KAHIT napuyat ay maaga pa ring nagising si Dwayne. Ayaw pa sanang bumangon ni Ingrid nang gisingin siya ni Dwayne mga alas kuwatro ng madaling araw. Masakit ang kasukasuan niya at ang bigat ng kaniyang mga mata. Pero pinilit pa rin niyang bumangon dahil hindi siya puwedeng lumiban sa trabaho. Nawala ang antok niya nang maamoy ang niluluto ni Dwayne mula sa kusina. Naghahanda na ito ng almusal. Nakausap naman niya ang caretaker ng villa na pag-alis nila ay kunin nito lahat ng stock na pagkain sa ref at ibang bagay na masisira. Kapag wala sila roon ay pinala-lock niya ang villa maging gate nito. She went to the kitchen and checked Dwayne’s work. He’s empressing her while preparing food for her. Yumakap siya sa likod nito habang hinahalo nito ang niluluto sa kawali. “Good morning, sweetie!