“You will never succeed in life if you try to hide your sins. Confess them and give them up; then God will show mercy to you.” – Proverbs 28:13
Chapter 22 Part 1
Ruth
She was alone inside the coffee shop somewhere here in Caloocan City. Nag alala ako. Of all places, bakit dito napadpad si ate Deanne? Hindi kalakihan ang shop at nag iisa pa siya sa loob. May tao akong nakita sa counter. Babae, at parang hindi alintana ang nag iisa niyang customer sa ganitong kalalim na gabi. Ate Deanne was sitting beside the glass wall. Ka-level ng kanyang mesa ang imprint ng pangalan ng shop sa salamin. Agad akong nagbayad at bumaba ng taxi pagkakita ko sa dati kong pinsan. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng shop.
She was reading or looking something at the screen of her phone when I arrived inside. May isang tasa ng kapeng nakababa sa mesa. Her signature bag was sitting on the chair beside her. She was wearing a white cardigan, an army green spaghetti strap top and blue maong pants. Her hair was loose on its band. No makeup. But she can still catch attention by her silent gorgeousness.
You know, a kind of woman who is screaming of intellectuality but not showing it by her words.
Walang upuan sa harap nito. She probably took the chair for her bag. The woman at the cashier looked up at me. Hinila ko ang sandalan ng upuan sa katabing mesa at nilagay sa opposite na pwesto ni ate Deanne. I sat and sighed heavily. Nawala ang antok ko at kaunting epekto ng ininom ko kanina sa bar. “Why are you doing here at this hour?” I asked immediately like as if she was forbidden to be here.
She sighed. She was staring on her phone’s screen. Pumangalumbaba siya. “Investigating.” She looked up at me and smirked. A gesture that she inherited from her father. “Joke. Are you drunk?”
Hindi ko inalis ang pagkakayakap ko sa bag ko na nasa tapat pa ng tiyan ko. Uminit ang magkabila kong pisngi, pagkatanong ni ate. “Medyo. Pero konti lang.” kinamot ko ang gilid ng leeg kahit hindi nangangati.
Gumawa ng mahinang kalabog ang pagbaba niya ng cellphone sa mesa. Patay na ang ilaw ng screen pagtingin ko roon. Then, I looked at her again. This is her usual stares kapag may iniisip na malalim. Walang ngiti ang labi at walang emosyon ang mata. Kinilabutan ako pagtama ng mata ko kay ate Deanne. Her eyes were the feminine version, but the intensity of her stares felt the same whenever her twin brother look at me, too. But unlike him, her eyes didn’t ring danger and mystery. Her eyes were giving me uncomfortable and questionable look.
I looked down. Hindi ko matagalan ang tingin niya. Binalingan ko ang babaeng nakatayo sa counter. I found her eyes watching me, too. Bahagyang kumunot ang noo ko. Dahil kumakalabog ang dibdib ko, binalewala ko ang panonood niya at tiningnan ang green board sa taas ng kanyang ulo.
Coffee. Yes. I need coffee.
“A glass of cold water, please.” Ate Deanne’s cleared voice echoed in the place.
Lalong tumaas ang temperatura ng mukha ko. Hindi ako nagprotesta. Inalis ko ang sling ng bag sa balikat ko at umayos ng upo. Nanatili ang mga kamay ko sa ibabaw ng bag. Hindi ko magawang ilagay ‘yon sa mesa. Sa takot na mahalata ni ate ang pagiging unsteady nito.
“May kasama kang uminom? Officemates?”
Umalis ang babae sa counter. Binalingan ko si ate. Lumunok ako. “I was with Leonard.” She’ll knew that I was with safe company. With her brother-in-law’s.
Dumating ang hiningi niyang baso ng malamig na tubig. Nilapagan din ako ang tissue. I said my thank you.
“Refill?”
Sumimsim ako sa baso. Tiningnan ko si ate. Umiling ito sa babae at tipid na ngumiti.
“Okay na ako rito. Anong oras ka magsasara?”
She looked down at her wrist watch. “Hm, about one and half hour.”
“Uh, yes. Hindi kami magtatagal.”
The woman, who I think in her late 30s, smiled. “Walang problema, Miss. Alam ni Boss.”
Binalingan niya rin ako, nakangiti pa rin. Binaba ko ang baso. Ngumiti ako sa kanya pabalik.
Hindi sumagot si ate. Tumahimik ang mesa namin pagkaalis ng babae. Ate’s eyes left at me again. I subtly scanned the place. Kulay brown ang majority color. Hindi gaanong maginaw pero mararamdaman mong bukas ang air conditioning. Nasa hangin ang aroma ng kape. Low volume ang music. Mangilan ngilang pribadong sasakyan ang makikita sa tabing kalsada. Gusto ko ang nakuhang pwesto ni ate Deanne. Pero hindi ang uri ng titig niya sa akin.
Sinubukan kong magbukas ng topic. Kinumusta ko siya at ang pamilya. Hindi ko inungkat ang kay kuya Yale. From what I heard from Leonard, hindi sila okay. Or maybe that was what he assumed. Kung totoo man, wala ako sa lugar na mang usisa sa kanya.
When she finally smiled, or loosen up from learning that I drunk, naging kumportable na ako.
“I didn’t realise, ang boring pala maging businessman’s wife. Tatanungin ka na lang kung ano’ng gusto mong kainin. Maghihintay sa pag uwi ni Yale. Mag ikot ikot sa malaking bahay. It’s so . . . boring. I almost cut off from my previous lifestyle. I didn’t know that this—my--marriage is so . . . plain.” She took her cup, I think it is cold already, and sipped a little. Tiningnan niya ako at nagkibit ng balikat.
Nagkalakas loob akong titigan siya sandali. Kasama sa kanyang previous lifestyle ang partying at clubbing. Nagtrabaho rin siya sa kumpanya ni Uncle Johann. She was brighter with her friends and cousins. But still, I don’t want to ask personal questions. I bowed down and stared at my half glass of water.
Naninibago siya. Tulad ko noon. Pero nang unti unti kong natanggap kung sino at kung saan ako nararapat, nakasanayan ko na rin ang bago kong buhay. Hindi madali sa umpisa. May adjustments at new arrangement. At may damdaming naiiwan.
Tilad kidlat, natigilan ako. I pictured ate Deanne with kuya Grey, then Yale Montevista suddenly came and ate Deanne left kuya Grey for a Montevista. Mayroong naglaro sa isipan ko. My lips parted. Kumurap ako. Hindi ko ma-imagine si ate Deanne sa sitwasyong iiwan si kuya Grey pero ganoon nga ang nangyari. Ugh, alak pa ba ‘to? Ang daming humahabi sa utak ko.
“Mom is worried sick.”
Nag angat ako ng tingin sa kanya. She was already grinning.
“Her twins, suddenly, out of control.”
“Nabanggit nga sa akin ni mommy. Ang tungkol kay Dylan.”
Ngumiti si ate, pero ang ngiting iyon ay may bahid ng lungkot. Pinagmasdan ko siya.
“Dylan is always uncontrollable. Mine, is . . . my choice. Ako dapat ang mag-suffer hindi ang mom.”
Then, silence reigned. I managed not to dig in personal questions. Para sa akin, may kaunting alam na ako. Pero hindi ko na kailangang sabihin. I always thought of her as a strong woman. As strong as her twin brother. Mapapaisip ka pero malayong mag alala pa. But in between this thought, the entrance’s door swung opened. Mabibigat at maiingay na takong ang kumalat na ingay. The floorboards were hurt, wild guess. And like a strong wind, ate Dawn came in our table and released her anger at ate Deanne.
Tumapon ang tubig ko sa mesa nang balibagin niya ang kanyang mamahaling bag. Napatayo ako dahil nabasa ang kandungan ko. Hindi gumalaw si ate Deanne. Kalmado pa niyang tiningala ang kanyang matalik na kaibigan. She tried to calm her but the woman was blinded by her anger.
“Hindi ka masayahan sa kung anong meron ka na, ‘no? Gusto mo pang gawing kabit mo si Grey!”
Lumabas mula sa counter ang babaeng taga shop. Nag aalangan siyang lumapit sa amin pero nakabantay. Para siyang may sasabihin pero natatakot sa itsura ni ate Dawn. She was wearing a body-hugging brown halter dress. Mabigat ang kamay niyang sinuklay ang buhok.
“You’ve got everything! Bakit ginugulo mo si Grey! Hayaan mo na siya!”
Parang kulog sa galit ang sigaw ni ate ate Dawn. Hindi ko siya nakilala sa ganoong ayos.
“Calm down. Nag usap lang kami.” Kalmadong sagot ni ate Deanne.
Tiningnan ko si ate Dawn. Para bang ilang segundo lang, sasaktan nito ang kaibigan. Hindi ako makapaniwala sa binibintang niya.
“Sa kwarto niya? Bakit hindi sa sala? Sa labas ng bahay? Kailangan bang sa mismong kama ni Grey? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo, Deanne? May asawa kang tao, kinakalantari mo pa ang Ex mo!”
Napasinghap ako. Nawala ang kaba, lasing at huwisyo ko sa narinig. Binalingan ko si ate Deanne. Wala sa itsura niyang na-offend ito o kinabahan dahil sa takot. Inirapan niya si ate Dawn bago sumimsim sa kanyang tasa ng kape.
Tinabig ni ate Dawn ang forearm ni ate Deanne. Tumilapon ang tasa at nabasag sa sahig. Agad akong umikot sa tabi ni ate. Para akong invisible sa mata ng galit na galit niyang kaibigan dahil nananatili ang bigat ng mata nito sa dati kong pinsan.
“Ano’ng pinagmamalaki mo, ha? Ang pamilya mo? Si Yale? Kumpyansa kang mapagtatakpan ka nila kapag pinagkalat kong kabit mo si Grey. Hindi ko alam na gan’yan kang tao. Iniwan at sinaktan mo, pinapaasa mo pa rin. Makunsensya ka naman sa ginagawa mong paglandi. Kating kati ka, ha?”
Nagpantig ang tainga ko. Her words were dirty, offensive and below the belt.
“Tama na, ate Dawn.”
Hinawakan ni ate Deanne ang braso ko habang nakaupo ito. “Ruth.” Tunog awat niya sa akin.
“Mapera ka, oo, pero kapag nalaman ng buong mundo ang kalandian mo, saan ka pupulutin?”
“Ano ba?”
Tinulak ko sa balikat si ate Dawn. Talagang ayaw niyang magpapigil. Saka niya ako napansin at tiningnan nang masama, doble pa sa binibigay niya kay ate Deanne. Tinulak niya rin ako sa balikat, tumayo sa gilid ko si ate Deanne at hinarang ang sarili, dinuro ako ni ate Dawn.
“’Wag kang mangilam dito. Ampon ka.”
“Dawn!”
Ate Deanne shouted but I didn’t flinch. I almost felt nothing. It was true and it is still painful to hear. Kung tutuusin, balewala yata iyon kay ate Dawn dahil galit ito sa kaibigan niya. She looked at her and the same furiousness stayed in her eyes. She will never know how painful it is in me later on. Though the knowledge is still there. Prowling around the city. Waiting to be used at me.
“How dare you.”
Ate Dawn smirked at her like s**t. “You tell me, Deanne, gaano ka kakati?”
Hindi umimik si ate Deanne. Nadagdagan pa ang pang iinsulto nito sa kanya. Kumuyom ang kamao ko.
“Ibabagsak mo si Grey kasama mo. Ang career na pinaghirapan niya, sinisira mo dahil makasarili ka. Ikaw ang nang iwan hindi siya.”
“Shut the f**k up. May gusto ka sa kanya.”
I looked at ate Dawn. Her whole body froze while staring at ate Deanne. “S-So what? Wala na kayo. Pero ikaw, nagpakasal na sa iba, naghahabol pa rin.”
Ate Deanne stepped forward. “Wala kang alam.”
She scoffed. Binuka niya ang labi na parang may sasabihin pero walang salitang lumabas. Nakipagtigasan siya ng titig kay ate Deanne. Nanginginig ang labi at hindi mapirme ang mata. She looked nervous and astonishingly brave. Bigla niya akong binalingan.
“Nagsama ang ampon at malandi—”
Ate Deanne’s right hand landed powerfully against’ ate Dawn’s left cheek. Napakalutong ng tunog ng palad ni ate sa pisngi niya. Hinawakan iyon ni ate Dawn. Gulat at namimilog ang matang nakatingin sa kaibigan. Ilang segundo siyang hindi nakaimik na para bang humiwalay ang dila niya sa bibig. Nang akma kong hahawakan sa braso si ate Deanne, nakasabunot na ang mga kamay ni ate Dawn sa buhok niya.
Hindi ko alam kung papaano sila paghihiwalayin. Pero ayokong makitang nasasaktan si ate Deanne. Patakbong lumapit ang babaeng staff ng shop. Sumisigaw at umiiyak si ate Dawn. Wala akong marinig kay ate Deanne. Hinawakan ko ang kamay na humihila sa buhok niya. Mahigpit at nanginginig iyon. Parang bakal sa tigas. Pumwesto sa likod ni ate Dawn ang babaeng staff at pilit hinihila ito sa baywang.
Nakita kong tumaas ang mga kamay ni ate Deanne, kinalmot sa mukha ang kaibigan. She was hurt. Nabitawan nito ang sinasabunutang buhok. Hingal na hingal na hinarap ni ate Deanne ang kaibigan. Ang buhok niya ay natanggal na sa pagkakagoma.
I held on her arm. Kumakalabog ang dibdib ko. Nilingon niya ako.
“Call him.”
“Sinong . . .”
Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagsugod ni ate Dawn. I knew then that she was unstoppable, just like a volcano, she struck her fist like a fireball. Napakabilis ng pangyayaring iyon. Alam kong si ate Deanne ang gusto niyang saktan pero batid kong isang tulak ko lang sa kanya, sa akin hahantong ang kamaong may gintong singsing. Tinulak ko sa balikat si ate Deanne. Ate Dawn was not thinking straight. I was shocked and froze. She hit my nose and a bit of my cheek. I saw blackness in split seconds.
Umatras ako at hinawakan ang ilong ko. At first, hindi ko masyadong ininda ang sakit. Para bang gusto kong tumakbo sa hiya. I lost my balance. May upuan akong nabunggo. Hindi ko alam kung anong ginawa ni ate Deanne sa kaibigan niya pero narinig ko ang pag igik sa sakit ni ate Dawn. Sinundan na iyon ng malakas nitong iyak.
“Ate Deanne! Ate Ruth!”
Naiwan akong mag isa sa mesa. Dulce and Yandrei came in first. Tiningnan nila ako at sina ate Deanne. Malakas na umiiyak si ate Dawn habang hawak ang panga nito. Nakaupo siya. Magkasunod na dumating sina Dean at Anton. They scanned the place and went straight to ate Deanne. Nilapitan ako nina Dulce. Her eyes were bulged.
Yandrei was paled. “What happened?”
Hindi ako sumagot. Nagulo ang ilang upuan at mesa. Nawala sa ayos. Nakakalat sa sahig ang kape at tubig. Mga basong nabasag. It was really a mess.
Napatakip ng bibig si Dulce habang nakatitig sa mukha ko. Yeah, I know. I was hit.
“Oh my gosh . . .”
Mula sa mukha ko, lumagpas ang tingin niya sa salamin na dingding. Binalingan ko rin iyon. Nakababa na sa sasakyan si kuya Nick. Nakapamulsa at nakatingin sa akin. I think, his jaw dropped while staring at me. I read his lips, he called Dylan. Nilingon niya si Dylan na bumababa mula driver’s seat. His head low, staring or reading something on his phone. Nag angat siya ng tingin kay kuya Nick. Agad niya akong nahagip ng tingin. He stopped for a while, hardly staring at me behind the glass wall.
Isang beses akong kumurap. Then, he hurriedly went to the door. Malalaking hakbang na sumunod sa kanya si kuya Nick.
Hinawakan ako sa mga balikat ni Dulce. I saw the shocking in her face. Tinuro niya ang sariling butas ng ilong. “Nagdudugo ang ilong mo, ate.” she suddenly exclaimed.
Pinaupo nila ako. Wala sa sariling dinikit ko ang gitnang daliri sa butas ng ilong ko. Naramdaman kong nabasa iyon. Pagsilip ko, may bahid na ng pulang likido ang daliri ko.
“Pahinging yelo!” sigaw ni Yandrei.
Nilapitan kami ni Dean. Sinilip ako. I heard him curse. Agad ding bumalik sa dati nitong pwesto. He and Anton were standing in both sides of ate Dawn. Parang mga gwardiyang binabantayan ang babae. Anton also looked at me. His face was unreadable.
Malalaking hakbang akong nilapitan ni ate Deanne. Hindi pa rin alintana ang magulong buhok niya. Pagkakita niya sa mukha ko, bumaha ang pag aalala sa kanyang mata.
“Oh, shit.” She cursed, too.
Almost most them--my former cousins, cursed out loud.