Chapter 25 Part 2
Ruth
The College of Communication started the preparation of graduation. Ilang araw na lang ang ipapasok ko sa Bangon Pilipinas Office dahil makukumpleto ko na ang oras na kailangan ko para sa internship. The students from different departments are all excited and, ofcourse, have ecstatic feelings dahil mararating na namin ang end ng college life. Naririnig ko ang kanya kanyang plano ng mga estudyante pagkatapos ng graduation. May ibang sasabak agad sa pag-a-apply at ang iba ay magpapahinga raw muna bago magtrabaho.
Mag isa akong nakatayo malapit sa stage sa labas ng building. In my four years of studying, I could finally say, mailap ang mga estudyante sa akin. Kilala nila ako pag enroll ko pa lang. Hindi naman ako nag alala na walang maging kaibigan dito. Sabi ko, okay lang mag isa. Though they say, ‘No man is an Island’, may time na kailangan kong makipag communicate sa mga kaklase ko. They were civil because it was school works. Pero sa labas ng classroom, mag isa na lang ako.
Tapos nang magsalita ang Professor sa maliit na stage. Nag kanya kanya na namang umupukan ang mga estudyante. Maingay na nagtawanan ang isang grupo ng mga lalaki sa kabilang panig ko. Nang balingan ko, nakilala ko ang taga ibang course. Pagkatapos tumawa ay luminga sila na parang may hinahanap. Nina came towards them. Tumaas ang kilay ko. Nilapitan niya ang estudyante ng taga Broadcasting Communication Department. Pinagkaguluhan siya at nakita ko ang saya sa mukha ni Nina. Tumabi rin sa kanila ang mga kaibigan niya, tapos ay napunta sa dereksyon ko ang atensyon nilang lahat.
Ano na namang problema ng mga ito sa akin?
Later on, dumami ang mga dumudungaw sa cellphone at tapos babaling sa kinatatayuan ko. Iyong iba ay tinakpan ang bibig at saka bubulong sa katabi.
I can feel the newly formed beads of sweat on my forehead. I started to shift on my feet more than twice. They attention expanded like as if I did something shameful out of their criteria.
Nina is watching me. Naglakad ito at hinawi ang mga tao para makadaan papunta sa akin. Hindi ako gumalaw sa kinatatuyan kong sementadong sahig dahil hindi ko na magawang umalis pa. Damn it. Ano na naman ba ‘to?
Huminto sa harapan ko si Nina. Matigas na ngiti ang binigay sa akin. “Congratulations, Ruth. You have another intriguing scandal. Grabe. You’re so into this!”
“What is it?” kabado pero tuwid kong tanong dito.
She tilted her head and showed me her phone. “Ito oh, headline ka na naman.”
“Ano?” hindi ko kinuha ang phone na inaabot niya na para bang iyon ang pinakamaruming bagay sa mundo ko.
She tsked me. “Basahin mo.”
I looked down on her phone’s screen. Hindi ko makita nang maayos ang nakasulat doon dahil sa sobrang liwanag ng langit. I had to force myself to read it. And I wanted to know, too. Pagkakuha sa phone, ito ang una kong nabasa. Naka bold and all capital letters:
‘THE RETURN OF THE PRINCESS? OR AIMING TO BE A QUEEN OF . . . HIS EMPIRE?’
Sa ibaba nito ay ang smokey at madilim na background na litrato ko at ni Dylan. Agad kong nakilala ang lugar sa Peyton. Ako, nakahawak sa stainless railings sa second floor at si Dylan na nakayakap mula sa likuran ko. Nakahalik siya sa leeg ko. Ang kumuha ng litrato namin ay mula sa ibaba. During that time, Dylan assured me that no one—no one was interested about us. That no one would dare to look at us. But obviously, someone did look and took photo of us on that very intimate position.
Tila napunta na sa tainga ko ang malakas na t***k ng puso ko. t***k na nakakapagparalisa sa isipan. In-scroll ko ang screen at mabilis na binasa ang article. Ni hindi ko pa inalam kung saang website ito o kung lehitimong balita nga. Kahit basahin ko ang nakasulat, walang pumapasok sa utak ko. Maliban sa mga salitang; ‘Incest’, ‘Melaflor’ at ‘Denise.’ I saw my name quickly and I was sure that they brought back my background even when I was still with the de Silvas.
Nanginginig ang mga kamay ko. Binawi sa akin ni Nina ang phone. I looked up and unconsciously looked around. Ngayon, halos lahat ay nakabaling sa akin. Tinitingnan ako nang nakakatawang mukha. Anong ginawa ko sa inyo? Anong ginawa ko sa inyo??!
Nina chuckled and crossed her arms on her chest. “’Wag kang mag-aalala, Ruth. Talagang magbe-blend ka sa pamilyang ‘yon. E, doon ka nanggaling, ‘di ba?”
“Incest . . .”
Binalingan ko ang babaeng nagbanggit ng salitang iyon sa bandang likuran ko. I glared at her and she abruptly looked away. I turned around. Hiningal ako sa mabilis na t***k ng puso ko. Nagmadali ako sa paglabas ng eskwela. Eyes were following me. No one stopped nor get my attention. Halos patakbo akong lumabas ng gate.
Stiffness, shame and angry swirled in my emotion. I literally felt numb while riding in the jeepney. Para akong inabutan ng gyera at umalis na lang bigla. Hindi ko na inisip pa ang mga tungkulin sa eskwela o sa ibang bagay.
Dumeretso ako ng uwi. Pagdating ko sa kanto namin, dinig na dinig ang malakas at maingay na kanta. Hinarang ako ng isa sa mga nag iinuman at nginisihan ako. Bahagya akong nagulat sa pagharang niya sa akin. Nakakalbo ang buhok niya at butas butas ang suot na damit. Tinaas nito ang bote ng alak na pinakita sa akin.
“Ikaw ang anak na maganda ni Jake, ‘di ba? Pakisabi sa papa mo salamat sa alak at pulutan. Galanteng galante. Sabihin mo nga, nanalo ba sa lotto ang papa mo?”
Hindi ko siya maintindihan. Lumayo ako at nilagpasan na ito.
But he yelled. “Labas kamo siya at makitagay sa amin!”
Hindi ko siya pinansin o ni nilingunan man. Nagmamadali ako hanggang sa makarating sa apartment. Ni hindi ko natapos ang activity namin sa school. It felt like they don’t matter anymore. I became the star of their attentions and I hated it more and more.
Nanghihina akong umupo sa sala. I heard my phone. I opened my bag and took it out. I saw Dylan’s name. He is calling me. Pero hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lang screen hanggang sa mawala ang tawag niya. Ilang sandali pa, text naman ang dumating. Pero hindi ko na rin iyon binasa dahil sigurado akong sa kanya rin nanggaling.
That same day, hindi na ako pumasok sa training ko. It was a dreadful decision to miss it but I don’t want to be visible in the public after I read that scandalous post. Pati ang litrato namin ni Dylan ay hindi ko mabura sa isipan ko. Nagkulong ako sa apartment mag isa. But I remember the shop and I still needed to convey a message from my absence.
Ako:
Hindi muna ako makakapasok ngayon. May need lang akong tapusin
Alam na kaya ni Esther? Noong gabing dumating si Dylan sa bahay, hindi ko iyon binanggit sa kanya. Wala rin siyang sinabi o nabanggit kung alam niya. Basta ang ramdam ko, nakita niya kaming dalawa sa ibaba. Pabalang kong binaba ang phone sa mesa. Nanghihina akong umupo. Sa magkapatong kong mga braso, sinubsob ko ang mukha at malalim na nag isip.
Bakit ako takot na takot kanina? Dahil sa bagong balita? Dahil sa litratong nakayakap sa likod ko si Dylan? Dahil sa halik sa leeg ko? Dahil sa masasakit na salita? O lahat.
I couldn’t even clear my mind. I lightly sobbed and hoped. Bukas, sa makalawa o susunod na linggo ay malulusaw din ang balitang iyon. Dylan can do something! Nag promise siya! Then, why am I so disturbed now? Para bang hindi ko ito malalagpasan. The news literally made me trembled and jumped out of my comfort zone. The firsthand experience of humiliation from bunch of people, is something I can’t easily erase from my mind.
Nag stay lang ako sa bahay buong maghapon. Pinatay ko rin ang cellphone. Tinutok ko ang atensyon sa paglilinis, pag redecorate, pag aaral at pagbabasa para mapatay ang oras. I revisited my own works and wrote nothing—I added nothing. I miserably did everything without the help of focusing. Kaya sa huli, nawalan na ako ng gana. I even sat down and scanned the house. Until, I knew that my nerves have slowed down. Nakakapag isip na ako nang kalmado.
Pero nang tingnan ko ang walang sinding cellphone, nagdadalawang isip pa rin akong buhayin iyon.
Nagluto ako para sa hapunan. Hindi ako lumalabas kaya kung ano lang ang nakita kong mayroon sa fridge, iyon ang niluto ko. Pritong bangus at ginisang sayote. Not bad. Pagkatapos kong kumain nang tahimik, sinubukan kong magbasa ulit. I tried so hard to apply my brain in the book. Tulad ng sabi ni Dylan, I can avoid unnecessary thoughts. I can trick my mind. Later on, nagawa kong i-concentrate ang sarili sa paksang binabasa ko.
Humaba ang katahimikang nagawa ko. Kumurap ako nang makarinig ng tawag mula sa labas. Agad kong nakilala ang boses ni Geneva. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nahihiya siyang ngumiti.
“Pinuntahan kita sa shop niyo. Pero ang sabi ni Esther hindi ka raw pumasok. May sakit ka ba?” hingal na hingal niyang salita.
Saka ko napagtantong nag dry na pala ang lalamunan ko. Tumikhim ako bago sumagot. “W-wala naman. May kailangan lang akong gawin ngayon kaya ‘di ako pumasok. Bakit?”
“Pwede ka bang sumama sa akin sa bahay?” nag aalangan niyang aya.
I blinked and crossed my arms on my chest. “Nand’yan na naman si Dylan? Umiinom?”
“Hindi. Wala si Sir Dylan. Pero . . .” nagdadalawang isip magsalita. May dumaang maingay na grupo sa labas at pagbusina ng tricycle.
I sighed. “Umiinom si papa?”
“Hindi rin. Umalis siya kanina pero hindi bumili ng alak pag uwi.” mabilis niyang tanggol sa kanya.
Pinanliitan ko siya ng mata. Bago para sa akin ang tono ng pananalita ni Geneva. “Gen, ano’ng problema?”
She looked at me. Napansin kong kinukurot niya ang daliri sa kamay. Ninerbyos ito sa kung anong nalalaman at hindi masabi sa akin nang deretso. “Halika at tingnan mo na lang, Ruth. Ikaw nang bahalang manghusga kung . . . problema nga ‘yon.”
“Gen,” ayoko pa sanang lumabas ngayon. Kaya lang hinihila ako ng disensyo sa mukha ni Geneva habang nakatingin sa akin.
Tumagilid siya at tinuro ang labas. “Kahit sandali lang. Tumakas lang ako sa bahay.”
“Ha, bakit?” I uncrossed my arms slowly.
She gulped. “Baka mapagalitan ako ng papa mo kapag sinabi kong pupuntahan kita. Akalain pa n’ong nagsusumbong ako sa ‘yo.”
“Dati ka namang pumupunta rito. Pero . . . sige. Sasama na ako.” I finally decided.
Ang daang papunta sa bahay ni papa ay parang daang may mababagsik na mata. Nalagpasan namin ang bahay na bukas ang pinto at nakatayo ang may ari nito sa labas. Pinakita niyang ngumuwi ito at sabay ekis pa ng mga braso na hinarang dibdib. Pagdaan ko, narinig ko ang sinabi niya: ‘Nakakasuka.’
Kumuyom ang kamao ko. Gen didn’t react. Nagtuloy tuloy lang ito sa paglalakad katabi ko. Pagkalipas ng halos isang minuto, bigla niya akong hinawakan sa siko kaya natigilan at lumingon ako sa kanya. Pareho kaming huminto sa paglalakad. Tinuro niya sa akin ang malayu layo pang daan papunta sa bahay nila.
“Ayun, Ruth.”
Sinundan ko ang tinuturo nito. Nakita ko ang isang sasakyan. Nakaparada sa mismong tapat ng pintuan nila. Sa kintab at kisig ng sasakyan ay masasabi kong bago iyon. Bukas ang driver’s seat. Natigilan ako sa pagkurap nang si papa ang nakita kong bumaba mula roon. Nakangisi at tila masayang masaya.
Nilingon ko si Geneva. “May pinagmamaneho bang bago si papa?”
“W-wala naman,” nag iwas ito ng tingin.
Tumitig ako sa kanya. “Kanino ‘yong sasakyan? Bakit nandyan at sakay siya?”
Hindi siya sumagot at bahagyang napakamot sa ulo. Binalingan ko ulit si papa. Nagpupunas na ito ng gilid ng sasakyan. Lumipat sa side mirror at hinipan iyon saka tiningnan ang saraling buhok. I caught him mouthing something. Pero mahaba. Para bang may sinasabi ito. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas. Humakbang ulit ako para lapitan siya. Sa kaliwang bahagi ng sasakyan, mula sa likuran ay lumabas ang kaklase kong si Nina. Suot pa rin nito ang damit mula kanina sa eskwela.
Dagli akong natigilan. “Ano’ng ginagawa niya rito?”
Humabol sa gilid ko si Gen. Tiningnan din si Nina.
“Kanina pa siyang hapon dumating sa bahay. Kaklase mo raw kaya pinatuloy ko. Sabi ko naman, may sarili kang bahay pero ang papa mo raw ang gusto niyang makausap. Noong dumating ang papa mo bitbit ang sasakyan na ‘yan, hindi niya pinaalis. Nagpaunlak siya ng interbyu sa kanya.”
“Interview? Bakit siya pumayag? Alam naman niyang . . .” pati paghinga ay nahirapan ako. And before I could breathe properly, malalaking hakbang akong naglakad palapit sa kanilang dalawa.
Nina saw me first. Matalim ko siyang tiningnan. Imbes na makaramdam ito ay tinaasahan pa niya ako ng kilay at nginisihan.
“Hi, Ruth.”
Lumapit ako sa harap niya. Magkahalong pagkapikon at disappointment ang nararamdaman ko. Ang magarang sasakyan ay kumikinang sa tama ng ilaw sa poste. “Wala ba kayong balak na tigilan ako?”
“Excuse me. Si Mr Melaflor ang pinunta ko rito.”
I scoffed the bile that sipping out my throat. Pati mga mata ko ay nagdidilim sa mukha at tono ni Nina. “He’s my biological father. Ano na namang bang gusto mong malaman? Bakit ka nangingielam ng buhay nang may buhay?”
“This is gathering of facts! At hindi ko pinilit ang father mo. Well, in fact, he is inviting me to your own wedding.” Tinagilid niya ang mukha at nanatili ang taas ng isang kilay.
My jaw dropped. Hindi ako nakasagot sa kanya. Binalingan ko si papa na ngayon ay napansin din ang presensya ko. Hawak nito ang bilog na basahan na siyang ginamit niya sa pagpupunas ng sasakyan. “Walang kasal, papa. Saan mo naman hinagilap ang kasinungalingang ‘yan?!”
“Hindi ako nagsisinungaling.” Sabay tingin nito kay Nina. He is saving his reputation.
Nina sighed heavily. “Para yatang walang alam ang anak ninyo sa kasal nila ni Mr Dylan de Silva,”
“Dahil walang ganoong mangyayari.” May diin kong salita.
Papa laughed and walked near me. Tiningnan niya ang basahan at pinunas doon ang kamay. “Alam mo kasi, pinapahirapan nitong anak ko si Dylan. E, kita ko namang gustung-gusto niyang mapakasalan si Ruth. Kaya nga raw niyang gawin ang lahat maging kanya lang ang anak ko. Hindi ba, magandang isulat ‘yon? Isang de Silva ang humahabol sa isang Melaflor. Kabaliktaran ng ginawa ng mama niya noon.”
“Hilario po ako.” I butted in and said clearly.
Nina looked at me. “Uh, yes. Apelyido nga pala ni Denise ang gamit mo. Bakit nga ba, Ruth? Ayaw mo bang maungkat ang naging bali balita noon sa ugnayan ng dalawang angkan?”
I stared at back at her and refused to say a word. Tinitigan din ako pabalik ni Nina.
“Hija, mag iiba na ang ugnayan ngayon ng dalawang angkan. Actually, mas gusto ko nga si Dylan. Galante at mabait na bata ‘yon. Marami siyang plano para kay Ruth. Kung hindi nga lang confidential, malamang sinabi ko na.”
“Baka po pwedeng makahingi nang kaunting detalye? Kailan ang kasal nila? Ano ang mangyayari kay Ruth after the wedding? At matagal na ho bang plano ‘yan? May bayarang nagaganap . . .?”
I gasped. “Nina that’s enough.”
“Masamang magtanong, Ruth? Mukha namang okay lang sa papa mo, e.” she gave me a pissed gaze.
Hinawakan ko siya sa braso at tinulak paalis. Inalis niya ang kamay ko. “Umalis ka na.”
“Sobrang defensive mo. Ayaw mong malaman ng lahat na nakipagrelasyon ka sa dati mong pinsan. That you, the dethroned princess of Matteo de Silva, committed an incest relationship with your former cousin!” she spat on my face.
My teeth gritted. “That’s not true.”
“Then, tell me what is true. Ikaw ba ang magpapatuloy sa naumpisan ng mama mo? O . . .” mabagal niyang binalingan at tiningnan ang bagong sasakyan. “Pinagsasamantalahan mo ang atensyon sa ‘yo ni Mr de Silva?” tiningnan niya ako ulit. “Plano mong mapalitan ulit ang buhay mo.”
I didn’t answer her. Pero hindi ko inalis ang masamang titig sa kanya. Hinawakan ako ni papa sa braso at hinila palayo sa kaklase ko.
“Easy. Walang pikunan. Interbyu lang, ‘di ba? For your information, Miss, hindi ito hiningi ni Ruth. Kusang binili ito ni Dylan para sa akin. I called it dowry. At walang masama kung kusang binigay. Sino ba naman ako para tumanggi, ‘di ba?”
Binaba ko ang tingin mula kay Nina hindi dahil natalo niya ako. Binaba ko ang tingin ko dahil sa binunyag ni papa. Higit sa lahat, narinig iyon ng kaklase kong gutom na gutom na makakuha ng balita. Gen walked towards us. Pinaalis siya ni papa pero hindi ito tuminag. Hinila ko ang braso ko at nag angat ng tingin kay papa.
Hindi ako makakapayag na ganituhin niya kami. Para saan pa ang pagsalungat kung hindi gagamitin nang tama? “Isoli niyo ‘yan kay Dylan.”
“Ano? Bakit isosoli? Baka magtampo ‘yon. Ikaw talaga, Ruth. Palagi mong pinagmamalupitan si Dylan. Bigyan mo naman ng kasiyahan ‘yung tao,”
“Ibalik niyo ‘yan sa kanya. Kayo ang nananamantala sa sitwasyon.”
Natigilan si papa. Nagulat, marahil. Pero kahit tumaas ang tension sa aming lahat, hindi ako umatras. Hindi ako nagbaba ng tingin. Sinalubong ko ang pag angat ng galit sa kanyang mata.
“Ako? Nananamantala?”
“Binigyan niya rin kayo ng pera, ‘di ba? Kaya namumudmod kayo ng alak sa mga kaibigan niyo.”
“Ows? Pwede ba, Ruth. ‘Wag kang magsalita na parang hindi ka rin nakikinabang sa taong ‘yon.”
“Wala akong hinihingi kay Dylan.”
Tumawa si papa. Tumingin sa mga taong nakakarinig na ng sigawan namin pero hindi ito nahiya ni umurong man. “Huminahon ka nga. Baka isipin ng mga kapitbahay natin, kayamanan lang ang habol mo kay Dylan. Mag ingat ka sa pagsasalita. Sikat ang taong ‘yan.”
“Ibalik niyo ang sasakyan sa kanya.” tinuro ko iyon.
Na freeze ang tawa niya. Nag iba ang tingin. May lamat na ang pasensya nito. Kaunting basag pa, malapit na rin siyang sumabog. “Tumahimik ka na.”
“Kapag hindi mo sinoli, ako tatawag sa kanya para kunin-“
“Tumigil ka.”
“Pinapakita niyo lang na mukha kayong pera at ginagamit niyo ang kayamanan ni Dylan-“ I totally halted when he hit me with his palm on my right cheek.
Papa slapped me. Suminghap nang malakas si Nina at napaatras. Lumapit si Gen at inawat ang galit ni papa.
“Wala kang karapatang utusan ako nang gan’yan, ha! Anak lang kita! Punyeta ka!” he roared.
Hawak ang nasaktang pisngi, nag angat ako ng tingin sa kanya. Nanubig ang mata ko at nagsimulang umibabaw ang init sa pisngi ko. Bilog na bilog ang mata niya. Mabilis ang paghinga. Namumula ang mukha habang nakatingin sa akin.
“At napakaarte mo! Bakit isosoli? E, binigay ‘yan sa akin! Hindi ko ‘yan nilimos. Kusa niyang binigay!”
“Tama na ‘yan, Jake. Pinapahiya mo si Ruth.”
Papa glared at Gen. “Ako ang pinapahiya niyan! Mana sa ina kaya ganyan!”
I scoffed and wiped my tears away from my cheek. Nalingunan ko si Nina na ginagamit ang cellphone. Pinagmasdan ko ang phone niya. Napansin niya ako at nilayo ang gadget sa paningin ko.
“I think, I’m done here. Aalis na ako.”
I don’t know what to say. Walang imik ko siyang sinundan ng tingin. Mabibilis ang hakbang nito palayo.
“Kasalanan mo kapag panget ang lumabas na balita sa ‘yo!”
Unexpectedly, a new tear formed in my eyes. Padabog na pumasok sa loob ng bahay si papa. Naiwan sa tabi ko si Gen. Tumulo ang luha ko. Binalingan ko ang sasakyan sa gilid ko. Walang muang na kasumpa sumpa sa paningin ko ang bagong bili at magarang sasakyan na ‘yan.
Minsan, ang hirap intindihan ng kagustuhan ng tao. Mas okay na lang na tanggapin nang tanggapin ang masasakit nilang sinasabi kahit ramdam mo sa sarili na hindi iyon totoo. Pero magagawa mo bang ipaintindi sa kanila ang totoo nang hindi nagagalit? Iyon ang mahirap. Ang palaging magpanggap nang hindi nasasaktan at gawing mahinahon ang sarili para lang sabihin ang nararamdamam. Everyone is in working progress. Kahit iyong iba ay matanda na.
Nang makilala ko si Jake Melaflor, napagtanto kong, wala sa edad ang taong natuto na sa buhay.
“Ruth. Panay kasi ang banggit ng papa mo tungkol sa sasakyan kay Sir Dylan, n’ong nag inuman sila. Hi-hindi niya direktang sinabing ibili niyan pero . . . nangako siyang ilalakad siya sa ‘yo. Nag alala ako kasi nagkaroon din ng pera ang papa mo. Tapos, baka raw magkaroon kami ng bagong bahay.”
Lalo akong nanghina. Bumagsak ang balikat ko. Yumuko ako. Kung kaya ko lang maglumpasay sa sahig, ginawa ko na. Napapagod akong umiling at tumingin kay Gen.
“This is not going to work out. Kapag ganito nang ganito, hindi ko na makakayang humarap pa ulit sa pamilyang ‘yon.” My voice trembled. This pain is eating me alive.
Gen stepped forward and softly held my arm. “Ayoko rin naman ng ginagawa ng papa mo. Mabait si Sir Dylan. ‘Yung kahit tagalinis lang ako sa Penthouse niya, hindi ako nakaramdam na mababang tao ako. Iilan lang ang ganoong tumtrato sa akin. Kaya lang . . . ang papa mo, sipsip sa kanya. Kung magagawa mo sanang paalalahanan siya na hindi ko naman kayang gawin.”
“Wala siyang pinakikinggan. Pansarili lang ang iniisip niya. Kaya, kung, gusto mong makalaya kay papa, mag isip ka nang iwan siya. Dahil duda akong kaya pa niyang magbago.”