Chapter Twenty Seven

4923 Words
“Wisdom does more for a person than ten rulers can do for a city.” – Ecclesiastes 7:19 *** Chapter 27 Ruth Sina Molly, Hanson at Christine ang kasama kong naghihintay sa milk tea shop para sa aming Executive Producer. Nasa tapat ito ng pinagtatrababuan naming TV Station. Via messenger ko na lang nalaman na rito ang tagpuan namin para sa meeting. We will discuss our next topic for the next episode of our Magazine TV Program. Katabi ko si Hanson, na kanina pa nag-i-scroll sa kanyang phone. Sa katapat naming couch ay sina Molly at Christine na nagse share naman ng tablet at busy sa tinitingnan doon. Nakaupo kami sa medyo semi-private na pwesto ng shop na ito. Magkatapat ang pandalawang pulang couch, sa gitna ay parihabang mesa at may mababang divider sa likuran nina Molly. Nakapatong doon ang pangdesign na paso ng mga halaman. Kaya kapag napapatingin ako sa kanya ay para bang may crown sa ibabaw ng ulo nito. Mayroong music background pero mahina lang ang volume. Para ngang bumubulong ang dating sa akin kapag nagsasalita ang VJ ng FM station. Pero nakikilala ko ang radio station na pinapatugtog nila. Pinapalakad din ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko. Walang masyadong tao rito sa milk tea shop. Malakas ang air conditioning at ang bangong ng hangin. I scrolled on my f*******:’s newsfeed. Tiningnan ko ang nag viral na post ng isang lalaki. Umabot na sa higit isang million ang views ng kanyang video. Binasa ko ulit ang sinulat niyang post. Ilang beses ko na nga itong pinanood at nakakabisado ko na. Umabot na rin hanggang sa ibang social media website ang istorya nito. Pinost niya ang kanyang video ng pananawagan. Hinahanap pa rin niya ang dating nobya na hindi sumipot sa kanilang kasal, fifty-four years ago na ang nakakaraan. He is 79 years old now. Hindi na siya nakapag asawa pa ng iba. Umaasa siyang makakatulong ang technology natin ngayon sa kanya, kaya siya nagpatulong din sa kaanak na gumawa ng social media account. Atleast, bago man lamang siya pumanaw ay malaman niya ang lagay at dahilan ng dating nobya sa hindi nito pagsipot sa kanilang kasal noon. “Pinasasakit nito ang ulo ko,” Lumipat ang paningin ko kay Molly. Hinihilot niya ang kanang sintido at tila inaantok ang mata. Binaba ni Christine ang tablet sa kanyang kandungan at nilingon ang katabi. Christine sighed. “Madali sana ‘yan kung gumawa ka ng back up plan. Though, hindi mo naman kasalanan kung magkaproblema roon sa beach resorts. Kaso, hindi mo rin masisisi ang production na umasa sa ‘yo. Ayun lang. Dapat talaga may back up plan.” Binagsak ni Molly ang likod sa sandalan ng inuupuan. Kamuntik pa niyang tamaan ang paso sa ibabaw ng divider. Pinabayaan niya ang dalawang braso na bumagsak sa magkabilang tagiliran. Para siyang nawalan ng malay pero dilat na dilat pa. She groaned. “Sinabi ko naman ang nangyari. Na pina-close ang resorts na ‘yon dahil sa pagkamatay ng isang customer nila. And that was the day before the taping. Same week pa ang airing!” “Mag ocular visit ka na kasi sa resorts na sinasabi ko sa ‘yo.” Hanson said without looking at Molly. Molly sighed again. “Tinawagan ko na ang manager n’yan. Nagpa-sched na ako ro’n bukas. Pero sa picture pa lang nu’n, parang hindi papasa sa production. Maliit. Wala masyadong amenities.” “Just try it, muna. Malay