Chapter 4

2237 Words
HIRAP makapagpasya si Ingrid kung makikipagkita ba siya kay Jake sa gabing iyon. May usapan kasi sila na mag-dinner sa bahay nito. Pero hindi niya puwedeng iwan na lang basta si Dwayne dahil wala itong kasama. After ignoring Jake’s call, he decided to send him a message. She has to set her time between two guys. Matagal na rin naman niyang pinag-isipan ang planong ipaalam na kay Dwayne ang tungkol sa kanilang anak. Katagalan kasi ay hinahanap na ni Slather ang tatay nito. Ayaw niyang maging selfish; hindi siya ganoong tao. Bumalik siya sa silid ni Dwayne. Dagli niya itong nilapitan nang maabutang hirap na hirap ito sa pagsubo ng pagkain. Inagaw niya sa kamay nito ang kutsara saka siya ang sumubo ng pagkain dito. “Thanks, Ingrid, and I’m sorry,” he said in a cold tone. “Let’s move on, Dwayne. Isipin mo na lang na parte lang ito ng pagkakaibigan natin. Huwag lang matigas ang ulo mo at sundin ang payo ng doktor para mabilis kang gagaling.” Hindi niya ito matingnan sa mga mata. Everything she set her eyes on his, the memories from their past suddenly ruing her mind. She needs to act like Dwayne’s real friend. No big deal. “Kapag ba gumaling na ako, itataboy mo na ba ako?” She took a deep breath. “Stop using the word ‘itataboy’. You know that I didn’t do that to you.” “But you left me in vain.” Ang garalgal nitong tinig ay umusig sa kaniyang konsensiya. Napilitan siyang titigan sa mga mata ang dating asawa. “Because I want peace of mind, Dwayne. Natakot ako noong natuklasan ko ang mga gawain mo. I was traumatized. I’m sorry if I left you without proper closure. But you know that I’m easily felt panic when it comes to syndicate.” “Ang sabi ni Wallace, hindi mo ako binigyan ng pagkakataong maitama ang mga kasalanan ko. Basta iniwan mo na lang ako,” may hinanakit nitong wika. She felt guilt. “I’m sorry then. Kasi alam ko na hindi mo basta matatalikuran ang grupong pinasok mo. Iginiit mo pa nga na kailangan mo sila para sa negosyo. You refused my suggestion about asking for help from my parents. You just cared about your pride and didn’t consider my feelings.” “Ganoon ba ‘yon? Hindi mo na ako inintindi, basta sumuko ka na lang,” may diing sabi nito. “I did my best to understand you, Dwayne, but I can’t take that bad news. I heard from Wallace that there is a syndicate leader who chased you and wanted to kill you.” Yumuko si Dwayne at hindi na muling sumubo ng pagkain. “I can’t remember anything, and I don’t want to recall those lost memories. I want to fix myself, Ingrid, with you.” “Hindi na puwede, Dwayne. Tutulungan lang kitang maka-recover at makuha ang panig ng mga taong katuwang mo sa buhay noong wala ako. Pero hindi ko naman ipagkakait sa iyo ang karapatan mo.” “Ano’ng karapatan?” Matamang tumitig ito sa kaniya. Hindi niya ito nasagot nang dumating ang mommy niya kasama si Slather. Awtomatikong dumapo ang paningin ni Dwayne sa tatlong taong bata. Alam niya mararamdaman ni Dwayne ang lukso ng dugo nito kay Slather, at walang duda dahil halos namana lahat ng anak niya ang pisikal na katangian sa tatay nito. “Why we’re here, granny?” tanong ni Slather sa lola nito. Mabuti sinuutan ito ng jacket. “We’re here to meet your dad, hijo,” tugon ng kaniyang ina. Lumapit pa ang mga ito sa kaniya. Tumayo naman siya. Ipapakilala lang niya si Slather sa tatay nito saka siya aalis upang makipagkita kay Jake. Tulala pa rin si Dwayne habang nakatitig sa kanilang anak. “Mommy, why are you here? Tama po ba si Lola na makikita natin si Daddy?” ani ni Slather, bakas sa mukha ang excitement. Binuhat niya ito at inilapit kay Dwayne na titig na titig pa rin kay Slather. Humarap sila rito. Humugot muna siya ng lakas ng loob. “Dwayne,” gumaralgal niyang sambit. “Kaninong anak ‘yan?” tanong nito. “I’m sorry if I didn’t tell you about our son. Buntis ako noong umalis sa bahay mo,” bunyag niya. Animo natuklaw ng ahas si Dwayne. Walang kurap na tumitig ito sa kaniya. DWAYNE was shocked when Ingrid surprisingly told him about their son. He can’t believe it! He never think that Ingrid will get pregnant because he thought she takes birth control pills. Wala pa naman kasi silang balak mag-anak noon dahil gusto ni Ingrid ay matapos muna nito ang medisina. Ilang segundo siyang tulala habang palipat-lipat ang tingin sa kaniyang mag-ina. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nadarama nang mga sandaling iyon. Magkahalo ang galak at pagkawindang sa kaniyang puso. “Nagkaanak tayo?” Kailangan pa rin niyang mapanatili ang pag-arte. “Yes. Itinigil ko noon ang pag-take ng pills dahil alam ko na gusto mo na rin ng anak. Pero dahil sa nangyari, mas pinili kong ilihim na lang ang lahat. Natatakot ako na baka habulin mo ako at madamay kami sa gulong pinasok mo. Kaya ako lumayo noon at dahil ayaw kong maapektuhan ng stress ang anak ko.” “Itinago mo siya sa akin? Ganoon ba katindi ang hinanakit mo, Ingrid?” aniya na hindi napigil ang sama ng loob. Naging emosyonal si Ingrid. Lumamlam ang mga mata nito at tuluyang lumaya ang maninipis na luha. “I’m sorry. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko noon. Natakot ako, Dwayne.” “Pero ipinagkait mo sa akin ang karapatang maging ama sa anak natin, Ingrid!” “No, I didn’t mean to do that, Dwayne. Hindi ko sinabing walang ama si Slather. Kilala ka niya, ang pangalan mo at litrato. Tatlong taon pa lang siya at hindi pa masyadong bukas ang isip.” “Siguro kung hindi ako napunta sa sitwasyo na ito at nagkita tayo, maaring ibang lalaki ang aakong tatay ng anak ko. Magpapakasal ka sa ibang lalaki.” “Hindi, Dwayne. Ikaw pa rin ang kikilalaning tatay ni Slather. Karapatan mo iyon. And I think its about time to give your rights for our son.” Lihim siyang nagdiwang. Mas magiging madali ang lahat dahil sa anak nila. Makukuha niya ang buong atensiyon at pagmamahal ni Ingrid dahil kay Slather. Ibinaling niya ang tingin sa kaniyang anak. Halos lumukso ang puso niya sa tuwa. “Is he my daddy, mommy?” tanong ng bata sa ina nito habang titig na titig sa kaniya. “Yes, baby. He’s just arrived,” tugon naman ni Ingrid. “Wow! Can I hug him?” Inilapit naman nito si Slather sa kaniya at pinaupo sa gilid ng kama. Hindi niya naawat ang paglaya ng kaniyang luha udyok ng labis na pananabik. Inilingkis niya ang kanang braso sa katawan ng kaniyang anak saka ito niyakap nang mahigpit. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagkaanak pala sila ni Ingrid. “I’m happy to meet you, daddy,” ani ni Slather habang nakatingala sa kaniya. “I’m happy too, my son. Sorry if I was not here for three years.” “What happened? Mommy said that you are working in so far far away. Matagal ka raw babalik.” “Yeah, your mommy was right.” “And why are you here?” Sinuyod nito ng tingin ang kabuoan niya. “Daddy was sick, son. He needs rest,” si Ingrid. “Is he hurt?” “Yes,” tugon ni Ingrid. Kinuha na nito si Slather at inilapag sa sahig. “You will stay here with granny. May pupuntahan lang ako.” “Dito ako matulog, Mommy?” “No. Uuwi ka rin mamaya pagbalik ko.” “Okay.” Umupo sa sofa si Slather katabi ng lola nito. “Aalis ka?” tanong niya kay Ingrid. “Oo. Magdi-dinner lang kami ni Jake. Babalik din ako mamaya para bantayan ka.” “Sige. Salamat.” Kinuha na nito ang shoulder bag saka sila iniwan. Binalikan naman siya ni Slather at nakipagkuwentuhan sa kaniya. Ang daldal nito. Hindi pa rin siya maka-get over sa natuklasan. Mamaya ay nakatulog si Slather. Pinahiga ito ng lola nito sa sofa. Hindi niya ito inalisan ng tingin. Natutuwa siya. Slather was the young version of him. He’s so cute. “Alam mo ba, Dwayne? Halos araw-araw nagtatanong si Slather kung kailan daw ba uuwi ang daddy niya,” ani ni Gwen habang nakaupo sa uluhan ni Slather at hinihipo ang ulo nito. “Talaga po?” nasasabik niyang untag. “Yes, that’s why I’m sad about Ingrid’s decision to leave you. I know you’re affected. Ang totoo, nagalit din ako noong sinabi ng anak ko ang tungkol sa pagpasok mo sa sindikato. Pero sa huli, na-realize ko na hindi naman mo naman iyon kagustuhan para sa pansarili at luho. Tumawag ka pa sa akin noon at nagpaliwanag. I tried to talk to Ingrid, but her decision was final. So, I didn’t contact you to give you an update. But I knew that you will make your promise to quit the syndicate group,” kuwento nito. “Salamat po sa unawa. Pasensiya na rin po kayo kung ano man ang nagawa ko noon.” “Hindi kita sinisi o nagtanim ng hinanakit sa iyo, Dwayne. Kilala kita. Alam ko mabuti kang tao. Hindi rin biro ang sakripisyo mo para maitaguyod ang anak ko. Iyon nga lang, hindi ko hawak ang desisyon ni Ingrid. Naawa rin ako sa iyo dahil nga wala ka nang pamilya. Ilang beses ko nang pinakiusapan si Ingrid na patawarin ka na. She has forgiven you, but doesn’t have plan to accept you again.” Naninikip ang dibdib niya habang iniisip ang mga nangyari noon. Kung hindi lang dahil sa tauhan ni Mariano na habol nang habol sa kaniya, matagal na sana niyang pinuntahan si Ingrid. Baka natanggap pa siya nito. Pero ayaw rin niyang makilala ito ng tauhan ni Mariano at madamay sa gulo. He was thankful that Wallace promised to give him protection against Mariano’s men this time. Wallace's men also hunt Mariano’s group, who chase him. Wala pa itong update tungkol sa kalaban niya, o kung nabatid na ba ng mga iyon na nakaligtas siya at buhay pa. “Thank you po sa simpatiya. Hindi po ako nangangako pero gagawin ko ang lahat para makabawi kay Ingrid at sa anak ko,” sabi niya. “Kung puwede nga lang ay paibigin mo ulit si Ingrid, Dwayne.” “Ho?” Nawindang siya. Tumayo ang ginang ang lumapit sa kaniya. Lumuklok ito sa silya katabi ng mesita. Panay ang buntong-hininga nito. “Ano kasi, ever since I don’t like Jake. Mabigat talaga ang loob ko sa lalaking iyon. Aywan ko ba bakit ang bilis nahulog ang loob ni Ingrid sa lalaking iyon,” kumipisal nito. “You mean, Ingrid’s fiance?” “Yes. Although Jake was kind to us, I don’t understand why I feel this. I felt Jake didn’t deserve to replace you in my daughter’s life. Given nang mabilis talagang ma-in love ang anak ko sa lalaki, pero iba ang pakiramdam ko kay Jake.” “Ano po ba ang trabaho ng Jake na iyon?” may gigil niyang tanong. “He’s a businessman and an engineer. But before he became an engineer, he was a policeman. I’m not sure what happened, but he had a case that forced him to resign.” Mariing kumunot ang noo niya. “Natanggal siya sa serbisyo, meaning, may nagawa siyang krimen o maaring nakapagpiyansa.” “Iyan din ang kuwento ni Ingrid. Wala pang isang taon sa serbisyo noon si Jake. Kaya wala talaga akong tiwala kay Jake. At saka gusto niya na mag-invest din kami sa business niya. Walang interes sa business si Ingrid, alam mo iyan, Dwayne. At si Jake, gustong tulungan kami. Kaso duda ang daddy mo na makatutulong sa amin si Jake. Eh nakailang palit na nga siya ng business name at may tax related cases ang kompanya niya. Hindi naman sa hinuhusgahan ko na siya, ah. Pero malakas ang kutob ko na may iba pa siyang pakay kay Ingrid. At saka wala pang isang taon silang nagkakilala. Ilang buwang nanligaw si Jake tapos nag-propose ng kasal, sinagot naman kaagad ng anak ko. Hay! Napakarupok talaga ni Ingrid.” Alam niyang mapusok si Ingrid. Madali itong magtiwala. Pero hindi siya papapayag na sasamantalahin iyon ng ibang lalaki. “Huwag po kayong mag-alala, oobserbahan ko si Jake,” aniya. “And please, do something to get Ingrid’s attention, Dwayne. Nagmamadali si Jake na maikasal sila ni Ingrid. I’m not sure if Ingrid tell him about my deal. Na kapag may lalaking katuwang sa buhay si Ingrid ay ipagkakatiwala ko na sa kaniya ang business namin. Pero siyempre gusto ko rin nang mapagkakatiwalaang manugang na marunong sa negosyo. Okay ka na sana, eh. Nasaksihan ko kung paano mo napangalagaan ang iniwang negosyo ng parents mo.” Kinakabahan siya para kay Ingrid. Dahil sa mga sinabi ng ginang ay lalo siyang naging agresibo na makuha muli ang tiwala at pagmamahal ng dati niyang asawa. “Gagawin ko po ang makakaya ko,” sabi niya. “Salamat, Dwayne.” Hinawakan nito ang kanang kamay niya. Napangiti siya. Umayon din sa kaniya ang pagkakataon. Bonus na ang natuklasan niya na meron pala siyang anak kay Ingrid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD