“The end of something is better than its beginning.” Ecclesiastes 7:8
***
Chapter 26 Part 1
Ruth
Sinundan ko ng tingin si Nina na palabas ng Dean’s Office. Pagkasarado niya sa pinto, tiningnan pa niya ako sa salaming bintana at simpleng ngumiti sa akin. Ngiting alam mong naungusan ka niya. Siya ang unang kinausap ng Dean nang ipatawag kaming dalawa habang nagpa practice para sa graduation. May tatlong araw na mula nang lumabas ang ‘Peyton Scandal’ kuno namin ni Dylan. The harmony in our school was disturbed by the issue. Kaya naman nagpasya na ang school na kausapin kami.
Pagkaalis ni Nina, hindi ko magawang tingnan si Mrs Pareno sa mga mata. Mahinahon naman siyang magsalita pero ramdam ko ang higpit sa kanyang mata at expression sa akin. Nakaupo ako sa isa sa magkaharap sa visitor’s chair na tapat ng mesa niya. Her table is sitting by few folders, envelops and file of papers. Ang dalawang maliit na picture frame malapit sa akin ay hindi ko makita. Nakaharap iyon sa kanya. I expected her to breathe heavily but she didn’t. She didn’t even clear her throat. But she stared at me longer than I thought. Mayroon siyang binuklat na mga dokumento at ang paglipat niya ng pahina ang namayaning ingay sa loob ng kanyang opisina. Aside from the air conditioning’s fan.
“Hindi ko alam kung . . . paano ko ‘to sisimulan sa ‘yo, Ms Hilario.” Seryoso ang tono niya.
Nag angat ako ng mukha at tiningnan siya. “Ma’am?”
She looked at me with her kind eyes. The wrinkles beside the corners of her eyes were very visible. Though, her hair is jet black. “You’re issue about ‘Incest’, as we all know, is circulating in the internet and in the campus.”
Simula pa lang niya, parang pinagsusuntok na ang dibdib ko. I gripped my hands at my bag over my lap. My eyes lingered on her as if waiting for the volcano to burst. Nagtagal din ang tingin niya sa akin. Pero hindi ako nagsalita. She sighed and intertwined her hands on the space of her table.
“Alam namin ang history mo sa pamilyang umampon sa ‘yo. We are not also against or have anything to say whether your status with Mr. de Silva is true or not. Pero nadadamay ang reputasyon ng eskwelahan. We are concern about the school and its students. Including you, Ms. Hilario.”
I gulped and straighten my back. “Mrs. Pareno, hindi naman po totoo ang . . .”
“Ang alin, Ms. Hilario?”
“Ang . . .” hindi ko magawang dugtungan ang sasabihin ko. Hindi pa ba sapat ang litratong kumalat online para sabihing may relasyon kami ni Dylan? Isang napakalaking katangahan na itanggi ko iyon ngayon kung may ebidensya namang nakakalat.
Pagod na pumikit si Mrs Pareno at bumuntong hininga. “Ayaw ng eskwelahan na madamay sa issue mo ngayon, Ms. Hilario. I looked at your records. Wala kang bagsak na subject at halos perfect mo ang attendance. As I can see, you’re serious about your academics and promising career. This is not just a game. We want you to fly high and achieve your goals. But then, you are also thought, na mahalaga ang reputasyon ng isang legit na Journalist.”
“Ano po bang ibig niyong sabihin? Tatanggalin niyo po ba ako sa graduation march?”
“Ofcourse not. You are going to get your diploma since you have passed all the requirements for your graduation. But to lessen this issue, we will make an action to not students get distracted by your issues. I hope you will understand. Warning pa lang sa ngayon. Kung lumala ang usaping iyan, we will deliberately talk about it and I will tell you. Nakausap ko na rin ang ‘yong Professor tungkol dito.”
Wala akong nasabi pagkatapos niyang magsalita. They already decided. Tangi ko lang magagawa ay maghintay at magdasal na hindi lumala pa ang balita tungkol sa akin. If they only going to weigh the issue, she is saying about me, wala sigurong ganitong pag uusap o warning. They couldn’t extract the point that Dylan and I are not blood related. Pero hindi sila nagbabase sa dugo kundi sa pinagsamahan at backtrack lang. Naiintindihan ko naman. Kaya lang, sana pagdating sa ganitong sitwasyon naging balance ang lahat ng pag iisip.
“I understand, Ma’am.”
She only nodded and dismissed me. I walked out from her office and wiped the tears on my cheeks. Sumandal ako sa tabi ng nakasaradong pinto at humugot ng malalim na hininga. Walang taong dumaraan sa hallway kaya’t pinalaya ko ang sariling umiyak nang tahimik.
Nag ring ang telepono mula sa pinanggalingan kong opisina. Pinunasan ko ang likido sa magkabila kong pisngi. Pagkasagot ni Mrs. Pareho sa tawag ay naglakad na ako palayo roon. Hindi ako bumalik sa practice namin. I decided to cancel it. Nagpaalam ako sa Professor. Nakakapanatag na rin na hindi ako tinanggal sa graduation. But I will make sure to pass all my unfinished projects and compulsory duties for my final grades. Nang sa gayon ay hindi nila ako masilipan ng butas mula roon.
I ate alone. I refused to answer Dylan’s call and text. Kahit sa iba pa niyang pinsan. Hindi ko alam kung anong naiisip ngayon nina dad at mom. Baka disappointed. Ganoon din siguro sina Red at Cam. In the end, mas kadugo nila si Dylan kaysa sa akin. Blood is thicker than water. Anumang kalabasan nito, sila dapat na magkapamilya ang magkakakampi.
I never knew the feeling of being outcast until I experienced it on hand. Sa huling araw ng pasok ko sa Bangon Pilipinas office, pinagsisihan ko pang pumasok ako. Hindi naman kasing lala sa school ang trato nila sa akin. Nilapitan ako ni Sir Ken para hingan ng sagot sa article ng kalabang kumpanya. Nagniningning pa ang mata niya habang naghihintay ng sagot ko. Umiling ako. Sinundan niya ako hanggang sa mesa ko.
“No po, Sir.” Magalang kong sagot. Binuhay ko ang computer. Nilagay ko ang phone ko sa tabi ng keyboard. I rummaged my papers just to show that I have no time for that. But it’s useless.
Umupo siya sa gilid ng mesa ko. Humalukipkip at nakatungo sa akin. “Kung gusto mong ilabas ang side mo, mas maigi nang sa pinagkakatiwalaang media company. Pinalalaki lang ng Philippine Daily ang tungkol sa iyo at kay Mr. de Silva. You can trust me, Ruth. Tayo ang maglalabas ng reaksyon mo. Ikaw pa ang unang makakabasa bago ko ipa-approve.”
“I’m sorry, Sir Ken.” Kinuha ko ang tumbler ko at tumayo. Iniwan ko siyang nakaupo pa rin sa gilid ng mesa ko. He is intimidating me at some point. He is alluring me to answer back that ‘issue’, na gusto ko namang patayin na lang.
Naghintay akong mapuno ang tumbler ko. Mula sa tabi ng water dispenser, binalingan ko si Sir Ken. Wala pa si Ma’am Farrah sa kanyang mesa. Ang ibang nagtatrabaho ay tahimik at nakatutok sa kani kanilang trabaho. Nakita kong yumuko si Sir Ken sa mesa ko. Pinagmasdan ko siya at hinanap ang tinitingnan nito. Pagkatapos kong maglagay ng tubig ay nagmadali akong bumalik sa mesa ko. I caught him looking down at my phone.
“Sir.” Untag ko sa kanya.
Tumawa siya at umalis sa pagkakaupo. “I will delicately write your story. I’m very interested.”
I sighed heavily. Binaba ko ang tumbler sa gilid ng mesa. Inabot ko ang cellphone at binuksan ang ilaw para ma-check kung anong mayroon. Tumaas ang kilay ko nang makitang may bagong text na pumasok. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas.
“I want to retain my privacy, Sir Ken. If you’ll just excuse me, magtatrabaho na po ako.” I gave him a look that I didn’t like him invading my phone’s details. Nakita niya ang pangalan ni Dylan.
Nagmaywang siya pero nakangiti pa rin. “I am only looking for the in-depth of your story. In-approach naman kita nang maayos. Pero kung mas gusto mong manahimik at ‘wag sumagot, wala akong magagawa. Sinasayang mo lang ang chance na ihayag ang side mo. I can’t believe Journalism pa talaga ang tinatapos mong kurso.”
“My course is my choice. If you want something entertaining to write, that ‘something’ will not come from me. Journalism is a work of gathering and checking facts and deliver it to the people deserves to know. I don’t think my own life and relationship status is a worldwide phenomenon. I won’t feed people news of someone’s private life.”
“But in reality, this is how our industry operates, Ruth. This is the real world. And if you can’t swallow it, I tell you from my own experience, you don’t have the inquisitive skills to stay in the field. Your point of view will not smell stories. So, good luck in your career, rookie.” He smirked and left me alone in my table.
Humawak ako sa sandalan ng computer chair ko. Umangat ang isang ulo mula sa malapit na mesa at sinulyapan ako. Wala itong binigay na reaksyon. Binalik din sa kanyang trabaho. I sat down and gripped on my phone. Tiningnan ko ang monitor at tumitig doon ilang sandali. Nilalamig ang mukha ko pagkatapos ng sinabi ni Sir Ken. I didn’t regret what I said but he made me feel fool in decision making.
Sa kabila ng naramdaman, sinubukan ko pa ring tapusin ang trabaho ko. Walang kumausap sa akin pero mayroong napapatingin. Dumating si Ma’am Farrah. Bago matapos ang araw ko roon ay nagpa-deliver ito ng pizza at softdrinks para i-celebrate ang last day ko sa internship. Hindi nakihalubilo si Sir Ken pero nag usap sila ni Ma’am Farrah bago ito umalis.
I had a hard time swallowing my food and giving nice smiles to everyone. Somehow, I became the controversial intern in their company. I will look at this in the future and maybe that year, I can fully understand what I did.
“Congratulations, Ruth! I’ll be delighted to recommend you in the office.” She showed me her perfect white teeth then sipped on her plastic cup.
I appreciated it so much. Kaya lang, pagkatapos ng mga sinabi ni Sir Ken, nanghina ako. I lightly smiled. “Salamat, Ma’am. Susubok pa rin po akong mag-apply sa ibang kumpanya.”
“Magtiwala ka lang. Matatanggap ka rito. Lalo pa ngayon, masasabi kong nakapaghain ka na ng pangalan sa media. Never mind the negative words. Masasanay ka rin sa kontrobersya. Kaya nga dapat matatag ka sa ganitong trabaho, ‘di ba? If you want to tell a story, you must stay active and alive. Pagnagtagal, masasabi mo rin sa huli na masarap maging manunulat. You will soon find your purpose why you are here.”
Matipid kong nginitian si Ma’am Farrah. She made me confused. Bumuntong hininga ako at tinitigan ang pizza sa paper plate. Kahit naman papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Tinapos ko lang kinakain at pagkatapos ay nagpaalam na ako. I received my certificate on that day, too.
Eksaktong paglabas ko sa elevator, nakabangga ko si Leonard sa baba. Pareho pa kaming nagkagulatan at natawa sa huli. Alam niyang ito ang huling araw ko sa internship.
“Tara kain tayo. Libre kita.” Ngiting ngiti niyang aya sa akin. He looked fresh. Basa pa ang buhok nito at mukhang bagong ligo.
May ilang empleyado ang napapalingon sa amin. Tinuro ko ang isang tabi para hindi kami maging abala sa daan. “Patung-patong na libre mo sa akin. Ako dapat ang taya ngayon.”
“Hindi ko tatanggihan ‘yan.”
“Wala ka na bang ibang gagawin? Paakyat ka sa office?”
Tiningnan niya ang nagsarang lift. Nagsuklay ng buhok. “To be honest, ikaw lang naman ang pupuntahan ko ro’n. Since, bumaba ka na, hindi na ako aakyat.”
“Bagong gising ka pa yata, ah.” Tukso ko.
Ginawa niyang obvious ang pagsuklay suklay sa buhok. “Hindi kasi ako makatulog kagabi,”
“Bakit naman?”
“Kakaisip sa ‘yo.”
Namilog ang mata ko. “Inaano kita?”
“Panay takbo mo kasi sa utak ko.”
Malakas akong tumawa. Sa gulat ko ay natakpan ko ang bibig at nilingon ang posibleng naingayan sa akin. Pagbaling ko kay Leonard, ang laki rin ng ngisi nito sa labi. Napailing na lang ako sa kalokohan niya.
Naglakad kami patungo sa lobby ng building. Niyaya ko siya sa fast food chain. Naisip ko ring dalhin siya 143 Street para ipakita ang coffee shop namin. We were still talking when Dylan stood up straight from leaning on the information desk. Sinuksok niya ang phone sa likod na bulsa habang sumasama ang mukha at tumatalim ang mata nito kay Leonard. Nagulat din ako dahil nakita ko siya rito.
“Mr. de Silva.” Leonard politely greeted him.
Malamig na mata ang sinagot ni Dylan sa kanya at awtomatikong bumaling sa akin.
Bumuntong hininga ako. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
“You’re not answering my call and even texts. What would you expect me to do, huh?” ang sungit niyang sumagot.
Pinagmasdan ko siya. Sa kabila ng nakakaagaw niyang pigura, tangkad at atensyon, ramdam ko rin ang mapanuring mga mata mula sa ibang tao rito sa lobby. May kukuha rin kaya ng litrato namin dito? Nasa taas lang ang Bangon Pilipinas office. Madaling maipapasa at gagawan ng update ang istorya namin.
I looked down, I bit my lip and released it. “Busy ako.”
He scoffed. Tinuro niya si Leonard. “Busy kang kasama ‘to?”
Napabaling ako kay Leonard. He still looked cool. Pero mali ang pagduro sa kanya ni Dylan.
“Nagkasalubong kami. Hindi mo siya kailangang pagsalitaan nang gan’yan.”
“It’s alright, Ruth.”
“Still.” May diin kong sabi. “Ano bang ginagawa mo rito?”
Nanitig siya sa akin. He probably didn’t like my tone but I didn’t like his, either.
Binalingan niya ulit si Leonard at masamang tiningnan. Umigting ang panga nito. Unti unting lumambot ang labi ko at napaawang. But he brusquely stepped forward and tugged my left wrist. Suminghap ako sa gulat nang bigla niyang hatak sa akin. The tension became more affluent when my right wrist was halted by Leonard’s hand.
Pagkakita roon ni Dylan ay nagtagis ang bagang nito sa kanya.
“Bitaw.”
Nakipagtigasan ng titig si Leonard kay Dylan. I pursed my lip together. I really felt the tightness of each hands holding both my wrists. Ang pagkaiba marahil, nanginginig sa galit ang kamay ni Dylan.
“Montevista.”
“De Silva.”
I sighed heavily and calmly closed my eyes. Sinubukan kong hilahin ang pareho kong kamay pero pareho ring nasasaktan. Until I gave up and looked at them. “Tumigil na nga kayo. Pareho kayong bumitaw.”
Agad kong naramdaman ang pagluwag ng kamay ni Leonard. Binitawan niya ang palapulsuhan ko. I immediately felt the comfort. Pagbaling ko kay Dylan, hinila niya ako agad at pinaikot ang libreng braso sa balikat ko.
“Leave her alone.” Dylan warned him.
Hindi man tuminag si Leonard pero kita kong lumalaban ang mata niya.
“Kung hindi ako nagkakamali, hindi naman kayo.”
Dylan devilishly smirked. “Hindi namin kailangang ipagsabi na kami.”
“Stop it. Ano ba? Para kayong mga bata.”
Hinila ni Dylan ang kamay ko. Nanatili akong nakatayo at hindi sumama.
“Ayoko.”
“Tapos na ang training mo. Uuwi ka at sa akin ka sasama.”
“Hindi ako sasama sa ‘yo.” Malakas kong sabi.
Nagkaroon ng katamikan ang paligid namin. Eyes are everywhere. Alam ko na ‘to. Ganitong eksena ang susunod na lalabas sa balita. Worst, nadamay pa si Leonard. Kung hindi lang sana war freak si Dylan, hindi ito mangyayari.
“Umalis ka na lang.”
Na hindi ginawa ni Dylan. Bumalik siya sa akin at hinawakan ulit ang kamay ko. “Hindi ako aalis nang hindi ka kasama. Alam mo ‘yan.”
My heart beat faster. While staring at his eyes, my breathing became harsh, too.
“Ayaw niyang sumama, ‘wag mong pilitin.”
Madilim ang mukhang binalingan ni Dylan si Leonard. “You, f*****g shut up.”
“Pinilipilit mo ang gusto mo kay Ruth.”
Kinuwelyuhan ni Dylan si Leonard. Nagimbal maging ang iba pang taong naroroon. Sumalampak sa marmol na sahig si Leonard matapos itong suntukin sa mukha ni Dylan. I called him but he didn’t look at me. Dinaluhan ko si Leonard. Nagdugo ang lower lip nito. Hinila ako ni Dylan patayo.
“You’re not going with that bastard.” He said with his gritting teeth.
Hinampas ko siya sa dibdib at masamang tiningnan. “Umalis ka na nga! Para kang basag-ulo. Hindi mo ‘to teritoryo at wala kang karapatang maghari-harian dito. Umalis ka na!”
“You’re coming with me.”
“I said no. Umalis kang mag-isa!”
Nakita ko ulit ang pag igting ng panga niya. “Hindi ako aalis nang hindi ka kasama.”
“Fine! Maiwan ka. Kami ang aalis!” hinarap ko ulit si Leonard. Patayo na rin ito. Hinawakan ko siya sa braso at hinila palabas ng building. Kahit saan ako lumingon, mga matang nakanood sa amin ang nakikita ko. Tinuro ni Leonard ang sasakyan niya. Sa tapat lang siya nag park. Dumeretso kami roon. Pinatunog niya iyon at binitawan ko na siya. A fine and heavy hand tugged my forearm once again.
Binalingan ko si Dylan. I glared at him. Pagdating sa labas, para bang mas nadepina ang pagod at puyat sa mukha nito. His anger was still visible. But I couldn’t deny that he looked tired and exhausted, too.
Hinihingal siya. He looked dazed. Surprised, tense. Hinahanap niya ang mata ko. “Are you going to leave me?”
Pinagbuksan ako ng pintuan sa harap ng sasakyan ni Leonard. “Hindi pa ba obvious?” tinalikuran ko siya at sumakay na sa loob.
Pinigilan niyang maisarado ang pinto. He took my hand. His thumb shakingly caressing my skin. “Come with me, Ruth. Don’t do this to me.”
“Saka na tayo mag-usap ulit kapag malamig na ‘yang ulo mo.” binawi ko ang kamay sa kanya.
Pinasok niya ang ulo sa loob at malapitan akong tiningnan. I was stunned, or, maybe mesmerized when I held his scent and when he touched my face. “Pagod lang ako. I’m sorry na. Sumama ka sa akin,”
“Ayaw nga niya.” salita ni Leonard sa labas.
Piniga ni Dylan ang isang kamay ko at halos mahalikan na ako sa sobrang lapit ng kanyang labi sa mukha ko. “Come with me. Please, come with me . . .”
“Tama na, Dylan. Bagong chismis na naman ‘tong ginagawa mo.”
“Then, come with me . . .”
“No.”
“Ruth, please . . .”
“Dylan-“ I got cut off. Hinila sa labas ni Leonard ang likod ni Dylan. Dala marahil ng galit dito, inundayan niya ito ng suntok sa panga. Napaatras si Dylan. Nakatabingi ang mukha pero hindi hinawakan ang parteng nasaktan. Bumaba ako at inawat si Leonard sa sunod nitong bayo ng kamao. “Tama na.”
Hingal na hingal sa galit. Masamang tingin ang tinapon ni Leonard sa lalaking nasa likod ko. “Siya ang nagpapalala sa problema mo.”
Binaba ko ang tingin sa paanan ni Leonard. I didn’t understand it at first, but this is what I wanted to do.
Hinawakan ni Leonard ang nakabukas na pinto ng sasakyan niya. “Ruth?”
“I’m sorry.” Iling ko sa kanya. I looked up at him.
Nagsalubong ang kilay niya. “Why?”
“Leonard . . .” I tensely licked my lip. I only shook my head.
Lumagpas ang tingin niya kay Dylan. Kung anumang ang isipin nito, ayaw ko nang pahinugin sa utak ko. Pareho ko silang iniwan at pumara sa dumaang taxi. Nilagpasan ako ng sasakyan pero huminto rin. Bumaba ang pasahero sa likod. Tinakbo ko iyon at pumalit sa sakay. Agad kong pinasibad ang taxi.
In my peripheral view, bago paandarin ang taxi, nahagip ng paningin ko ang malalaking hakbang na balik ni Dylan sa kanyang sasakyan. Samantalang sinundan na lang ako ng tingin ni Leonard at hindi na gumalaw pa.
“Saan po ba tayo, Ma’am?” tiningnan ako ng driver mula sa rear view mirror.
I sighed. “Valenzuela, ho.”
“Okay po.”
He drove and I just looked out in the window. Nagkaroon pa ng traffic kaya inabot kami ng dilim. But then, wala roon ang buong isip ko. Kundi sa kanya. My heart burned went Leonard hit him on the face. Iba ang sakit. Hindi ako ang sinuntok pero tumagos ang hapdi sa dibdib ko. I didn’t know it was painful to see him hurting. I immediately hate Leonard, then. Hindi man fair sa kanya dahil nauna siyang nasaktan kaso hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko.
I feared that Dylan would strike back. But he didn’t. Even if he had the chance. Napahawak akong bigla sa sandalan ng upuan sa driver’s seat, nang diniinan nito ang preno. Nilingunan ako ng driver.
“Hinarang tayo, ma’am. Kidnapping yata,” kabado niyang sabi.
Tiningnan ko sa harapan ang humarang na sasakyan. Nagbi blink ang ilaw nito sa likod. Natakot ang taxi driver at kumapit sa seatbelt. Dumagundong nga ang dibbdib ko pero hindi sa takot. Nag iisang bumaba si Dylan. Tumitig sa taxi—sa akin. Lumunok ako. Sinundan ko siya ng tingin habang umiikot ito palapit. Hindi ko mawari kung nasaan na kami. Kinatok niya ang bintana ko at pilit binubuksan ang pintuan.
Nilingon ako ng taxi driver. “Kilala niyo ba ‘yan, Ma’am?”
Tiningnan ko sa labas ng bintana si Dylan. “Opo.” At binuksan ang pinto.
“Sigurado kayo, ma’am?”
“Opo.” nilabas ko na ang mga paa ko. Dumukot sa wallet si Dylan at naglabas ng isang libo. Iyon ang binayad niya sa natakot na driver.
Tiningnan muna ako ni kuya bago kunin ang bayad. “May camera ba rito, Sir? P-ni-prank niyo si Ma’am?”
“Salamat po.” inalalayan ako sa pagbaba ni Dylan at siya na ring nagsara ng pinto. Hindi niya sinagot ang tanong ng driver.
Binuksan ni kuya ang bintana at nakangiting kumaway sa akin. “Thank you, Ma’am, Sir!”
I smiled back. Hinapit ako sa baywang ni Dylan. Hinila niya ako sa sasakyan niya. Habang nag U-turn na ang taxi’ng sinakyan ko. Dylan gave me firmed hands on my waist and palm. Madalang ang dumaraang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Tahimik akong sumakay doon. Patakbo na siyang umikot pasakay sa kanyang upuan. And he drove with me.
He took my hand and brought it to his lips. Matagal niyang hinalikan ang palad ko. While the other was holding the steering wheel.
Hindi kami nagkikibuan sa loob ng sasakyan. Hindi niya rin binibitiwan ang kamay ko nang ipahinga niya sa kanyang kandungan. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Pero nang mapagtanto kong malapit na kami sa bahay, tumikhim ako at nagkalakas ng loob na magtanong.
“Masakit?” halos bulong ko.
Sinulyapan niya ako at binalik din agad sa kalsada ang mata. “Medyo.”
“I’m sure masakit din ang suntok mo sa kanya.” Napaupo nga sa sahig.
Mabigat itong bumuntong hininga. Hindi niya ako sinagot.
I sighed. “Pagkahatid mo sa akin, umuwi ka na at magpahinga. Mukha kang pagod.”
“Hindi ba tayo sabay kakain ng dinner?” his voice was raspy. He needed sleep.
Umiling ako. “Magtatagal ka ‘pag nag-stay ka pa.”
“That’s what I want.”
Diniinan ko ang paglapat ng labi ko. Pinisil niya rin ang kamay ko. Itataboy ko siya. Dahil sa sama ng buong araw ko. Pero . . . baka . . . kapag nagmakaawa siyang magpapaiwan siya sa bahay ay wala akong lakas na tanggihan ang gusto niya.
“Hindi kita maasikaso. Papasok ako sa shop at may tatapusin pa ako for school.”
“Hindi naman kita iistorbihin.”
Lumunok ako pero parang mga bato ang nasa lalamunan ko. I cleared my throat. “Sundin mo na lang ako.”
Silence came. Sa wari ko, nag concentrate lang ito sa pagmamaneho. Lumingon ako sa kanya. Nakita ko ang talim at dilim ng mata nito sa kalsada. Dahil sa tiningnan ko siya, saka niya ako sinagot.
“Okay.”
“Thanks.” I sighed and looked at outside again.
Pagparada niya ng sasakyan sa harap ng apartment ko, hinabol niya ang pagbukas ko sa pintuan ng sasakyan. Tinititigan niya ako. Pero hindi ko na siya tiningnan. Alam kong sinusundan niya rin ako ng tingin, nag aamot na pansinin ko. Pero bigo siya ngayong gabi. Hanggang sa maisarado ko ang pinto ay hindi ko na siya nilingon.
Nananatili akong nakahawak sa knob. Hinintay ko siyang makaalis. Ilang minuto siyang naiwan sa labas at kalaunan ay umalis na rin.
***