Chapter Twenty Six Part 2

4548 Words
Chapter 26 Part 2 Ruth Ruth’s Graduation Day Halos tatlong oras lang ang tulog ko kanina. Simula nang mag umpisa ang preparasyon para sa graduation, imbes na mangibabaw ang kasabikan kong makapagtapos, kabaliktaran ang naramdaman ko. Hanggang ngayon sa araw ng pagtatapos, nandito pa rin ang bigat sa dibdib ko. Para bang ang lahat sa paligid ko ay lumalayo sa paningin ko. Nag lie low ang issue. Kaya hindi na ako kinausap sa Dean’s Office. Ang Professor ko ay masaya para sa akin. Nang may lumabas na bagong malaking balita, natabunan no’n ang tungkol sa akin. Hindi ko na rin nabalitaan ang update sa Philippine Daily. Ang pagpunta ni Nina sa bahay ni papa ay hindi lumabas. Wala na ring bagong litrato namin ni Dylan. Kahit noong nagsuntukan sila ni Leonard. Maagang dumating sa apartment sina Geneva at Esther. Silang dalawa ang nagpresintang ayusan ako. Naka hanger ang itim kong toga sa gilid ng hagdanan. Kagabi ko pa iyon pinalantsa. Ang bestida kong susuotin ko ay kulay maroon na off-shouldered dress, hanggang tuhod ang haba at mahapit sa baywang. It’s almost a body-hugging dress but comfortable. Paparisahan ko iyon ng itim na high heels. Si Esther ang naglagay ng makeup sa akin. Light lang ang style. Si Geneva naman ang nagkulot sa buhok ko. I just relaxed shoulders. Kahit puyat ay hindi ako inaantok. “Maghihintay na lang kami sa labas,” sabi ni Esther nang magligpitan na ng gamit sa sala. Nilingon siya ni Geneva. Nakasuot ito ng bagong biling slacks at puting blouse. “Baka sumama ang papa ni Ruth?” “Galit nga no’ng daanan namin. Sabi ko, graduation ngayon ni Ruth. Hindi naman daw Summa c*m Laude, kaya hindi siya sasama.” Esther spat her last sentence like as if it was the most hated words in the universe. Malungkot akong tiningnan ni Gen. Nginitian ko lang siya bago nagbukas ng refrigerator. “Sigurado ka bang, ako ang gusto kong dalhin doon? Hindi mo tinawagan ang daddy at mommy mo na pumunta?” “One is to one lang. Hindi ko naman sila maisasama sa loob ng PICC.” Nagparamdam ang hapdi sa dibdib ko. How I wish, na kasama ko ngayon sila. After the scandal, I don’t think I have a thick face to show for them. Habang umiinom, nahuli kong nagkatinginan sina Esther at Gen ng ilang segundo. Inubos ko ang tubig na laman ng baso. Lumingon sa akin si Esther at papilit akong nginitian. “Basta hihintayin ka namin ni Walter sa labas. This is gonna be your most unforgettable day ever!” I chucked and looked at the mirror. “Ilang oras na lang, officially unemployed na ‘ko.” “Uy ‘di, ha. Self-employed ka pa. May 143 Street Coffee shop ka!” nilapitan ako ni Esther at pinatong sa ulo ko ang Mortarboard. “Matagal mo ‘tong pinangarap, Ruth. Nagbunga na ang kasipagan mo.” “Resbak time ‘yan.” tumawa si Gen. Imbes na umiling, tumawa rin ako nang mahina. Sinilip ko ang oras sa phone ko. Napatda ako nang makita ang pangalan ni Lola Socorro sa email notification ko! “Nandyan na si Walter. Tara lets?” untag sa akin ni Esther. “Tara, Ruth.” Nanginig ang kamay ko. Bubuksan ko na sana ang buong email niya nang hilahin ako ni Gen sa kamay ko. “T-teka sandali,” sabi ko dahil excited akong mabasa ang email ng Lola ko. Nakangiting inagaw sa akin ni Esther ang phone ko at siyang nagtago sa bag ko. “Naku, mamaya mo na sagutin ang text ni Dylan. Makakapaghintay naman ‘yun hanggang mamaya.” “Huh? H-hindi. Iba ‘to,” hindi ako pinansin ni Esther. Magkatulong pa sila ni Gen na itulak ako palabas ng apartment. Si Gen din ang nag lock sa pinto. Ang