mo, masulit ang pagpunta mo.” “Wala ka bang nahanap na iba?” tanong ni Christine. Nilingon siya ni Molly at sumimangot. “Kailangan pasok sa budget.” “Gusto mong samahan kita sa pagbisita?” alok ko sa sarili sa kanya. Namilog agad ang mga mata ni Molly. Pinigilan kong ngumiti dahil sa kanyang reaksyon. Para siyang biglang natauhan. Kahit si Hanson ay napaangat din ng tingin sa kanya. “Okay ka bukas, Ruth? Wala ka bang sched n’un? Talaga ba?!” Sunud sunod niyang birada ng tanong. Napalakas din ang boses ni Molly kaya pati ang dalawang lalaking nakaupo sa ibang mesa ay nilingon din siya. I put my phone down on my crossed legs’ lap. Bumuntong hininga ako. “Libre ako sa umaga.” “’Alang date?” “Sa umaga?” kumunot ang noo ko sa patukso niyang tanong. Ngumuso si Molly at pinalobo ang kanyang kanang pisngi. I could say, she’s cute everytime she was doing that. “Hindi ba ‘yon nakakahiya sa ‘yo . . .” Pinanood ko ang pagbi-beautiful eyes niya sa akin. “Kung ayaw mo, edi hindi na kita sasamahan-“ “Eto naman ‘di na malambing!” inabot niya ang kamay ko at hinimas himas. Binawi ko ang kamay at tinampal ko ang kanya. “Ouch, Ruth, huh?” react niya sa ginawa ko. Hinamplos pa niya ang parteng tinampal ko. Umusod siya sa sandalan at nagde kuatro rin. “Ang bigat ng kamay mo. Kaya tuloy akala ng production staff natin pinaglihi ka sa sama ng loob ng nanay mo.” Kinuha ni Christine ang kanyang inumin. Tiningnan niya rin ako at saka tumango. “Yeah. Kahit noong Program Researcher ka pa lang daw. Hindi ka raw marunong ngumiti. Pero dati pa ‘yan. Iba na s’yempre ang tingin nila ngayon. Lalo nu’ng maging Segment Producer ka na.” Siniko ako ni Hanson. “Mas ilag na sila ngayon sa ‘yo Ruth kasi kumakain ka pala ng tao.” Sabay bumingisngis nito. Nagtakip ng bibig at nagpalit ng hita sa pag de kuatro. Hindi ko na siya sinagot. Dahil alam kong . . . aware silang tatlo sa kung sino ako. After graduation, agad akong nag apply sa iba’t ibang kumpanya. Hindi ko tinanggap ang alok ni Ma’am Farrah na magtrabaho sa Bangon Pilipinas. Sinubukan kong humanap sa iba. Pero sa kada interview na pinupuntahan ko, palagi akong nasisipat at uungkatin ang nangyari sa pamilya ko. Lalo na ang kay Dylan de Silva. Kalat na kalat noon ang pagtanggi ko sa kasal ni Dylan. Kung noon, si mama Denise ang palaging nakatali sa pangalan ko, four years ago, si Dylan de Silva ang palaging nakaakibat sa pagkatao ko. Tinanggihan ko nga ang pakasalan siya noon pero pinakasalan ako ng kontrobersya. For me then, tila suntok sa buwan ang makapagtrabaho sa media industry nang hindi nababanggit ang De Silva at Melaflor. Umabot ng halos anim na buwan na wala akong trabaho. Iyong kinikita ko sa 143 Street shop lang ako umaasa. Kahit bumabawi pa lang no’n sa pinuhan ang shop, Walter made sure na napapasweldo pa rin ako. Kaya nang makita ko ang advertisement ng TV Network namin na naghahanap ng mga bagong Program Researcher, may kurso ng Journalism, ay sinubukan ko. Natanggap ako at hindi ko kinailangang depensahan ang history ko kundi ang kakayahan ko lang na hawakan ang trabaho. It was the best decision, so far, that I ever did in my life. At 26, I could say that I’m pretty pleased with my promising career. Bata pa naman ako kaya malakas ang kumpyansa kong makakamit ko rin ang rurok ng success na pangarap ko. Mabalik tayo sa morning show na isa pang