HINDI maka-get over si Ingrid sa pambihirang proposal ni Dwayne. Kinabukasan niyon ay ginamit na niya ang kotse nang mamalengke sila ni Dwayne. Nakabuntot naman ang bodyguards nila. She decided to celebrate not just for her birthday but for the thanksgiving party. Iyon na ang pinakamasayang birthday niya sa tanang buhay niya. She called her parents and invited them, and they said yes since Sunday naman at walang opisina. Tuwing Linggo naman ay bumibisita roon ang mommy niya sa resort. “Pupunta ba ang parents mo?” tanong ni Dwayne. “Yes, actually bumbiyahe na sila ngayon,” tugon niya. Sakto lang ang bilis ang pagpapatakbo niya sa kotse. Ang sarap nitong imaneho dahil hindi ganoon kalaki. It was good for four person or five. “Invite mo kaya si Annie,” mamaya ay sabi ni Dwayne. Sinipat