mga kapitbahay kong nasa labas ay napalingon sa akin. Nangingiti at binati ako. I shyly answered them until I was totally conquered by my event today. Bumaba sa sasakyan si Walter. Ang gwapo nito sa suot na gray polo at black pants. Naka shades at bagong gupit ng buhok. Ngumiti ito sa akin at binati ako. “Thank you, Walter.” Sabi ko paglapit. “Pati sa paghatid.” Nginisihan niya ako. Tumagal ang titig nito sa akin. “Wala ‘yon. Lakad na tayo?” Hinila ni Esther ang kamay ko at pinapasakay ako sa loob ng kotse ni Walter. Natawa ako at sumunod na lang. Kaming dalawa ni Geneva ang magkatabi sa likod. Si Esther ay nakaupo sa harap. She and Walter are back to sweetness again. Nagtagal ng ilang araw ang tampuhan nila ni Walter. Noong magbati, ginulat na lang nila ako sa ka-sweet-an sa isa’t isa na para bang walang nangyari. Maaga pa rin naman kaming nakarating sa Philippine International Convention Center. Dagsa ang tao, magkahalong estudyante at mga magulang. Naiwan sa labas sina Walter at Esther. Sa Forum hall ang pila at hintayan sa mga graduates. May mga placards at doon nakasulat ang kani kanilang kurso, para agad mahanap ng estudyante kung saan ang pila nila. Medyo mainit dahil punung puno ng tao. Kahit hindi kailangan ay in-assist pa ako ni Gen sa pagsuot ng itim na gown. Malaki ang sleeves at puti ang hood. Ang mortarboard ay flat na pinatong sa ibabaw ng ulo ko. Pawisan na halos lahat nang makapasok sa loob ng pagdarausan ng programa. Tahimik lang ako nang makaupo. Maingay naman ang mga katabi ko. Excited at kabado sa pagsampa sa stage. Ilang sandali pa ay pormal nang sinimulan ang Commencement Exercises. Isa sa pinakahihintay kong gawin ay ang paglipat sa tassle. Mula sa kanan papuntang kaliwa. Nakangiti ako at halos hindi mag sink-in sa isipan ko ang pag graduate. Then, tinawag na ang kurso namin para kunin sa stage ang nakabilot na dummy diploma. May estudyanteng tinawag tapos ay malakas na palakpakan ang binigay. Mayroon namang mahina. Nang tawagin ako, mayroong pumalakpak. Pero meron ding hindi gumalaw. Hindi ko naman masyadong ramdam iyon dahil sa sobrang kaba ko habang naglalakad sa stage. “Congratulations!” “Thank you.” “Congratulations.” I smiled wholeheartedly while shaking their hands one by one. “Thank you.” On this stage, is the end of my four-year studying of BS in Journalism. I took and finished it. Though, it will not be the last obstacle but definitely the beginning of the new chapter in my life. Pagkatapos magbigay ng mahabang speech ang Summa c*m Laude, ilang sandali lang ay natapos na ang program. May ibang naghanap ng graduation song dahil wala raw iyakan. Pero sa huli, masayang masaya ang lahat at nagtalunan pa. Makipot ang daan palabas ng venue. Siksikan ang lahat ng tao pero nadadaan na lang sa biruan at tawanan. Tumingkayad ako para makita sina Esther. Maraming naglilitratuhan sa labas kasama ang parents at pamilya. Natanaw ko ang bubong ng sasakyan ni Walter. Sa likuran nito ay isang pamilyar ding sasakyan ang nakaparada. Kinawayan ako ng ngiting ngiti na si Esther. Hinawakan ako sa braso ni Geneva at hinila palapit doon. But I stopped when my suspicious were right. Kasama nina Esther ang daddy at mommy ko! “Ruth! Ruth!” sigaw ni Esther. Uminit ang mata ko. Sumakit ang lalamunan ko. Nanginig ang labi ko. At lumabo ang paningin ko pagkakita sa kanilang dalawa. Suot ko pa rin ang toga ko. Ang damit na ito ang tanging gusto kong ipagmalaki sa mag asawa. Kahit pang one-day event lang ito. Dahil nang tingnan nila