NAKATULOG na si Slather kaya inilipat na ito ni Dwayne sa kuwarto nito. Hinintay ni Ingrid na makabalik sa kuwarto nila si Dwayne habang pilit kinu-kontrol ang kaniyang emosyon. But she ended up letting tears come out of her eyes. Pakiramdam niya’y binubusa ang kaniyang puso habang nakaluklok sa gilid ng kama at patuloy na umuukilkil sa kaniyang utak ang natuklasan. Ayaw niyang mag-focus o umasa lang sa ibinunyag ni Jake, gusto niyang sa bibig mismo ni Dwayne niya marinig ang katotohanan. The door opened and closed, but she didn’t dare to face Dwayne. She’s waited for him to face her. Ni hindi niya itinago ang kaniyang pagluha kaya dagling napalapit sa kaniya si Dwayne. Lumuklok ito sa kaniyang kaliwa at akmang hahawakan ang kaniyang kamay ngunit iniwaksi niya ito. “Bakit na naman?” may