CHAPTER 2

2093 Words
NATAPOS na rin kaming kumain. Lumabas na kami sa may private canteen at pabalik na kami sa building namin nang may maalalang bilhin si Luth. “Liza, stay here, ha? Mabilis lang ako. Nakalimutan kong bumili ng menthol candy.” “Okay, but buy me chocolate too, cookies and cream flavor, Luth!” malakas na sabi ko sa kanya.Tumango na lamang siya sa akin at lumakad na siya. Ako naman ay naupo rito sa gilid, habang hinihintay siyang bumalik. Tinignan ko lamang ang aking mga paa habang ginagalaw—galaw ko iyon. Iniisip ko ang sinabi ko kanina. Mukhang masakit iyong nasabi ko kina Giselle and Alora, but they deserve that, right? “Liza? Liza is that you?” Napatigil ako sa paggalaw ng aking paa nang marinig kong may tumawag sa aking name. Napataas ang aking tingin at nakita ko si Azrael, ang crush ko at childhood friend guy ko. “Ikaw nga, Liza. Why are you here?” Napatingin ako sa kanya. “Hey, Liza, are you okay? May masakit ba sa iyo?” Nakaramdam ako ang pagkalabit sa aking braso kaya napapitlag ako. “Huh?” bulalas kong tanong sa kanya. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking noo, naramdaman ko ang lamig ng kanyang palad sa aking forehead. “Ayos ka lang ba? Wala ka namang sakit. Hindi mainit ang noo mo. O, baka naman... Inaway ka na naman ng mga pinsan mo?” tanong niya sa akin. Napaupo siya sa harap ko, hinawakan ang aking magkabilang kamay. “Inaway ka na naman ba?” ulit niyang tanong sa akin. “Um, h—hindi naman, Azrael... Actually, ako nga iyong nakapagsabi ng hindi maganda sa kanila.” “Kinausap ka nga nila? Anong sinabi nila sa iyo?” Lalong sumalubong ang kanyang kilay at kanyang maamong mukha ay naglaho. “Wala naman. S—sinabihan lang nila si Zee na malandi, wala naman siya ngayon kaya paano niya po—protektahan ang sarili niya? Kaya nagsalita ako na hindi maganda... I told them that, maybe hindi sila love nina tito and tita. Thatʼs below the belt? I feel hurt after I said that.” Napalunok ako nang maalala ko ang sinabi ko kanina. Napatayo siya sa aking harapan and I saw his serious eyes looking at me. “No. Hindi masakit iyon para sa kanila, Liza. Theyʼre deserved that. Next time if may masabi pa sila sa iyo, slaps them... Hard.” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. “S—slap them?” tanong ko sa kanya. “M—masama iyon, ʼdi ba?” “Hindi masama iyon lalo na kung deserved ng dalawang pinsan mo, okay?” Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at ningitian niya ako. “Liza, naghintay ka ba nang matagal— Ah, kasama mo pa si Azrael.” Napalingon kaming dalawa ni Azrael nang marinig ko ang boses ni Luth. Nakita ko siyang nakatingin sa aming dalawa. “Sorry, Liza, kung ngayon lang ako nakabalik. Ang daming bumibili... Heto na iyong chocolate cookies and cream mo.” Inabot niya sa akin iyon. “Thanks, Luth.” Kinuha ko iyon at tinignan si Azrael. “Az, mauna na kami sa iyo, ha? Mukhang pupunta ka pa sa hideout niyo. Thanks again!” nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Sure. But, tandaan mo ang sinabi ko sa iyo, ha?” Ginulo ang buhok ko at lumakad na rin siya. “Anong pinag—usapan niyo?” Tinignan ko si Luth. “He asking me if Iʼm okay... Nakayuko kasi ako kanina habang hinihintay kita, Luth. Then, I tell him about the earlier, iyong nangyari kanina...” “Inaalala mo na naman ang tungkol doon. Donʼt mind them, Liza, mga laki sa inggit kasi ang mga iyon at hindi mahal ng mga parents nila.” Ngumisi siya sa akin. “Nang sabihin mo iyon kanina, mga namutla ang mukha nina Alora and Giselle. Deserve nilang dalawa iyon. Kaya huwag mong isipin ang dalawang pinsan mong gamunggo ang utak! Deadma sa kanila!” sabi niya sa akin at lumakad na kami. “Talaga bang gamunggo lamang ang utak nila?” natatawang tanong ko sa kanya, pero imbis na sumagot ay tinawanan lamang niya ako. ~~°°°~~ Natapos ang class namin na walang Professor na dumating. We have two weeks before the semester ends, but hindi na kami pinapasukan. “Miss Liza, about sa tinatanong mo kanina... Sa lalaking tumulong sa atin.” “Uh, what information did you gather about him?” I remembered asking kuya John to dig up information about Mr. Massimo Adler, ang lalaking tumulong sa akin kanina. “Heʼs a business man, Miss Liza. Iyon lang ang nalaman ko about him. Masyadong sikreto ang information about him. Wala rin nakalagay kung may girlfriend siya or asawa. Lahat ay malinis pwera na half Italian, one—fourth Filipino and one—fourth Japanese. Maliban pa roon ay zero information about his life.” Napatango na lamang ako sa kanya. “Wala po bang news about him?” Napatitig siya sa akin. “May ex—fiancée siya, pero iniwan siya ng babae. Walang may alam kung bakit.” Bakit nasaktan akong malaman na may naging ex—fiancée pala siya. Huminga akong malalim. “Thanks for the information, kuya John. Huwag na natin siyang pag—usapan, for sure never ko na rin naman siya makikita. Huwag niyo na lang din sabihin kina dad and nangyari kanina.” Tinanguan niya ako. Coincidence lamang ang pagkikita namin kanina. “Maligayang pagbabalik, Miss Liza.” Ngumiti ako kay ate Lala. “Maybdumating pala rito na isang maid from Gomez family. May binigay na invitation.” Napalingon ako sa kanya when I heard what she said. “Invitation? Do you mean for the wedding? May binigay na po, ʼdi ba? Next Sunday na po iyon,” sabi ko sa kanya. Next next Sunday na ang wedding ng pinsan ko, ang pakakasalan niya ay galing sa mga Pineda, may construction site ang mga iyon, na bagay sa business ng Gomez, steel supply. Inilingan niya ako. “Hindi, wedding invitation itong binigay sa akin, Miss Liza.” Inabot niya ang black invitation with large ribbon sa harap nito. I was confused while looking at her. “Not wedding invitation? Eh, ano po iyan?” takang tanong ko sa kanya. “Bachelorette invitation,” she answered me and kinuha ko iyon. Binuksan ko ang invitation sa bachelorette and I read it, “You are invited to a once a life time bridal shower of Andrea Gomez on October 16, Saturday at eighth oʼclock in the evening at A Tower Five Star Hotel. Please wear a seductive night gown! See you there!” I looked at ate Lala when I finished reading it. “Seductive night gown, ha?” I mocked at this. Naging mabilis ang oras, nag—search ako about sa nangyayari sa bachelorette party, and Isa iyong party for the bride before siya ikasal, kumbaga farewell party before siya maging Misis. “Um, dad... Kuyas... By the way, I got an invitation from Andrea.” sabi ko sa kanilang tatlo, nasa dining hall na kami at kumakain ng aming dinner. Nag—isang linya ng kilay ni kuya Otello. “Invitation for what?” tanong niya sa akin. “We have an invitation for her wedding next Sunday na iyon, October 24,” dagdag niyang sabi. “Not invitation card for their wedding. Itʼs bachelorette invitation, kuya Otello,” sagot ko sa kanya. “Bachelorette? Did I heard it right?” I stopped to breath when I heard kuya Lashʼs voice. Lumingon si kuya Otello. “Kanina lamang yata binigay, Lash. Kanina lang ba, Liza?” Napatingin ako kay kuya Otello when he asked me. “Ah—eh, yes po, kuya Otello and kuya Lash. May pumuntang maid here from Gomez and binigay iyong black invitation for Her bachelorette party,” mahinang sagot ko sa kanya. “No. Donʼt go, Liza. Boys and alcoholic drinks ang mayroʼn sa party na iyon. Hindi makakasama ang dalawang kuya mo sa party na iyon, for girls lang ang bachelorette na iyon. Walang magbabantay sa iyo,” sabi ni dad sa akin. “That is correct, Liza. Hind kami makakapunta sa bridal shower na iyon,” segunda ni kuya Otello sa harap ko. I bit my lower lips and tinignan sila. “But, dad... Um, I want to go... For sure ako ang magiging topic nila sa kanilang GC if hindi ako pupunta. Alam niyo namang ako lamang ang hindi close sa kanila sa side ni mom,” sabi ko sa kanila and pinaglaruan ang aking mga daliri. “Kaya nga ayaw ka naming papuntahin, Liza. Baka may gawin sila sa iyo habang wala kami roon,” madiin na sabi ni kuya Otello and I saw his eyes are in serious mode. “But, kuya Otello, m—may iba naman pong kasama... And, I swear na hindi ako magpapaapi sa kanila, lalaban ako lalo na kina Giselle and Alora. Pretty please? Can I go sa bridal party niya... Then, uuwi rin ako after, hindi ako magtatagal doon. Sisipot lamang po ako then aalis na rin agad after one or two hours,” sabi ko sa kanila. Pinaawa ko ang aking mga mata habang nakatingin sa kanila ngayon. I heard dadʼs sighed “Iha, are you sure na pupunta ka sa bachelorette na iyan? Baka mapano ang kalusugan mo.” Napatingin si dad sa heart ko. “Donʼt worry about me and my heart, dad, kuya Otello and kuya Lash. Pretty please can I go? Hindi ako magpapaapi. I want to see too kung anong ginagawa sa bridal shower, hindi rin ako iinom ng alcoholic drinks, I know na bawal sa akin iyon. Ayoko pa rin makita si mom, dad. Namimiss ko po si Mom, pero I want to live more with you po.” Ngumiti akong malaki sa kanila. Nakita ko ang tinginan nilang dalawa. “Okay, fine! Kami ni Otello ang maghahatid sa iyo sa araw na iyo. By the way, kailan pa ang bridal shower?” seryosong tanong ni kuya Lash. Nilagyan na niya ako ng pagkain sa plate ko. “October 16, eight in the evening at A Tower Five Star Hotel. Iyon ang nakasulat sa invitation card, then night gown ang required na suotin,” sabi ko.sa kanila. Sinabi ko lang kung ano ang nakasulat sa invitation card na binasa ko kanina. “What the fu—food! No, not a night gown, Liza. Terno pajama for you, not a night gown, okay?” Heto na naman si kuya Otello sa pagiging over protective niya sa akin. “Hindi ka pa pʼwede sa night gown, Liza,” segunda ni kuya Lash rin. “But, Iʼm turning 21 next year, kuyas. My birthday is January 22, three months na lamang before I turn 21.” Paalala ko sa kanilang dalawa. “20, 21 or even more, hindi ka pa rin pʼwedeng magsuot ng night gown until hindi ka kasal.” Dinuro pa ako ni kuya Otello. Tinignan ko si dad, he smiled at me. “Kumain na lamang tayo, dinner na at alam kong gutom ka na rin.” Tinuro niya ang plato ko. “Dad naman! Kaya hindi ako nagkakaroon ng boyfriend, eh.” “Liza, huwag kami ang sisihin mo kaya wala kang boyfriend. Wala lang talagang nanliligaw sa iyo.” “Hindi pa rin makaramdam si Azrael na may gusto ang kapatid natin sa kanya.” Ayan na naman silang dalawa. “Maiinis na sana ako kung kayong dalawa ay may girlfriend din, ano? Pero, wala rin naman. May girlfriend po ba kayong dalawa? Wala, ʼdi ba? Weird din kasi ng family natin,” sabi ko sa kanila at dinilaan sila. I saw kuya Otelloʼs jaw dropped when I said that. “Wow, really, Liza? Wait for you sister in law, okay, right, Lash?” “Yes! Wala pa kaming nahahanap na perfect girl for us like momʼs traits. If may nahanap na kami, ipapakilala na agad namin sa iyo even kay dad!” babalang sabi ni kuya Lash sa akin. Ngumiti na lamang ako at kumain na habang nag—ha—hum, naririnig kong nagngitngit pa rin sa galit ang dalawang kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD