NABINBIN sa matinding traffic si Ingrid kaya pasado alas otso ng gabi na siya nakauwi. Humiwalay pa siya sa bodyguards. Pagdating niya sa unit ay tapos nang maghapunan ang kaniyang mag-ama. Napatulog na rin ni Dwayne si Slather, at naabutan niya itong nasa study room niya at nagtitipa sa laptop. Karugtong lang ng bedroom niya ang study at salaming dingding ang pagitan. Mula roon ay natatanaw niya si Dwayne. Ibinagsak niya sa sahig ang kaniyang sapatos upang maglikha ng ingay pero hindi natinag si Dwayne. Nakabukas naman ang glass door. Imposibleng hindi siya nito narinig. Papasok pa lang siya sa study ay nagsalita na ito. “Magpainit ka na lang ng ulam dahil naipasok ko na lahat sa ref. Tagal mo, eh,” sabi nito, suplado. Hindi man lang siya magawang tingnan. “Traffic kasi at--” “I’m bu