PINAPLANO na ni Vladimir ang pag-atake sa teritoryo ni Simon Labrador pero mga tauhan ni Yoshin ang ibabala nito. Sumama si Dwayne sa mga kaibigan sa kaniyang rest house upang makibalita rin sa nangyayari. Tungkol sa negosyo kasi ang pinag-usapan nila sa villa para maiwasang marinig ng iba lalo na ni Ingrid. Naroon sila sa backyard, sa gilid ng swimming pool. Alejandro has not belonged to Vladimir’s mission, but he is willing to help him. He was thankful to have these guys and still cares for him even though he had already quit the BHO. Nag-swimming ang tatlo. Siya naman ay nakaupo lang sa bench sa gilid ng pool. “Invited ba ako sa kasal mo, Dwayne?” tanong ni Alejandro nang makaupo ito sa hagdan sa tapat niya. “Oo naman, basta huwag kang magkakalat,” aniya. “Ano naman ang ikakalat k