NAPUYAT si Ingrid dahil sa nakikiramdam kay Dwayne. Kahit nakahiga na kasi sa kama ay hawak pa rin ni Dwayne ang cellphone nito at may ka-chat. Hindi rin siya makatulog dahil ramdam niya ang ilang beses nitong pagbangon, papasok sa CR, o ‘di kaya’y lalabas ng kuwarto. Mabuti na lang wala siyang duty sa ospital nang araw na iyon. Itinaon talaga niya na sa Martes makipag-meeting kay Jake. Alam na rin iyon ng daddy niya at abogado. Nauna siyang nakatulog kay Dwayne pero ito pa ang naunang naising at nakapagluto ng almusal. Hindi talaga niya matiyempuhan na siya naman ang magigising nang maaga at ipagluto ito. Wala naman itong alarm clock, sadyang nakasanayan na iyon ng body clock nito. At pagkagising ay naliligo na kaagad ito. Naligo na rin siya habang nagluluto pa si Dwayne. “Anong oras b