ako, pareho nila akong nginitian ng kay tamis tamis at puno ng pananabik akong pinagmasdan kahit sa malayo. Ganoon din ang nararamdaman ko. Binuka ni Mommy Jahcia ang kanyang dalawang braso sa akin. Lumunok ako at humikbi. Pinunasan ko muna ang luhang tumakas sa mga mata ko bago tumakbo ng yakap kay mommy. I sobbed on her shoulders and hugged her tightly. Iyong yakap na ayaw ko siyang pakawalan. “I missed you so much . . .” I said in between my sobs. Daddy Matteo embraced us. Naramdaman ko ang halik niya sa gilid ng noo ko. “We miss you, too, princess. We missed you.” “I’m so proud of you, Ruth Kamila. So proud of you, anak.” Bulong ni mommy sa akin. Ito . . . ang pinakamasayang regalong natanggap ko sa araw na ito. Hindi ang party. Hindi ang materyal na bagay o kahit pagbati. Kundi ang makasama sila. Sila mismo. Tiningnan ni mommy ang mukha ko. She kissed my cheek and I sobbed again. Like just a child. Kahit pagtinginan ako ng maraming tao, wala silang halaga sa akin. Kahit magmukha akong batang napaiyak ng kagalit, okay lang. I loved my mom’s loving hands. Her warmth that I so missed. Pinunasan ni Mommy ang luha sa mukha ko. “Pulang-pula na ang ilong mo, anak.” “Mana sa ‘yo, babe.” Pinisil ni dad ang tungki ng ilong niya. Sumimangot si mommy kanya. “You’re beautiful. As always.” “Mana sa ‘yo, babe.” Humalukipkip si daddy at nangising pinanood kaming dalawa. Mom and I looked back at him. And we both shook our heads. “Picture! Picture!” aya ni Esther pagkatapos nang maiksing kumustahan. Muntik ko na rin iyon makalimutan kanina. Dala ko ang camera ko. Tinuruan ko si Esther kung paano iyon gamitin pero pinasa niya rin kay Walter. Kinunan nila kaming tatlo ng litrato. Ang backdrop ay ang harap ng PICC at mga halamanan sa paligid. Hindi mainit ang hangin kaya napreskuhan din kami. I took a solo photo with mommy, too. Niyakap ko ang mga braso sa kanyang balikat at humalik sa pisngi niya. Sa ganoong pose nila kami kinunan ng litrato. Ang pangalawang kuha ay nakadikit ang ulo ko kay mommy. Tila pinagpahinga ko ang ulo sa kanya. Nakangiti ako pero may luha sa mga mata ko. I loved her so dearly. She is the only woman who took and loved me as her own child, despite my biological mother’s past with her own husband. Jahcia Fia de Silva’s compassionate heart is very rare. She is a treasure. She is dad’s precious gem. Our gem. Hindi roon natapos ang litratuhan. Marami pa. Nakisuyo si Walter na kunan kaming lahat ng litrato. “Nasaan po sina Red at Cam?” tanong ko habang inaayos ni mommy ang buhok ko. Mommy gasped. Napatakip ito ng bibig at hinagilap si daddy na kausap si Walter. “Naghihintay nga pala silang lahat sa Manila Palace. Matt,” “Uh, yes.” Sinilip ni dad ang oras at saka umakbay sa asawa. “Tayo na lang ang hinihintay doon.” “Sino pong naroon, dad?” Daddy grinned. “Your whole family.” Inabot ni mommy ang kamay ko. Nginitian ako. “Pina-book ni Dylan ang isang function room kay Dale. He organized it for you today.” “Po?” Daddy sighed. “Pumunta na tayo roon. Gutom na malamang ang dalawang kapatid mo.” “Sa amin ka na sumakay, Ruth.” Nananabik na aya ni mommy. “Opo.” Sagot ko. Nilapitan at sinabi ni daddy kay Walter kung saan kami pupunta. He told them to come with us as part of my graduation day celebration. Tiningnan ko si Esther. Tinuro ko ang sasakyan nina dad. Nag approve sign ito. “Sunod kami, Ruth.” Sabi niya. It was nostalgic to be inside daddy and mommy’s expensive car. Alam mo iyong pakiramdam na parang bumalik ako sa pagiging anak nila. Panay ang ngiti ni mommy sa akin at suklay sa buhok ko. Ang lambot at init ng kamay niya ay masarap damhin. Para kang aantukin. Tinawagan ni dad si Red. “We’re on our way . . . okay.” Then he put down his phone. Sa labas ng Manila Palace Hotel, gwardyado ang lugar. Bahagya akong natigilan dahil hindi ko maalalang ganito ang security dito dati. Well, baka nagbago na. May nagbukas ng pinto ng sasakyan namin. Kinausap si dad. These are his men. Inalalayan ni dad si mom sa pagbaba at tinali na ang kamay dito. Then, mommy held out her free hand for me. Agad ko iyong hinawakan at sumabay ng lakad sa kanilang dalawa. We were accompanied by the hotel staff and they opened the door of the function room for us. Tumigil ang ingay sa loob at napalitan ng masayang pagbati mula sa angkan ng mag de Silva. Nalulala ako. Nagulat. Pero maligayang ngumiti pagkakita ko sa kanilang lahat. Mayroon apat na pabilog na mesa at mga upuan. Maliwanag ang chandelier na tila kumikinang. The whole room is air-conditioned. The floor is carpeted, too. Sinalubong ako ng yakap ni ate Deanne at hinalikan ako sa pisngi. “Congrats, Ruth! I’m so happy for you.” “Thank you.” Nahihiya kong sagot. Pinagmasdan niya ang ayos ko at suot. “Who did your makeup?” “Si Esther. Kaibigan ko.” tumingin ako sa likuran para hanapin sila. Eksaktong dumating silang tatlo. May humila sa braso ko kaya napabaling ako agad. Si Yandrei at bigla akong niyakap. “Congratulations, ate Ruth!” “Salamat,” Pinalibutan pa ako ng ibang pinsan namin. Pinsan nila. At binati ako. Uncle Reynald and Auntie Kristina hugged and greeted me, too. Sumunod si kuya Nick at nginisahan ako. “So, what’s your next plan?” tanong niya. Nagkibit ako nang balikat. “Hahanap ng work.” “Agad-agad? Walang kang bakasyon o ibang plano kaya?” kinindatan niya ako. Tinapik siya ng dad niya sa balikat. “What are you talking, Nick?” “Nagtatanong lang po,” sabay taas nito ng dalawang kamay. Ngumiti ang mommy niya. Inagaw ang atensyon ng asawa. “Baka gusto lang ipahiram ni Nick ang yate niya kay Ruth.” “Mabuti pa nga. Mag relax ka rin, hija. Kapag nagsimula ka nang magtrabaho bilang journalist, baka palagi mong ma-miss magbakasyon.” Kuya Nick chuckled. “Anytime, Ruth. You can just call and I’ll reserve it for . . . you.” He winked. Napailing at ngiti na lang ako sa kanya. Iniwan ko sila at naglakad patungo sa mesa nina Uncle Johann at Auntie Aaliyah. Sobra sobra ang kaba sa dibdib ko nang magtama ang mga mata namin. I kissed Auntie on her cheek. She beautifully smiled and greeted me. Humalik din ako sa pisngi ni Uncle Johann. Mahinang tapik sa balikat ang ginawa niya sa akin. Tinitigan ako ni Auntie Aaliyah. Binuka niya ang labi pero hindi ito nagsalita. Hinawakan siya sa kamay ng asawa. Nagtinginan sila. Nahihiya ako sa kanilang dalawa. Nahihirapan akong makipag usap na tulad ng dati. Kaya naman nang hilahin ako ni Red at Cam, nakahinga ako nang maluwang pagkalayo sa presensya nina Uncle Johann. Nakita ko si Dulce. “Dulce,” She walked towards me. Nasa magkabilang panig ko sina Red at Cam. “C-Congratulations, ate Ruth.” “Thank you.” Inabot ko ang dalawa niyang kamay at mahigpit na hinawakan. Ngumiti rin ito sa akin. “E-Enjoy.” Sinundan ko siya ng tingin pagkaalis. Napaawang ang labi ko. Tinungo nito ang mesa ng kanyang mga magulang at tahimik na naupo roon. “Let’s go in our table, ate.” aya nina Red sa akin. Hindi ba nila napansin ang kakaibigang trato ni Dulce sa akin? Bago kami makaupo, bumukas ulit ang pintuan. Napabaling ang karamihan doon. Natigilan ako nang pumasok si papa. Huminto sa gitna at pinasadahan ang lahat ng taong naroon. “Reunion pala ‘to?” he asked. But no one answered. Sumunod na pumasok si Dylan, hawak hawak ang dalawang anak ni Geneva. Tumakbo ang mga bata sa nanay nila at excited na pumwesto sa upuan. Nilapitan ni Dylan si papa at tinuro ang mesa nina Gen. Naroon din at ka-table sina Walter at Esther. “Ate upo na.” untag ni Cam sa akin. Kumurap kurap ako at manghang tumango. Si Dylan ang nag ayos nito. Hindi niya kinalimutang imbitahan si papa. Pero . . . ayos lang bang pagsamahin sila ni dad? Hindi kaya mas magandang pinaghiwalay ang dalawa? Kung sana ay kinausap niya ako bago gawin ito para nakapagbigay ako ng suhestyon. But he did the work by himself. I sat with my parents and siblings. Katabi ang mesa nina papa. Nang ipahain ang pagkain, nakita kong tinitingnan ni papa si daddy Matteo. Hindi ako mapakali. Baka galit siyang makitang dito ako nakiupo at hindi sa mesa nila. Nakakaramdam din ako ng guilt. Ako yata dapat ang kusang lumipat doon. But . . . I felt happier here. Nandito rin si kuya Yale. Tulad n’on sa Peyton, tahimik siya at hindi masyadong kumikibo. Si Dean lang ang nakikita kong kinakausap niya. Saglit kong nalimutan ang nakakatulirong sandali nang kumakain na kami. Nagbibiruan sina Red at Cam kung sino ang unang uulit sa college. Napapailing si Mommy sa kanilang dalawa. Si Daddy naman ay nanghuhula kung sino nga. “Johann’s eldest took two courses. Then, my sons will take one course and ditch every year,” Tumawa kaming lahat. Nang ihain ang desserts, tumingin sa likod ko si daddy. At may humawak sa ibabaw ng balikat ko. “Babe . . .” Napalingon kami kay Dylan. Namilog ang mata ko sa tinawag niya sa akin. I abruptly looked at Cam. Napanganga ito sa pinsan niya. Si Red ay tumaas ang kilay. Nilahad ni Dylan ang kamay sa akin. I gulped. Kabado kong binalingan sina dad. They both has no appalled reaction but dad’s jaw clenched. Nilingon ko ulit si Dylan. “Not now.” Ilang sandali pa, wala na akong naririnig na kalansing sa mga pinggan. Pinapanood na nila kaming lahat. Dylan smirked at me. He is wearing his three-piece suit in black. His stubble is growing and there is darkness below his eyes. “Trust me.” “Trust you?!” Kusa niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako patayo. Hindi ko matingnan ang mesa nina Uncle Johann. Dahil sa hawak ni Dylan sa akin. Kung meron mang hindi nakakabagabag na tinging mayroon dito ngayon, ay nanggagaling kay kuya Nick. Damn. It. Magkahawak kamay kaming tumayo sa gitna. I could feel the high and low of my chest. May dalawang staff ng hotel ang nakatayo sa harap ng nakasaradong pinto. I nervously licked my lips and looked at Dylan. He cleared his throat and smiled. “Hindi na makapaghintay, ha.” “I’m not going to waste any time, Nick.” Tumahimik ulit ang lahat. Tumango si Dylan sa dalawang lalaki na nasa pintuan. Then, they opened the door widely. Suminghap ako at napaatras sa takot dahil nagsipasukan ang mga taong may hawak ng camera at microphone. He f*****g invited the press! Mangha kong nilingon si Dylan sa tabi ko. He is watching me and tightly held my hand. “Ano ‘to?” I asked him. My traumatic experience when he kicked me out of his father’s birthday party came back and washed me with fear. Halos ganito iyon malibang mas kakaunti ang tao. Hinila niya ako palapit sa kanya. “Trust me.” “How?!” I-f*****g-asked again. “Mr. de Silva!” Several from the media people called him. Tinitigan niya ako sandali bago binalingan ang mga nagkikilaspang camera. But most of them are recording a video. He cleared his throat again and sighed. “Thank you for coming. I would like to finally address the truth . . . between me and this beautiful woman beside me,” Napapikit ako. Natatakot na ako sa ginagawa ni Dylan. “There are lot of speculations, wrong assumptions and biased information. As you all knew, Ruth and I are not blood related. She is the daughter of Mr. Jake and Denise Melaflor.” Agad akong dumilat. Tiningnan ko si papa. Nakahalukipkip na ito at nakangisi. Napansin niya ako at tinanguan kay Dylan. My lips pursed at his relaxed reaction. Gustung gusto niya ang nangyayari ngayon. Siguro ay alam din niyang plano ito ni Dylan kaya siya pumunta! s**t! “I never regret what I did four years ago. Because I knew, that was the right decision. But I will regret this day, if I failed to address to everyone and our family, my intention with Ruth.” Nilingon niya ako. “I’ve been waiting for this day. I’m . . . so . . . proud of you, babe.” He gave me a smirk and dug out a small box from his pocket. A red velvet box . . . Napatda ako. There were loud gasps. Umingay ang mga reporter na hinaharangan ng mga staff sa hotel. Niluhod ni Dylan ang isang tuhod niya. Hindi ko inaalis ang titig sa kanya dahil hindi ko na ito magawa pa. He opened the box and it sheltering a beautiful diamond ring. “Ruth Kamila . . . Hilario, will you be mine and marry me?” he asked and smiled at me. My lips parted. Tinitigan ko sa mukha si Dylan. Binalingan ko ang parents niya. Hindi pa rin nagbabago ang reaksyon sa kanilang mukha. They looked cold and impassive. I looked at my parents. Pag aalala ang nababasa ko kina dad at mom. Then, my eyes settled at papa. He is enjoying this. Tumango siya at inuudyukan akong ibalik kay Dylan ang atensyon ko. Tiningnan ko ang mga reporter at kanilang mga video camera. I don’t feel anything but fear of the future. I looked down at him who is kneeling his one knee and offering marriage and the diamond ring. My future is in this shining and expensive stone. I am fearing this gem now. It is not alluring me. There is something wrong and it is consuming me. I doubt and doubt. I doubt that his family is fine with this. I doubt that dad and mom will be happy with this. I doubt if papa will not get anything from this marriage! And I doubt if Dylan and I will be stay together in this kind of relationship. I doubt if he will be going to accept and not going to reject me if he gets tired of me! This is not right. I’m not in the position to accept him. “Ruth . . .” Dylan’s hoarse voice. Dahan dahan akong umiling. Suminghap ako at umiling. “N-No.” “Ruth?” “I’m . . . sorry. Hindi kita pakakasalan . . .” nanlamig ako at tila umakyat ang dugo sa ulo ko. Tumayo agad si Dylan. In a span of seconds, twenty years added on his face. Hinawakan niya ako sa kamay pero hinila ko iyon. Inilingan ko siya ulit. Tinalikuran ko siya at patakbo akong lumabas ng function room. I heard papa’s calling my name but I didn’t give a damn. Tumakbo ako palabas. Hinarang at hinabol ako ng mga video cameraman. Pinalibutan nila ako habang nagmamadali sa paglalakad. I couldn’t run anymore. I didn’t cover my face. I’m trying not to cry. Lumapit ang mga tauhan ni dad sa amin at hinahawi ang mga reporter. Marami silang tinatanong. “Tumabi nga kayo! Ruth!” Hinila ako sa braso ni papa. Wala akong magawa. “Tangna. Magsilayo nga kayo! Mga pesteng reporter ‘to!” he spat at them. “Mr. Melaflor, bakit tinanggihan ng anak niyo ang marriage proposal ni Mr. Dylan de Silva?” “Bakit hindi niya tinanggap?” “Mga letche!” Tinulungan ng tauhan ni dad na mailayo ang mga reporter. Dinala ako ni papa sa isang hallway na wala ganoong tao. Hindi rin nakakapalapit ang media. Pasalya niya akong tinulak sa pader. Napaigik ako sa sakit ng likod ko. Dinuro niya ako sa mukha. Nilapit niya ang mukha at nangangalit na nagsalita. “Bwisit kang babae ka. Ano’ng kaartehan ‘yong ginawa mo? Balikan mo ro’n si Dylan. Kunin mo ang singsing at pumayag kang magpakasal sa kanya!” I glared at him. Anger rushed in my veins. Tinulak niya ang noo ko gamit ang hintuturo. Tumama ang likod ng ulo ko sa pader. “Tanga ka ba? Ang bobo bobo mo, Ruth! Paimportante kang tanga ka!” “Jake!!” Namilog ang mata ko nang marinig ang sigaw ni dad. Mabilis kong nilingon si dad na nakatayo hindi kalayuan sa pwesto namin. Nagtatagis ang kanyang bagang. Nakakuyom ang kamao. Madilim na madilim ang matang nakatitig kay papa. Umalis si papa sa harapan ko at si dad naman ang dinuro. “’Wag kang mangielam sa amin ng anak ko, Matteo. Kami ang mag ama rito.” “Don’t you dare hurt my daughter again or I’ll f*****g kill you.” Dad’s anger is visible all over his face. Mapaklang tumawa si papa. Namaywang. Isang beses akong nilingon. “Si Ruth? Anak mo? O baka anak ng naging kabit mo!” Nilapitan ko si papa at pinigilan na ito sa braso. “Pa, tama na.” “’Wag mo ‘kong pangunahan! Kung sinagot mo sana nang tama si Dylan, hindi tayo aabot dito at hindi maririnig ng lahat na kabit ang mama mo ni Matteo!” Winasiwas niya ang kamay ko. “Hindi gano’n si dad!” Nag aapoy sa galit akong binalingan ni papa. Inamba niya ang palad sa mukha ko. Sa takot ko ay hindi ako nakakilos. Pero inilang hakbang ni daddy si papa at sinipa sa tyan. Nagmura si papa na dinig na dinig sa baba. Nakabawi ito at sinugod ng suntok si dad. Dad tilted his upper body and jabbed his fist to papa’s cheek. Pagtayo ni papa ay hinawakan na siya ng mga tauhan ni dad. “Putangna mo, Matteo! Matagal na kitang gustong gantihan!” dinura nya ang dugo at laway sa sahig. “Babawian kita. Tandaan mo, babawian kita!” Nawala sa ayos ang suot niyang damit dahil sa pagpigil at hawak sa kanya. “Take him away.” Utos ni dad. Mas lalong nadepina ang galit sa pulang pula na mukha ni papa. “Is Denise fuckable than your wife? Huh!? Hindi mo makalimutan ang asawa ko kaya inampon mo pati ang anak niya!” My chest hurt. I heaved heavily like as if I could never breathe again. In-escort palabas ng hotel si papa. Nagpumiglas siya pero hindi nila binitawan. “Anak,” Tears pooled in my eyes. Nilingon ko si dad. Humahinahon na ang galit sa kanyang mukha. Hindi siya gaanong hingal, hindi tulad ni papa. But his jaw is still clenching. Nakita ko sa likuran niya si Auntie Aaliyah. My lips parted slowly when she stared at me in the eyes. Her lips pursed tightly. She is colder than she was in the function room. Nagmamadaling nilagpasan siya ni Mommy at nag aalalang nilapitan si dad. “Matt.” Agad niyang binisita ang mukha ni daddy. Her automatic response is to check dad’s health and physical appearance. “Are you hurt?” then, she looked at me. “Ruth,” Kumawala ang luha sa mga mata ko. “I-I’m sorry, dad, mom.” Tiningnan ko ulit si Auntie Aaliyah. “I’m sorry po . . .” “Ruth.” May diing tawag sa akin ni mommy. “Ruth.” Marahan akong umiling. I excruciatingly turned around and walked away from . . . them. I didn’t look back. Sinundan ko si papa sa labas ng hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD