni kuya Yale. Parehong nagtaas ng iniinuman ang dalawang lalaki. Tiningnan din ako ni kuya Yale. He looked drowsy. Nakukuha ko ang kaunting resemblance nila ni Leonard pero mas malakas ang hatak ni kuya Yale. Maybe because he’s much matured and a bit older. He’s the most serious Montevista I’ve seen. We drank and listened to the background sound. May tatlong magagandang babae ang lumapit sa mesa namin. Kinausap si kuya Nick at niyaya siyang dumalaw sa sarili nilang mesa. He obliged and went with the girls. Sina Dean at Anton ay nawala rin sa harap ng railings. Hindi ko na napansin kung saan nagsuot ang dalawang mokong na ‘yon. Nakatingin ako roon nang iharang ni Dylan ang mukha niya sa mukha ko. “Are you cold?” he whispered. Medyo. Pero umiling ako. He touched my jaw. Oblivious of another two set of eyes. “Do you want to dance?” “Sa ganitong karaming tao? No.” I looked at him straight in the eyes. He sighed. “They won’t care about us.” “Ayoko.” Boses malat ang lumabas sa boses ko. I even whispered back. It was enough for me to get flushed. Tinaas niya ang kamay at hinaplos ang likod ng ulo ko. “Ako’ng bahala sa ‘yo.” “Ayoko nga. Ikaw, kung gusto mong sumayaw pumunta ka ro’n.” yakag ko. Hindi ko naman siya pipigilan. Kung talagang gusto niya. “Kung ayaw mo edi ayoko na rin.” Sinandal nito ang likod at mabigat na bumuntong hininga. I looked back at him. He laid his hand on my back. I caught him staring at the space between us. “Para kang bata d’yan. Go.” “Tsk.” Inis niyang sagot sabay inom sa bote nito. Nagtatalo ang isip ko kung maiinis o mangingiti ako sa mukha niya. Pagkababa ng bote ay tiningnan niya ako. Naging titig. Naging matagal. Naging nakakakaba. Paulit ulit niyang hinaplos ang likod ko. I bit my tongue and didn’t say a word. Even if the heat from his palm transferred beyond my clothes. When I saw his breathing turned heavy, I gulped. To save my sanity, I automatically looked away. It wasn’t enough. I stood up and walked to the railings. Nang makita ko ang maraming tao sa baba, para akong nakahinga nang maluwag at nakayanan ko nang kalmahin ang bagsik ng t***k ng puso ko. It is proven, that Dylan can seduced anyone. I’m tracking my heartbeat and it gets wild everytime he is near. Everytime he is touching me. Pinagliliyab niya ang balat ko. Nag iiba ng hugis ang isipan ko. Ofcourse, he is good at this department. He is the master seducer. But then, I am not immune with my anger. Actually, he is soothing my mind. And it is something I couldn’t avoid if I don’t have the initiative to walk away. Humawak ako sa bakal na balustre. Walang silbi ang malakas na musika. Natatabunan pa rin ito ng malakas na t***k ng puso ko. I tried to calm myself. I thought of some funny scenes in my head but it didn’t work. It’s—f*****g--not enough. He gasped loudly behind my back. “Gusto mo nang umuwi?” “Alam kong ayaw mo pa.” I answered without landing my eyes on him. He hooked his arms around me. I got gnawed with his actions. Namilog ang mata ko habang dumidikit ang katawan niya sa likod ko. Nilagay niya sa harapan ko ang dalawang kamay niya, ang isa hawak pa ang boteng iniinuman niya. I gasped when I felt him on my behind. I calm my nerves and the kicking of my blood. Tapos ay pinatong niya ang chin niya sa balikat ko. “You read my mind.” I attacked his chin using my shoulder. I composed myself not to show my agitated feelings. “Baka may makakita sa ‘tin.” “Relax. Nagpupunta ang tao rito para magsaya at magtanggal ng stress. Hindi sila mag-aaksaya ng oras para pansinin tayo. Look at them? They have their own businesses. They won’t f*****g mind ours.” “Nasa balita tayo. Makaka-attract ng tao ‘tong ginagawa mo.” “I can protect you. I will.” Salita niya sa tapat ng tainga ko. “Relax your body. You’re rigid. No one can touch you here. No one in here can hurt you.” I was uncertain at first. Pero sa boses at salita niya, naroon ang assurance sa lahat ng umiikot sa isipan ko. Binaba ko ang mata sa mga tao sa baba. Pinasadahan ko ng tingin. Wala sa kanila ang nakatingala sa amin. Marami ang sumasayaw, may ilang nag uusap, tumatawa ng malakas, nalulunod sa kwentuhan at inuman. May naglalakad at kinakawayan ang kakilala o kasama. Nagkukuhaan ng litrato at nakangiti o ngisi sa harap ng camera. His point is here and right. Walang nag abalang tingalain kami para usisain tulad ng naranasan ko sa araw na ito. Huminga ako nang malalim. Lumambot ang balikat ko. Dylan tightened his arms around me. He slowly buried his nose and lips on the crook of my neck. I flinched a little because it tickled me. But after a while, it became fine and soothing. Crazy. But it is. I tilted my head a little. For what? For I can feel his skin better. Crazy. Hinalikan niya ang leeg ko. Ramdam kong ngumiti siya kahit hindi ko tingnan. “That’s right. Depend on me. I’ll always be here for you.” He muttered and quietly back hugging me. I listened to song being played loudly. ‘I didn’t know that I was starving until I tasted you. Don’t need no butterflies when you give me the whole damn zoo’ “Hindi ka ba natatakot?” He breathed in my skin. “Saan ako matatakot?” “Sa sasabihin ng ibang tao. Kumpara sa akin, mas malaki ang mawawala sa ‘yo. Ang pangalan mo. Ang pinaghirapan mo.” Hindi siya agad sumagot. Akala ko, hindi na. “Hindi. Hangga’t nandyan ang pamilya ko—natin--wala akong katatakutan.” Hindi ko maramdaman ang takot o kaba sa boses niya. Pero ang puso niya ay hindi mapakaling tulad ng sa akin. Sa maiksing oras na iyon, inisip kong nasa gitna ako ng malalim na dagat. Hinayaan ko ang sariling lumangoy nang lumangoy at hindi binibigyang pansin ang lalim ng tubig. Lumayo ako sa kulungang pinanggalingan ko. Malaya ako. Malaya akong sumisid kahit pumunta pa sa pusod ng dagat. Walang nakakahabol sa akin. Walang pumipigil. Ang sarap maging malaya. Kahit panandalian lang. ** “Ruth.” “Oh?” nilingon ko si Esther sa counter. Nagpupunas ako ng mesa at nagligpit ng kalat. Nginuso siya sa akin ang pinto ng shop. He is half smiling while taking his tour inside our humble shop. Nanibago ako sa kanya dahil nagpagupit ng buhok si papa. Huminto ako sa pagpupunas at tiningnan ang bagong bili nitong damit at pantalon. Kahit sapatos ay bago rin. He looked at me and smiled wider. “Hindi mo ako inimbita na may bago kang negosyo, Ruth. Gano’n ka busy para makalimutan ako ng sarili kong anak?” Napalunok ako at humarap sa kanya. May dalawang customer pang naiwan kasama namin. Maya maya pa kami magsasara. His presence ate my happiness while working. Namulsa siya at tiningnan ulit ang interior ng shop. “Kung hindi ko pa nakausap si Dylan, hindi ko malalaman.” He looked different. Mas maaliwalas na ang mukha nito. Mas malinis tingnan. “Papa,” He sighed. He faked his sad face. “Hindi ako magtatagal. Tiningnan ko lang ‘tong tinutukoy ni Dylan. Well, hindi pala malaki. Akala ko big time ka rito. Pinapunta mo pa ba rito si Dylan?” “Hindi po.” tipid kong galaw sa labi. He nodded and started to turn around but he was halted of his thoughts, “Dapat sa kanya ka na lang nakisosyo. Mas higit na maganda ang i-offer no’n sa ‘yo. Nag aksaya ka lang ng kapital.” He left us. I finally breathed when he already left our shop. Tila nanghingalo ang dibdib ko paglingon ko kay Esther. Binigyan niya ako nang nakakaintinding ngiti bago bumalik sa ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD