TANGHALI na sila nagising kaya hapon na nakapasok sa ospital si Ingrid. Mula Tagaytay ay dumiretso na siya sa trabaho. Napasarap ang bakasyon nila at gusto niyang maulit ang pagkakataong iyon. Pakiramdam niya ay may bagong tuklas siyang mundo. Kahit pagod ay hindi na niya masyadong iniinda. Iba na talaga kapag inspired at masaya ang love life. And she compared her past relationship with Jake to Dwayne. Since tinanggap niya ang lalaki, imbes na gumaan at inspired siya, may pagkakataon na stressful. Siguro dahil minsan ay nasasakal siya sa higpit ni Jake. Ibang-iba ito kay Dwayne. Dwayne was supporting her whatever she wanted to do as long as it wasn’t cause any conflict to their relationship. All her friends are welcome. Kaya hindi rin niya ito magawang higpitan kung mag-imbita ito ng mga