NATAKOT na si Ingrid na maulit ang ginawa ni Slather kaya pinadala niya sa Tagaytay ang laruan nitong kotse. Iyak nang iyak ang anak niya nang sermonan niya. Mabuti hindi naman ito kinunsinti ni Dwayne. Dahil busy na rin si Dwayne, si Manang Sonia ang nagbabantay kay Slather. Nabawasan din ang oras nila ni Dwayne dahil nag-focus siya sa specialization session niya na malapit nang makompleto. While doing her tasks, Annie helped her to monitor Jake’s situation. She also got Vladimir’s money had sent to her account. Naibigay na niya kay Annie ang dalawang milyon. Pagsapit nga ng tanghali ay inabangan siya nito sa labas ng ospital. “Bakit dalawang milyon?” ‘takang tanong nito. Marahil ay nabilang na nito ang perang binigay niya. “Para makapagsimula ka na ng gusto mong buhay, Annie,” nakan