hawak ni Molly. Libre talaga ako sa umaga dahil kokontakin ko pa lang iyong matandang lalaki sa viral video sa f*******:. Gagawin ko iyon kapag nagustuhan ni Ma’am Elise ang topic na itatampok ko sa show namin. Hindi ko naman iaalok ang sarili kung hindi naman pwede. “Sira!” sabi ni Christine kay Hanson pagkababa nito sa plastic cup niya sa mesa. “Marami kayang may bilib kay Ruth sa team. Kada ere natin, hinihintay nila palagi ang episode ni Ruth. Ayun nga kasi ang sinasabi nila, ‘may puso’ ang istorya niya,” “Edi nai-intimidate pala sila kay Ruth?” tanong ni Hanson. “Maiiwasan ba ‘yon? E, magaling siya maglahad ng istorya.” “Naku. ‘Wag kang tumanggi kapag inalok kang maging Producer ng show, huh?” Umiling na lang ako. Si Hanson ang nagsabi no’n kaya hindi ko sineryoso. Saka, napakaaga pa. Marami pa akong dapat matutunan sa trabaho namin na hindi tinuro sa eskwela. “Ayaw mo ba nang ganoon, Ruth?” siniko ako ulit si Hanson. I sighed. “It’s too early to predict. Kung tutuusin, bago pa lang akong Segment Producer.” “Kaya gustung gusto kita, e. You’re so humble. ‘Wag mo kaming kalimutan kapag boss ka na namin, ha!” birong bilin ni Molly. “Ano’ng oras tayo bukas?” Binalik ko ulit ang pinag uusapan namin sa ocular visit niya sa resorts na pagte-taping-an ng morning show. Sinilip nito sa notes ng cellphone ang kanyang pang umagang schedule. Tapos ay sinabi sa akin. Dadaanan siya ng service van ng TV Station tapos ay susunduin nila ako sa bahay. I am still living in Valenzuela. Nang magkatrabaho, lumipat ako sa mas maayos at malaki laki na apartment. Walang butas ang bubong at gawa na sa bato ang maliit at humble kong bahay. Mas mataas nga lang ang upa. Hindi pa rin iyon kasingrangya ng ari-arian ng mga De Silva pero mayroon na akong dibisyon ng kusina at sala. Mas marami akong malalagay na appliances at furniture. Nakapaglagay din ako ng maliit na air-conditioning sa kwarto ko. May frame na ang kutson ko at hindi na ako natutulog sa sahig. It feels like freedom. I can do anything using the money I earned from working hard. Balak ko ring mag ipon para makabili rin ang sariling bahay at lupa. I know that it will take a long-time para mangyari iyon, dahil babayaran ko ang sasakyan ni Papa. Ang sasakyan na binili ni Dylan na ayaw niyang isauli. Nag usap usap ang mga kasama ko. Pero nang mabanggit ko ulit sa isipan ang pangalan ni Dylan, heto na naman ako at iniisip siya. I didn’t even want to engage myself with my co-workers. Wala na akong nabalitaan tungkol sa kanya pagkatapos ng araw ng graduation ko. Galit na galit sa akin si papa noon. Ilang beses niya akong tinawag na ‘tanga’, ‘bobo’ at ‘ipokrita’ dahil sa pagtanggi kong pakasalan si Dylan. Ang pakiramdam ko no’n ay isa iyong kasalanang walang kapatawaran habangbuhay. “Matabang isda na ang lumalapit sa ‘yo, pinakawalan mo pa! Ang bobo mo!!” Sinaktan niya rin si Gen dahil sa pag awat sa kanyang suntukin ako. Gen got hurt because of me. Sinubukan ko siyang dalhin sa ospital para ipagamot pero tumanggi siya. Pinilit ko pero matigas pa rin siyang humindi. Ayaw niyang mapahamak si papa. Ayaw niyang masabihang binubugbog ng kinakasama. Kaya niyang magtiis basta kasama pa rin niya si papa. Sa parteng iyon, sandali kong hindi naintindihan si Geneva. Lalo na sa mga desisyon niya. I tried to understand her but I just couldn’t do it. Ang naglalarong tanong sa isip ko noon ay, bakit ka mag-i-stay sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka lang? That night, Papa tried to call Dylan. There was still confidence in him. He was trying to reconnect with him again. Sapilitan niya akong ipapakasal sa kanya. Even after he fought with Daddy Matteo. Even after he disrespected my Mommy Jahcia. He was more than desperate to make me Dylan’s wife. Pero si Uncle Johann ang sumagot ng tawag niya. Nakita ko sa mukha ni papa ang gulat nang sambitin niya ang pangalan na iyon. Tinitigan ko siya habang nakikinig ito sa linya o habang nagsasalita si Uncle Johann sa kanya. Ni hindi siya nakasagot dahil agad na binaba ang tawag. Nalaman ko na lang kay Gen na hindi na raw makontak ni papa ang numero ni Dylan pagkatapos ng ilang araw mula no’n. I never heard of Dylan again. Si Red lang ang nakikipag communicate sa akin. He then told me na lilipad sila Pa-America kasama ang buong pamilya. Nasa shop pa ako no’n at nagtatrabaho. Nasa harap ako ng counter at hindi agad nakakibo pagkatapos niya iyong sabihin sa akin. Aalis silang lahat. Buong pamilya nina Uncle Johann, Uncle Reynald at Daddy Matteo. Red didn’t close the main reason why all of them suddenly decided to fly abroad indefinitely. Kumapit ako sa edge ng counter as I tried so hard to remain calm. “Sumama ka sa amin, ate. I will talk to dad.” Pumikit ako. Halos madurog ko ang cellphone ko habang nasa tapat ng tainga ko. Kumikirot ang dibdib ko. Hindi ko masabi sa kanya ang lahat ng tumatakbo sa isip ko. I heard him sigh exasperatedly. “Nasaktan si Mom nang umalis ka na lang bigla sa hotel. Gusto ka niyang ipasundo sa akin pero ang sabi ni Dad ay aayaw ka lang. Galit ka ba amin, Ate? Dahil sa pag-aya sa ‘yo ng kasal ni Kuya Dylan? Iniisip mo bang pinagtutulungan ka namin? Gano’n ba?” “Hindi ako kailanman magagalit sa inyo. Bakit ko ‘yon mararamdaman?” “Then, why did you choose to be there instead of coming back to us?” “Dito ako nararapat.” “No, Ate. You are given a choice. And you chose what you think you deserve.” “Red-“ “I am disappointed, okay? Higit na nasasaktan si Mom. Mommy loves you so much. Ate, matatahimik lang ako rito kapag sumama ka sa amin sa America. Tapos ka nang mag aral. Wala ka nang maiiwan d’yan. Sumama ka na. Ibibili kita ng ticket.” Gabi, pagkauwi sa bahay ay agad akong nag impake. Dalawang maleta at isang hand-carry bag ang hinanda ko. Sinilid ko ang lahat na importanteng gamit at iniwan na ang pwede kong pakawalan. Kinausap ko rin ang landlady ng inuupuhan para ipaalam ang alis ko. Kinausap ko rin sina Esther at Walter. Esther was happy, then. Batid niyang tama ang desisyon kong sumama kina Daddy. Masasaktan at problema lang mararanasan ko sa Pilipinas kasama si Papa. Walter was quiet. Hinintay ko ang araw na susunduin ako ni Red papuntang airport. Nasa kanya rin ang ticket ko. Though, siya lang ang kumakausap sa akin tungkol dito, hindi ako nagtanong ng kahit ano. Hinintay ko siya sa labas ng apartment. Kasama ko ang dalawang maleta at isang hand-carry bag. Nakasuot ako ng pantalong maong, itim na longsleeves, scarf at itim na rubber shoes. Am I going to be forgiven if I go with them? Si Dylan, kakausapin niya kaya ako ulit? Kukulitin? Honestly, I was hoping for the best. I was hoping that wounds will heal because of this. Napatayo ako ng tuwid nang pumarada sa harapan ko ang itim na Range Rover. Kabado akong lumunok hawak ang handle ng maleta ko. Bumaba ang driver at binuksan ang pinto sa gilid. I was astounded when Auntie Aaliyah went dowm from that car. Nakasuot ito ng itim ding dress at lutang na lutang ang kanyang ganda. She tied her long hair behind his throat. She was handling her black Hermes bag. Pagkasarado ng pinto, nanayo ang balihibo ko sa braso. I gulped. My palms got sweat. “A-Auntie . . .” Nakatayo pa rin siya sa tabi ng dalang sasakyan. Hindi ko alam kung may kasama pa ba ito sa loob pero wala nang ibang bumaba pa. Ang driver ay tumayo sa harap ng minaneho. Tinitigan niya ako. She didn’t smile nor give me a welcoming approach. Kumalabog nang husto ang dibdib ko. Hindi nagtagal ay bumaba ang mata niya sa mga bag na katabi ko. Pinasadahan niya rin ng tingin ang suot ko. Then, she looked at me. “Hindi na darating ang kapatid mo.” she said calmly. Napaawang ang labi ko. Lumunok ako bago nagsalita. “Nasa airport na po ba sila? Hindi po ako tinawagan ni Red,” Tiningnan ko ang cellphone na kanina ko pa hawak. There was no call or even text from him. Bakit hindi niya ako sinabihan na si Auntie Aaliyah pala ang susundo sa akin? “Tatawagan ko po siya, Auntie,” “I don’t want you to come with us.” Natigil ang pagclick ko ng tawag sa numero ni Red. I looked up at her beautiful face. At parang saka ko lang napagtanto ang lungkot sa mga mata niya. Pareho kaming tahimik at ilang segundong hindi nakapagsalita sa isa’t isa. I even processed what she said to me in my mind. “A-Auntie-“ “Palagi ka lang niyang makikita kung sakali. I only want the best for my Dylan. If he is not the best for you, please don’t come with us or come near us.” I saw tears in her eyes. Hindi ako nakakilos. Her soft-spoken voice got me like I was the villain in her family. Nasaktan din ako nang makita ang luha sa kanyang mga mata. I nervously gulped. “Kina Daddy at Mommy po ako sasama, Auntie-“ “Sa tingin mo ba hindi ka lalapitan ng anak ko kahit naroon ka lang kina Matteo?” “A-Ako po ang l-lalayo.” “Para sa akin, ‘wag mo nang subukan. Kung hindi mo matatanggap ang anak kong si Dylan, ‘wag ka na lang magpakita sa kanya. And I totally disapprove your father for using my son to get revenge to your dad,” I still had a lot to say regarding her son’s motive to marry me. But the statement she dropped about my papa left my words ignored. I could no longer defend myself because what she said was true. Kahit hindi harapang sabihin ni papa ang mga plano niya, madali siyang mahahalata dahil sa desperado niyang paglapit kay Dylan. Inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil. Tears pooled in my eyes. Masakit na manggaling kay Auntie Aaliyah ang mga salitang iyon. Kaya tama lang na alisin ako ni Dylan sa pamilya nila. Dahil hindi ako bagay doon. “I loved you since you were a kid, hija. But things happened. And no matter what happen I will always choose what makes my children happy. I will fight for their safety. I am a wife and a mother. Hindi mo ako maiintindihan ngayon pero balang araw, masasabi mong tama ang ginawa ko.” Hindi ko na nagawang sumagot kay Auntie Aaliyah. Yumuko siya nang lumandas ang luha sa pisngi ko. Pinunasan ko ang pisngi. I was stupid. I was stupid to do this. Dapat hindi ako pumayag kay Red na sumama. Hindi ko naisip man lang iyong mga taong nasaktan ko sa desisyong talikuran sila. Kaya wala dapat akong karapatan na sumama pa at umasang mabilis nila akong matatanggap ulit. Walang kibong sumakay ng sasakyan si Auntie. Pagkaalis niya, nanghihina akong pumasok sa apartment. Sinundan ako ng landlady ko at tinanong. “Ano? Hindi ka sinama? Kukunin mo ulit ‘tong apartment ko?” “Hindi na po ako aalis.” Mahina kong sagot. I still wanted to hope but I know that I shouldn’t. I turned off my phone. Nagkulong ako sa bahay buong araw. Hindi rin ako kumain o hindi ko naramdamang nagutom ako. Nasa taas ako at nakahiga nang makarinig ng ugong mula sa dumaraang eroplano. Para akong tanga na nagmadaling tumayo para panoorin iyon sa bintana. Gabi na iyon at nakita ko ang nagbi-blink na ilaw ng lumilipad na eroplano. I gripped my hands on the edges of my window. Hindi ko sigurado kung nakasakay ang pamilya De Silva roon pero ang puso ko ay sinasabing nandoon nga sila at lumalayo nang tuluyan sa akin. Kung noon, iniisip kong okay pa ang umalis sa mansyon dahil nakakausap at nasa malapit pa rin sina Daddy at Mommy. Ngayon, pumasok sa isip kong magkaiba na ang hanging nilalanghap namin. Magkaiba na ang lupang tinutungtungan namin. Milya-milya na ang layo nila sa akin. Hindi ko alam kung magkikita pa ba kami o . . . hindi na. Lumiit nang lumiit ang eroplano hanggang tuluyang mawala sa paningin ko. Nanginig ang labi ko. Umiyak ako nang walang humpay. This time, I was badly hurt . . . inside. Kaya ang pangako ko sa sarili, magsisikap akong maging matagumpay sa buhay. Babawi ako kung sakaling bigyan pa akong pagkakataong makita sina Daddy at Mommy. Hindi ko maibabalik pa ang nakaraan pero pwede ko pang harapin ang darating na bukas. I am missing them so bad. Here in my heart, they are my family. “Ruth? Ruth?!” Umigtad ako matapos yugyugin ni Hanson ang balikat ko. Mangha ko siyang nilingon at patanong siyang tiningnan. Tinuro niya ang entrance door ng milk tea shop. Nakita kong papasok na si Ma’am Elise bitbit ang bag ng kanyang laptop. So, I cleared my throat and sat properly. “Lumipad na naman sa ibang dimension si Ruth. Ano ba talagang iniisip mo kapag natutulala ka?” “Wala. Gan’to lang talaga ako.” “Weh? Hindi ba ‘yan tungkol kay ano,” “Kay ano, Molly? Kay ano?!” kinurot ni Hanson ang hita ni Molly kaya napaigtad din sa sakit ang kaibigan namin. “Hello, everybody.” Pagkalapit sa amin ni Ma’am Elise, hindi na ito nagpatumpik tumpik pa at agad na sinimulan ang meeting para sa next airing ng program namin. I am fond of her quick thinking, analyzing and decision making. She is a small woman. Married and has one child. Medyo malaman ang kanyang katawan pero walang sinabi sa kanyang confident doon. We took note all we discussed. May parteng sobrang seryoso namin at parte ring nagkakabiruan. Ang big deal naman kasi rito ay makabuo kami ng makabuluhang istorya na kakaiba at nakaka relate ang karamihan. O istoryang hindi mo pa naririnig at nakikita sa iba. Nagliligpit ako ng gamit sa bag nang lumapit sa tabi ko ang isa sa staff ng shop. Nakangiti ang lalaki habang inaabot ang isang parihabang box pero kita ang loob mula sa acetate plastic na harang nito. “May nagpapabigay po sa inyo, Ma’am.” Tiningnan ko ang laman sa loob ng mahabang box. Isang stem ng blue rose. “Ay! May secret admirer si Ruth?” tukso agad ni Hanson. Tinanggap ko ang box. Umalis ang staff at bumalik sa counter na pwesto nito. Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa shop. Mostly, puro babae at kabataan na ang mga ito at may kanya kanyang buhay sila. Wala naman sigurong sa kanila ang magbibigay nito sa akin, ‘di ba? Sinipat ko ang box na hawak ko at hinanap ang card. There is no card. Tumayo si Molly at Christine at tiningnan din ang laman ng box. “Ano ‘yan? Blue rose?” nakakunot noong tanong ni Molly. Nakatayo sa tabi niya si Christine. Humalukipkip ito matapos malaman ang binigay sa akin ng kung sinong tao. “Kakaibang suitor ‘yan. Gan’yang kulay ang rosas. May meaning ba ‘yan?” Bumuntong hininga ako. Binaba ko sa mesa namin ang box at pinagpatuloy ang pagligpit ng gamit ko sa bag. “Mga tao ngayon, ang lakas mang trip.” Hindi naman ito ang unang beses na makatanggap ako ng asul na rosas. This is actually . . . my third time. Whenever I am outside, sa Eatery o Mall, bigla na lang may lalapit at may nagpapabigay daw. Pareho parehong walang card ng pinanggalingan. Pagkaalis ni Ma’am Elise, naiwan pa kami sandali sa shop. But I received a text. Kaya ako ang nauna sa aming umalis doon. Tinago ko sa bag ang box para hindi niya makita. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa isang subdivision sa Makati City. Pagpara ko, ngumiti ako matapos makita si Lola Socorro na naghihintay sa labas ng bahay. Her pale skin looks so white under the sun. Iisipin kong multo siya kung wala lang siyang suot na red lipstick sa labi. “I missed you so much, hija.” Niyakap niya ako kaagad pagkabukas ng gate. Natawa ako dahil sa kanyang boses. “We talked last night, Lola. Hindi ba kayo nagsasawa sa mukha ko?” “No. Don’t say that. If you only agreed to live here, edi hindi sana ako mangungulila sa apo ko.” hinawakan niya ako sa siko at hinila na papasok sa kanyang malaki at modernong bahay. Sandali kong pinagmasdan ang bahay. Socorro Rafferty is damn rich. Umuwi siya rito sa Pilipinas three years ago, pagkatapos mamatay ng kanyang pangalawang asawa. She is already rich from my Lolo Benedicto’s money. But her second husband also left her some of his wealth and even properties abroad. Pagpasok sa bahay, agad niyang tinawag ang mga katulong para pagsilbihan ako. Magpahanggang ngayon naman, hindi pa rin ako makapaniwalang umuwi na siya. Ang Mama ng Mama ko. Ang kadugo ko. Ang nag uugnay sa amin ni mama Denise ko. Naghanda si Lola ng pagkain sa garden. Cake and green tea. We both enjoyed it. Iyon na rin ang bonding time namin kapag dumadalaw ako rito. “Maupo ka. Upo, apo. Tikman mo ‘tong chocolate cake. Ako ang nag-bake niyan.” Inabot niya sa akin ang naka slice na cake. Tinikman ko iyon. She’s good in baking. I mean, sooo good. “Walang kupas, Lola.” “I told you, apo. Ituturo ko sa ‘yo ang secret recipe ko para magawa mo rin sa susunod nating henerasyon. Kailan ka ba mag-aasawa?” “’La naman,” binaba ko ang platito sa mesa at sumimsim sa tsaa. Tiningnan ko si Lola Socorro na nananatiling nakaupo sa harapan ko at singtamis ng cake niya ang kanyang ngiti sa labi. “Pinapunta niyo lang yata ako rito para tanungin ulit ‘yan, e. Wala pa po. Gano’n pa rin.” “Magtapat ka nga sa akin, hinihintay mo ba siya?” “Sino ho?” “’Yung anak ni Johann de Silva. Ano nga bang pangalan no’n? Hmm . . .” Umiwas ako ng tingin sa kanya habang nag iisip ito. Hindi ko akalaing malalaman ko ang ganitong side ng Lola ko. Dati kasi, ayaw niya akong kausapin at para bang kinakahiya niya ako. Pero pagbalik niya rito, ibang Socorro ang nakilala ko. Ang magandang side naman no’n ay nagkaroon pa ako ulit ng pamilya. Hindi ako magrereklamo. Binaba ko ang bag sa bakanteng upuan. Nakita ko ang matandang hardinero niya na nagwawalis. “Wala po akong hinihintay. Busy ako sa trabaho, ‘La.” Kinuha ko ulit ang tinidor at kumain ng cake. “Ang sabi mo sa akin, hindi mo makalimutan ang marriage proposal niya sa ‘yo apat na taon na ang nakakaraan. Aba, kung dahil doon kaya hindi ka pa nag-aasawa ay baka siya pa rin gusto mong mapangasawa.” Pinagtaasan niya ako ng isang kilay at humalukipkip. “Four years na nga po ‘yon. Marami nang nangyari. Baka nga n-nag-asawa na rin siya sa America.” “Mababalita ‘yon dito kung nag-asawa nga. Ano nga bang pangalan no’n? Teka . . .” Kinamot ko ang tainga ko. Napapansin kong ilang beses na niya akong tinatanong tungkol sa pag aasawa. Ganito yata talaga kapag tumatanda na. “May sakit po ba kayo, ‘La?” Umasim ang kanyang mukha. “Kita mo ‘tong batang ‘to, nalimot ko lang ang pangalan ng ex mo, sakit agad ang hinanap mo sa akin. Ano ba ulit ang pangalan ng ex mo?” “Hindi ko po siya ex.” “E, bakit hindi ka pa rin nagbo-boyfriend? Bente seis ka na. Pwedeng pwede ka nang ikasal at magkapamilya. At para naman mabigyan mo na ako ng apo sa tuhod. Gusto ko pang maabutan ‘yan, Ruth Kamila.” “P-ni-pressure niyo naman po ako, e.” patampo kong sagot. “Mabuti nang ma-pressure ka nang magkalaman na ‘yang puso mo.” Tumahimik ako. Kumain ako at inubos ang cake. Pero sa bawat nguya ko, kumikirot ang dibdib ko. “Apo, may tao pa ring magmamahal sa ‘yo nang tunay. Iniisip mo ba ulit ang nangyari noon sa Mama Denise mo?” “Hindi na po, ‘La.” “That’s good. Magkaiba kayo ng Mama mo. Kung may masabi man ang ibang tao tungkol sa inyong dalawa na masasakit, tandaan mo ‘to, pagpumasok sa isang tainga, palabasin mo lang sa kabilang tainga. In that way, hindi ka malulubog sa kalungkutan. Dahil gan’yan talaga ang tao. Maraming sinasabi sa taong hindi lubos na kilala. Kung ano lang nakikita, hanggang doon lang ang nalalaman nila.” I looked down at my plate. Sa tuwing pumupunta ako rito, tila bagong hangin ang nalalanghap ko. S’yempre, gusto ko rin siyang paluguran. Life is short. I wanted the best for my Lola Socorro. Pangtapal man lang sa mga taong hindi kami magkasama. “By the way, uuwi na sila.” “Sino po?” sumimsim ako sa tasa ng tsaa. “Ang pamilya ng mga De Silva!” Naubo ako at tumapon ang laman ng tsaa sa damit ko. Dinaluhan ako ni Lola at hinagod ang likod ko. Malakas na boses niyang tinawag si Manang Carmen at nagpakuha ng tubig. Paglapit ng matanda ay pinaalis siya ulit ni Lola. “Hindi pala. Kumuha ka ng tuwalya at bagong damit ni Ruth. Doon sa kwarto niya. Dali.” I have my own room here. Nilaan niya sa akin para tulugan ko kapag narito at nagpagabi. Niyuko ako ni Lola nang umayos ang lalamunan ko. “Okay ka na ba, apo? Bakit? Na-excite ka ba sa pagbalik ng ex mo? Sinasabi ko na nga ba at may pagtingin ka rin doon!” Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko. “H-hindi po, ‘La.” “Hayaan mo. Pagkauwi nila, ipapatawag ko ang pamilya ni Johann de Silva para kausapin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD