APAT na oras lang ang naitulog ni Dwayne pero nagising pa rin siya ng alas-singko ng umaga upang ipagluto ng almusal si Ingrid. Kailangan nitong makabalik ng Maynila bago abutan ng buhol-buhol na traffic sa lansangan. Dumating naman si Mang Arnold at may dalang isang timbang sari-saring isda mula sa nahuli nito. Nag-marinate siya ng malalapad na isda para gawing daing. Ipapadala niya iyon kay Ingrid at nang mabigyan din ang mga magulang nito. Saktong naluto ang almusal ay dumating si Ingrid at nakabihis na. Bitbit na nito ang bag. Nagmamadali itong kumain pero ang daming habilin sa kaniya. “Huwag mong hayaang maligo palagi sa dagat si Slather. Kahit mamilit siya at umiyak, huwag mong pagbigyan. Okay na iyong sa umaga lang kayo maligo pero huwag magtagal. Baka maging uling na sa itim an