“If you love money, you will never be satisfied; if you long to be rich, you will never get all you want. It is useless – Ecclesiastes 5:10
***
Chapter 25 Part 1
Ruth
“Gen?”
Nakatayo sa labas ng apartment si Geneva. Bahagya akong natigilan at pinagmasdan ang mukha at katawan niya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa unang baitang sa tapat ng pinto. Nginitian ako at saka pinagpag ang puwitan. May dala itong isang plastic bag.
“Bakit? May problema ba?” I asked carefully. Wala akong nakitang pasa o pamumula sa mukha niya.
Napakamot siya sa batok. Medyo nahihiya o nag aalangan sa gustong sabihin. “Ay, wala naman. Naisipan ko lang na dumaan dito. Akala ko kasi nandito ka na.”
“May kailangan ka ba? Pagkain?” agad kong hinanap ang susi sa bag ko. “May groceries pa ako sa loob.”
Pinigilan niya ang kamay ko sa paghalughog sa bag. “Hindi, hindi, Ruth. Kakagaling ko lang sa palengke. Iluluto ko pa nga ‘to para sa pulutan ng papa mo.”
“Ang mga bata naghapunan na?”
“Oo naman. Inutusan lang ako ng papa mo’ng gumawa ng pulutan. Naubos namin ang ulam, e.”
“Pasok muna tayo sa loob. Alam ko may Spam pa ko d’yan.” Hinanap at nakapa ko sa wakas ang susi ng apartment. Nilagpasan ko si Geneva. Lumapit ako sa tapat ng pinto at sinuksok ang susi sa knob. Ramdam kong sinundan niya ako sa likuran ko.
Ayoko mang isiping ibibigay ko bilang pulutan ni papa ang de lata’ng ‘yon, kaysa naman pagbuntungan pa niya ng init ng ulo si Geneva dahil sa kulang na pulutan, ipagkikibit balikat ko na lang. Lalo na umiinom ngayon si papa. Kapag nalasing ay nag iiba ang ugali. Pag ikot ko sa susi, kinalabit niya ako sa likod. I didn’t look back at her and just opened the door.
“Kainuman ng papa mo si Sir Dylan, Ruth.”
Ilang beses na ba akong natitigilan sa tuwing naririnig ko ang pangalang ‘yan? Malamang, hindi ko na mabilang. Nilingon ko si Geneva. “Nasa bahay niyo siya?”
“Oo. Tinawagan ng papa mo kaninang tanghali. Inimbita. Sabi niya busy daw sa opisina pero napapunta niya ngayong gabi.” She stared at me. “Gusto mong sumama sa akin pauwi roon? Bumili ang papa mo ng isang case ng alak. Nag-aalala ako. Baka malasing nang husto si Sir Dylan.”
“Hayaan mo. Malaki na siya.” I gulped. Hindi inalis ni Gen ang titig sa akin, kaya ako ang umiwas ng tingin dito. Mahahalata ba niya sa akin ang tunay kong nararamdaman? Dylan is older than I am. Siguro naman, alam niya kung ilang bote lang ang pwede niyang inumin para magkapagmaneho pa. Hindi ko siya pupuntahan doon para pauwiin. Kapag kailangan na niyang umuwi, uuwi ‘yon. “Kapag nalasing, magpapasundo na lang ‘yun.”
“Ayaw mo bang silipin?”
“Hindi na. Pupunta ako sa shop pagkatapos kong magpalit ng damit.”
“Sige. Sabihin ko sa kanyang doon ka pupunta.”
Agad ko siyang hinawakan sa braso nang akmang tatalikuran na ako. “’Wag. ‘Wag mo nang banggitin.”
Hindi agad nakapagsalita si Geneva. Tinitigan niya ako ilang segundo. Binitawan ko ang braso niyang medyo nadiinan ko ang hawak.
“Si-sige. Alis na ‘ko.”
“Ingat.” Mahina kong sagot kay Geneva. Ilang hakbang pagkalayo sa akin, isang beses pa niya akong nilingon, tipid na ngumiti at saka tuluyang nawala sa paningin ko. Ni-lock ko ang pintuan pagkapasok ko. Nilingon ko ang dingding nito na para bang natatanaw ko pa ang labas. Bumuntong hininga ako. I swallowed and touched my pounding chest. He is near. Just a few walks away and it’s freaking making me nervous like this. Like a teenager who is missing her crush. Damn it.
**
Marami rami ang customer sa shop kapag gabi. Esther and I are happily serving them. Mas okay na ngayon ang system namin. Nag improve pagkatapos ng ilang araw. Though, hindi ako palaging nakakapasok. Mostly, gabi na ako tumatayo sa likod ng counter. Tapos ay naroon si Esther sa kitchen kasama ang dalawang part-time staff namin. Humahabol sa hapon si Walter after office hour. Iba iba ang schedule ng uwi niya dahil kailangan daw niyang mag OT. Kaya may time na gabi na siya nakakapunta sa shop namin. Or may time na hindi siya dumarating.
Nilagay ko sa silent mode ang cellphone ko.
Pagkalabas ng huli naming customer, binaliktad ko na ang maliit na karatula sa pinto. Kumuha ako ng basahan at isa isang pinunasan ang mesa. Sinunod ko ang pagwawalis. Nagtulong tulong kami kaya naman mabilis din natapos. Nagtagal lang sa kusina dahil mas marami roong lilinisan. Walter locked the shop. Nauna nang nakauwi ang staff namin. Ewan ko, sa kabila ng maraming ginawa ngayong araw ay hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagod. Buhay na buhay pa ang utak ko. Para bang kakayanin ko pang umalis pero wala akong balak na gawin ‘yon.
Tumayo ako sa gutter. Binalingan ko sina Walter nang magtagal ang dalawa sa harap ng shop. Bahagya akong natigilan dahil nakita ko silang mahinang nagtatalo ni Esther. Galit ang kaibigan ko. Umiling si Walter at walang salitang umalis. Hindi niya na rin ako tiningnan. Dumeretso ito sa itim niyang kotse at nagmaniobra paalis. Binalik ko ang tingin kay Esther. Pinanood niyang umalis si Walter. Magkakuyom ang kamao at mabigat ang paghinga. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat.
“Ano’ng nangyari?”
She gasped loudly and wiped the sides of her eyes. “W-wala ‘yon.”
“Wala pero umiiyak ka na?”
Namumula ang ilong niya. Umiling uling ito. Inayos ang tali ng bag sa balikat kahit hindi magulo. Humarap sa akin at pilit ang ngiting ginawa. “Tara na. Inaantok na ‘ko. Pwede ba akong makitulog sa apartment mo?”
“Oo naman.” Sagot ko. Pinagmasdan ko si Esther. Kahit ilang beses niyang itanggi, nag away silang dalawa ni Walter.
She smiled at me again. Umabrisiete sa siko ko. “Mag-midnight snack tayo. Pancit Canton, go?”
“Bahala ka.” I chuckled a little. Tamang tama, hindi pa rin ako inaatok.
Bumili si Esther ang dalawang Pancit Canton. Nagtanong ito kung may keso ako sa bahay, ang sabi ko ay meron pa. Dinagdag ko pang may boling pa ako roon. She faked her happiness with me. Buti, hindi beer ang inungot nitong inumin. Dahil hindi ko siya maiiwanang uminom mag isa.
Nang nasa tapat na kami ng apartment, tinahak ng mata ko ang daan papunta sa bahay ni papa. Binagalan ko ang lakad pero wala na akong nagawa nang hilahin ni Esther ang braso ko papasok sa loob.
Si Esther ang nagsalang ng tubig mainit sa kalan habang nagbibihis ako sa taas. Nagsando at shorts ako. Pababa sa hagdan ay narinig ko ang pagsabay ni Esther sa kantang p-ni-lay niya sa phone. Hindi ako nagugutom pero pagkaamoy ko sa Pancit Canton ay natakam pa rin ako. Pag upo ko, excited niyang hinain ang niluto. Nilagyan niya ng strips ng keso sa ibabaw. Naka ready na rin ang tinapay at dalawang tinidor. But we didn’t eat the bread. Masarap daw kasing isabay ang keso sa pansit.
Tahimik akong nakinig sa mga kwentong masaya at nakakatawa ni Esther. I answered back if she confuses me. Then, she would answer it with so much enthusiasm. Tatawa ako pero hindi ko mapahaba ang ngiti ko dahil hindi totoo ang sayang nakikita ko sa kanya. She would sing, eat and talk again. May minutong nawawala ang lungkot niya pero agad ding lumilitaw pagkatapos tumawa nang malakas. Like as if, what happened between them, Walter, robbed her happiness. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay makinig at makitawa sa kanya.
Nakahiga na kami sa kama nang lingunin ako ni Esther. Her eyes are already misty.
“Ruth, hindi ko yata kakayanin kapag nakipag break sa akin si Walter.”
Bumuntong hininga ako at tumagilid paharap sa kanya. “Gan’yan ba katindi ang away niyong dalawa?”
“Dumalang ang pagtawag at text niya. Sa shop na lang kami nagkikita.” nakatihaya ito at tumingin nang deretso sa kisame. Nakahawak sa kumot na sa tapat ng dibdib.
Napalunok ako. I would never like my answer but I still said it. “Baka busy lang sa office.”
“Kahit isang text sa buong araw? Hindi ba ako pwedeng isingit sa oras niya?”
“Tinanong mo ba sa kanya kung bakit?” umugong ang pagdaan ng tricycle sa labas. Hindi agad sumagot si Esther. Tila napaisip o nalayo ang isip sa tanong ko.
She sighed and looked at me. “Hindi raw niya nabibisita ang cellphone niya. Sabi ko, ‘kahit maalala akong i-text hindi mo magawa? Sino bang girlfriend mo, ako o trabaho mo?’ mali kaya ang tinanong ko sa kanya?”
“You asked him directly. There’s nothing wrong with that. Well, at least for me. Ano ba ang sinagot niya sa ‘yo?”
Umiling si Esther.
Pinagmasdan ko siya. She looked sadder than earlier. “Kaya siya umalis. Hindi ka na niya hinatid sa inyo.”
“Kung dumeretso ako sa bahay, hahanapin lang siya ni nanay sa akin. Maiiyak lang ako. Ayokong makita ako ni nanay nang ganoon.” Tinakpan niya ang mata. Ilang segundo lang ang pagitan ay narinig ko ang mahina niyang hikbi.
I got worried and touched her forearm. Wala rin akong ibang masabi. Wala akong maipayo sa kaibigan kong kasalukuyang nasasaktan ang puso. Ang hiling ko lang ay ‘wag magtagal ang ganito niyang kalagayan.
Inalis niya ang takip sa mata. Huminto sa paghikbi at pinunasan ang gilid nito. Tiningnan niya rin ako ng deretso sa mata. “Hindi ko kakayanin kapag hiniwalayan niya ako, Ruth. Ngayon lang ako nagmahal ng buong buo. Lalo pa . . . binigay ko na sa kanya . . . lahat sa akin.”
Mas lalo akong nahirapang bigyan siya ng sagot. I let her cried until she got tired and turned back at me to lick her own wounds. I sighed with a heavy heart and stared up the ceiling.
Sa totoo lang, ngayon ko lang din siya nakita nang ganito. Kaya siguro naninibago ako. Si Esther ay masayahing tao. Walang dull moments kapag magkasama kami. Mahilig siyang manukso pero hindi lumalagpas sa kung anong dapat lang itukso. Pareho kaming nangarap na maging matagumpay sa larangang tinatahak. Mapagmahal siya sa pamilya at sobrang sipag. And watching her crying because of a man, I sighed, it felt so sad and I couldn’t express my feelings towards that relationship.
Nakakatakot pa nga. Kabago bago pa lang nila. Sana, maayos pa ang sa kanilang dalawa.
Umilaw ang cellphone ko na nasa tabi ko. Kinuha ko iyon at binasa ang text na pumasok.
Dylan:
Still up?
Tiningnan ko ang oras. Mag aalas dose na. Sinulyapan ko si Esther. Then, I typed a reply.
Ako:
Nakauwi ka na?
Tila nag palpitate ang puso ko pagkabasa ko sa text niya.
Dylan:
I’m at your father’s house. He invited me to a drink. About to sleep?
Agad akong napabangon. Bumilis nang bumilis ang kalabog sa dibdib ko. Binalingan ko si Esther kung nagambala ko. Pero hindi nagbago ang posisyon niya. Sinuklay ko ang buhok at bumalik ulit sa paghiga. Tumalikod ako kay Esther. Feeling ko magigising ko siya sa paggamit ng phone.
Ako:
Go home. Don’t drink much.
I scrolled down my screen and read all his old messages while waiting for his reply. I bit my lip seeing his words he texted. Then, his reply came in.
Dylan:
We’re still drinking. Are you going to sleep?
Ako:
Oo, matutulog na ako. Magpahinga ka na
Dylan:
Can I sleep there? I don’t think I can drive
“Sinasabi ko na nga ba, e.” I murmured and typed my message.
Ako:
Natutulog na rito si Esther. Magpasundo ka na lang
Pero pagpindot ko sa ‘send’ nag failed ang text ko. “Ba’t . . .” I checked my load. And damn it, wala na akong pang text!
Napabaling ako agad kay Esther. Hindi pa rin nagbabago ang posisyon nito. Tulog na kaya? I looked back at my phone when he texted again.
Dylan:
Is that a yes? I’m tired, babe
Napabangon ako at basa ulit sa text niya. “s**t!”
Pinagpawisan ako agad. Tinanggal ko ang kumot at tumayo. Nagdalawang isip ako kung lalabas pa para magpa load. Well, pwede ko namang hintaying pumunta rito si Dylan at sabihing hindi pwede. Kaso baka mag expect nga iyon na matulog dito. Saan ko siya ipupwesto? Anong oras siya darating? I gulped and combed my hair.
I imagined Dylan sleeping beside me again and it is burning my skin.
Tulog na si Esther. Walang ingay kong hinanap ang bag sa dilim. Nilabas ko ang wallet at bumaba. Bitbit ko ang cellphone hanggang sa tindahan. Naabutan kong pasara na ang sari sari store nang marating ko. Ayaw na akong pagbilhan. Napilit ko lang.
Pagpasok ng load ko, agad kong sinagot ang text ni Dylan.
Ako:
Magpasundo ka na lang. Nasa bahay din si Esther
Dalawang beses ko iyong sinend para siguradong pumasok at mabasa niya.
Dylan:
Kahit sa baba ako
Malalaking hakbang akong bumalik sa apartment. Sinarado ko ang pinto at nagpaiwan muna sa baba habang nakikipag text kay Dylan. Unconsciously, I am already biting my lower lip while typing.
Ako:
Walang akong extra bed. Mahihirapan ka lang.
Pwede niyang tawagan si kuya Nick? Iyon ay kung available. Kung hindi naman, sa ibang pinsan o mga kapatid.
Dylan:
They are all asleep. I am alone here
Tinataboy mo lang yata ako e
I miss you Ruth Kamila!
I miss youuuuuuuu!
Damn. I’m really drunk babe
Pigil akong ngumiti habang paulit ulit kong binasa ang magkakasunod niyang texts. Patay ang electric fan kaya pinagpawisan ako. My fingers are shaking. The pumping of my heart is nerve-wracking. Sa sobrang tahimik, naririnig ko pati sariling t***k nito. I can already hear the sound of him while saying those words.
It took me a while before I could gather my thoughts and typed my reply.
Ako:
Tama na ang inom. Magpaalam ka na kay papa. Sabihin mong may trabaho ka pa bukas
Hindi ko gusto ang ideyang niyaya siyang uminom ni papa. He knew his history with daddy Matteo. And it’s making me worried. His presence in his darkened house with drinks and exchanging words with papa, it felt . . . wrong, somehow. But Dylan is Dylan. Ginagawa niya ang gusto. Baka gusto niya rin ‘yan? After all, he’s old enough to decide for himself.
Habang nakaupo mag isa sa sala, natahimik ako at lumalim ang iniisip. Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa maramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Huminga akong malalim at in-stretch ang legs sa sahig. Naghintay ako sa text niya pero wala nang dumating.
Nakauwi na kaya ‘yun? Bakit hindi nag text kung umuwi na?
Napatalon ang puwitan ko nang biglang may kumatok sa labas ng pinto. Bumilis kaagad ang t***k ng puso ko. Tatlong magkakasunod na solid na katok ang narinig ko. Tinitigan ko pa sandali ang nakasaradong pintuan. Kahit hindi siya magsalita, kilala ko agad ang klase ng katok na iyon. Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala pa ring text. The intruder outside my house knocks three times every a few seconds from interval of silence then knocked again. Tinahulan siya ng aso sa kapitbahay ko. I stood up and quietly walked.
Tiningala ko ang ilaw sa kisame. Nakabukas pa. I tsked and slowly wrung the knob. Nakita ko agad ang malaking bulto ni Dylan. He is washed with liquor scent. I didn’t like it but then . . .
“Gabi na.”
“Let me in.”
“Gabi na.”
Tinulak niya ang pinto para lumuwag ang espasyo, napaatras ako sa gulat, pumasok si Dylan at hinawakan sa likuran niya ang knob habang ang mga mata ay nakahinang sa akin. Tumunog ang hudyat na na-lock na iyon. Umatras ako isang beses at lumunok. Tinabingi niya ang mukha nang nakatitig sa akin. Mapula ang mukha niya. Bumigat ang paghinga ko. Para bang nag aagawan kami ngayon ng hangin para sa mga sariling buhay. Malaking hakbang pa ang ginawa niya Inabot ni Dylan ang magkabila kong pisngi at kinulong sa mga palad niya. Tinahak ng nakabukas niyang bibig ang labi ko. He made me halt from stepping back away from him.
Our mouth glued at each other.
Umatras ako nang umatras hanggang sa tumama ang likuran ko sa kahoy na poste ng hagdanan. He pinned me there and concentrated himself into my mouth. I held on his wrist and let him do what he wanted. This passion . . . is making me blind. I answered him blindly. Passionately. We were unstoppable. Pinangko niya ako. Kumapit ako sa leeg niya nang hindi binibitawan ang labi sa kanya. Naramdaman ko na lang ang sariling nakaupong pahalang sa kandungan ni Dylan.
He sipped and tugged my lower lip, I lost count. He put his hands inside my sando. I have no bra. Pero tumataas baba sa likod ko ang dalawang palad niya. I combed my fingers in his hair. When he thrust his tongue inside my mouth, I pulled his hair back and tilted my head. Titingnan ko ang namumungay niyang mata at tinitigan niya ang nag iinit kong mukha. I would claim his mouth again and he would eagerly thrust his tongue once again.
I knew I heard a gasp from the stairs but I didn’t give a look even one second. Hindi rin nagpapigil si Dylan sa pagdama sa labi ko. Alam kong lasing siya. Hindi ko gusto ang amoy niya dahil sa pag inom pero . . . hindi ko ring magawang awatin ang labi at kamay niya.
I am lost. He found me. That’s how I could explain the taste and feel of sealing my lips to him. He got drown. I saved him. I arched my back when he grabbed my waist the hard way. Walang makakapigil pero mayroong pagtitimpi sa labi at bawat yapos ng mga kamay.
Naglaro sa isipan ko ang pakiramdam at tunog ng mga labi namin. Pagkagising ko kinabukasan, kinapa ko pa ang labi at sinariwa ang nangyari kagabi. Nangyari ba talaga iyon? Parang nangangapal pa rin ang labi ko?
Agad kong hinawi ang kumot at tumakbo sa hagdanan. Nagmadali ako sa pagbaba para sana tingnan siya pero wala nang tao sa sala. Mangha kong tinitigan ang bangkong ginamit niya kagabi. Nanatili ang mata ko roon hanggang sa humupa ang nakakagimbal na bugso ng damdamin ko. Then, I saw my red roses on the dining table. Nakita ko ang maliit na papel na nakasiksik sa mga rosas. Inabot ko ang papel at kabadong binasa.
I had a great night with you. I’ll call. – Dylan
Well, at least he left a note. I smirked and stared on it for a while. Binagsak ko ang kamay sa gilid ko. Pinagmasdan ko ang mga pulang rosas na binigay niya sa akin n’ong huli. Nakababad iyon sa tubig kaya nagtagal kahit papaano ang life span nito. My heart is waking me up. Gising na ako. Gising na gising. But I am still couldn’t explain how I feel right now. I just couldn’t give it a name.
**