UMUWI rin naman ng Maynila ang mga magulang ni Ingrid. Extended hanggang gabi ang birthday celebration ni Ingrid, and they proceed to the beach for night swimming. Mabuti maagang natulog si Slather kaya walang isturbo. Nasa beach din ang mga kaibigan ni Dwayne at nag-iinuman. Tinatantiya lang din niya ang pag-inom ng alak dahil ayaw ni Ingrid na malasing siya. Yoshin was also there. Pinakilala pa rin niya ito kay Ingrid. Mabuti wala sa mood mang-insulto si Yoshin dahil hindi maka-get over sa kapalpakan nito. Naliligo sa dagat si Ingrid. Iniwan niya ito dahil tinawag siya ni Wallace. Napakamot siya ng ulo nang pinuno nito ng alak ang baso niya. “Bakit hindi shot glass ang nilagyan mo?” reklamo niya. Nakatayo lang siya sa harapan ng lamesa ng mga ito dahil ayaw niyang magbabad doon. “Par