HINDI malaman ni Ingrid kung paano niya uumpisahang sabihin kay Jake ang tungkol kay Dwayne. They were having dinner in Jake’s house. He needs to be honest with him, and she hopes that Jake will consider her decision.
“Ano pala ang sasabihin mo sa akin, babe?” tanong ni Jake makalipas ang ilang minutong katahimikan.
Naroon sila sa lanai. Wala nang mga magulang si Jake at mag-isang itinaguyod ang bunsong kapatid na babae na nag-aaral pa ng doctorate. Katunayan ay nakilala niya si Jake dahil sa kapatid nito’ng si Annie, na nakasama niya na nag-take ng specialization for gynecology. Magkaklase sila niyon.
Jake's parents invested in the real estate developer, and he was an engineer. But the company was struggling financially due to Jake’s parents' loans from foreign investors. She gave a one billion loan to Jake to pay all the previous expenses that shouldered by the investors.
Nag-invest na rin siya sa business nito. Nangako naman si Jake na maibabalik ang pinautang niyang pera. Though hindi pa iyon nababawasan, nagtiwala siya sa binata na maibabalik ang pera. Pinaghirapan din niya iyong makuha mula sa kanilang kompanya.
“Uhm, huwag ka sanang magagalit,” sabi niya.
“Bakit naman ako magagalit kung wala namang masama sa sasabihin mo?” anito.
“May nangyari kasi at biglaan.”
“Say it, babe.”
“Dumating ang ex-husband ko.”
Hindi natuloy sa pagsubo ng pagkain si Jake. Kunot-noong tumitig ito sa kaniya. “What?” untag nito.
“Narito siya sa Pilipinas at nasangkot sa road accident. He was diagnosed with retrograde amnesia, which has only recalled the time where we’re not divorced yet.”
Tumawa nang pagak si Jake. “At ano ngayon? Bumalik siya dahil ang naalala lang niya ay mag-asawa pa kayo? Bakit, wala ba siyang kaanak na makatutulong sa kaniya at bakit kailangan ka pa niya?” Pumalatak na ito.
She sighed. “Jake, you don’t get it. Dwayne doesn’t have any relatives here in the Philippines. And his condition was complicated, and he needs my help to recover.”
Padabog na ibinagsak ni Jake ang kutsara sa plato nito at naglikha ng eskandalosong ingay. Pumitlag siya sa pagkagulat.
“Kalokohan iyan!” Asik nito na halos mapaangat sa upuan. Tumapang lalo ang anyo nito. “Imposibleng wala siyang kakilala sa ibang bansa na puwedeng tumulong sa kaniya. Businessman siya ka’mo. Bakit hindi niya tawagan ang mga empleyado niya?”
“Ang mga taong iyon ay hindi parte ng nakaraan ni Dwayne. At wala na siyang koneksiyon sa mga dati niyang kaibigan. Mga busy rin ang mga iyon sa negosyo.”
“No, this is not right, Ingrid! Ikakasala na tayo ‘tapos biglang manggugulo ang ex mo?”
“Dwayne doesn’t have the intention to ruin us, Jake. At isa pa, matagal ko na ring gustong ipaalam sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Ayaw kong maging makasarili, Jake.”
“But you just did, Ingrid. Hindi mo inisip ang maari kong maramdaman.”
Napabuga siya ng hangin. Ayaw niya na magkasamaan sila ng loob ni Jake.
“I’m just helping Dwayne to recover and to give him a chance to care for my son. Rights niya iyon. Wala itong kinalaman sa atin, Jake. Matutuloy pa rin naman ang kasal natin, eh. I love you, you know that.”
Matiim itong tumitig sa kaniya. “Fine. I will trust your decision, Ingrid. Kung tutuusin, hindi na kailangan ni Slather ang tatay niya. Narito naman ako para ituring niyang ama.”
“I know, but Slather deserves to know his dad.”
Iiling-iling si Jake. “Hindi ako komportable, Ingrid. At huwag mo sasabihin sa akin na patitirahin mo rin ang ex mo sa bahay n’yo o sa condo mo,” namumurong sabi nito.
“No, I won’t do that. May space pa sa condo kung gusto niya roong tumira habang nagpapagaling. Gusto ko ring makasama niya ang anak namin at iyon din ang kailangan ni Slather.”
“Mangako ka sa akin na hindi mo siya pauuwin sa unit mo, Ingrid. Kapag nakita ko siya roon, palalayasin ko siya.”
“Jake!” inis na saway niya rito.
“Hindi mo ako masisisi kung magagalit ako, Ingrid. Your decision was slitting my ego! Alam ko matagal mo nang gustong makita ang ex mo at iginigiit na kailangan ni Slather na makilala ang tatay niya. O baka hindi lang dahil kay Slather kundi gusto mo rin. Sabihin mo nga sa akin? May nararamdaman ka pa ba roon sa hangal mong ex?”
Hindi na siya natutuwa sa pinagsasabi nito. Marahas siyang tumayo. “Kung hindi mo ako kayang intindihin, fine. Pero anak ko ang pinag-uusapan, Jake. I will do anything to make him happy, kahit hindi na ako mag-asawa ulit!” buwelta niya.
Aalis na sana siya pero hinabol siya ni Jake at pinigil sa kanang braso. “I’m sorry. Nadala lang ako ng emosyon,” anito sa mahinahong tinig.
Hinarap naman niya ito. “Tinanong kita noon tungkol sa desisyon ko na ipakilala si Slather sa dati kong asawa, you agreed. And now, you are protesting. Hindi naman ito makaaapekto sa relasyon natin, eh. Alam mo na hindi ako hangal, Jake. Tumutulong ako sa ibang tao na hindi ko kaanu-ano, sa dating asawa ko pa kaya na tatay ng anak ko?”
Panay ang buntong-hininga ni Jake. “Natatakot lang ako, Ingrid. Baka bigla mong ma-realize na mahal mo pa pala ang ex mo. Ayaw kong mawala ka sa akin. Please, don’t ever leave me,” samo nito.
Bumibigat ang kalooban niya. Ayaw niyang masaktan si Jake dahil sa mga desisyon niya.
“I’m sorry. Promise, magiging maayos din ang lahat. Kapag magaling na si Dwayne, hindi na ako makikialam. Pero hindi maaring alisan ko siya ng karapatan kay Slather.”
“Okay, I will support you about that. Basta huwag mong kalilimutan ang kasal natin. After ng specialization mo, gusto ko maikasal na tayo.”
She nods. Una siyang yumakap sa binata. Ikinulong naman siya nito sa matipuno nitong bisig. Pagkuwan ay bumalik na sila sa lanai at itinuloy ang paghahapunan.
Pagkatapos ng hapunan ay bumalik din sa ospital si Ingrid upang sunduin ang kaniyang ina at anak. Nadatnan niya’ng nag-uusap sina Dwayne at mommy niya. Nakatulog naman si Slather sa sofa.
“Sino ang maiiwan dito upang magbantay kay Dwayne, anak?” tanong ng kaniyang ina.
“I will stay here until morning, mom,” she said.
“Pero may duty ka pa sa ospital at session ninyo sa school.”
“It’s okay. I can sleep here. Papupuntahin ko na lang dito si Manang Sonia para papalit sa akin bukas ng maaga.”
“Okay lang naman kahit wala akong kasama sa gabi,” apela naman ni Dwayne.
Binalingan niya ito. “Hindi puwedeng wala kang kasama, Dwayne. Hindi ka pa maaring magkikilos.”
“Pero matutulog lang naman ako sa gabi.”
“Ayaw mo na samahan kita?” kunot-noong tanong niya.
“Siyempre, gusto. Pero may trabaho ka pa. Hindi ka sanay sa puyat, ‘di ba?”
“Nasanay na ako since I started to work in the hospital. Makatutulog din naman ako rito. And Dr. Grande said that after your follow up CT-scan and medication, you can go home na.”
“Teka, anak. Saan uuwi si Dwayne kung sakaling lalabas na siya rito? Puwede siguro sa bahay?” tanong naman ng kaniyang ina.
“Hindi ko siya maasikaso kung doon siya uuwi sa bahay. Bakante ang unit sa tabi ng unit ko. Puwede siya roon.”
“Eh bakit hindi na lang doon mismo sa condo mo? Pahihirapan mo pa ang sarili mo.”
“Hindi puwede, Mommy.”
“Dahil kay Jake?” Inusig pa siya ng kaniyang ina.
Bumuntong-hininga siya. “I need privacy, Mom. Please respect my decision,” aniya.
“Fine. Basta bigyan mo ng kumportableng accommodation si Dwayne at makakasama niya si Slather.”
“I will.”
Nilapitan na ng kaniyang ina si Slather saka binuhat. Nagpaalam na ito sa kanila.
“Magbabanyo lang ako,” paalam naman niya kay Dwayne.
May baon siyang damit kaya nag-shower siya. Dala rin niya ang kaniyang hygiene kit.
NANONOOD ng telebisyon si Dwayne nang tumunog ang kaniyang cellphone na iniwan ni Clinton sa mesita. Naroon na rin ang kaniyang bag. Dinampot niya ito at sinagot nang malamang si Wallace ang tumatawag. Mukhang naliligo pa naman si Ingrid dahil maingay ang tubig sa banyo.
“Hello, bro!” tugon niya.
“Hey! Saang ospital ka naman dinala ni Clinton? Baka mamaya niyan matagpuan ka riyan ng tauhan ni Mariano.” Pumalatak kaagad si Wallace.
“Dito sa ospital ng pinsan ni Clinton, private. Huwag ka nang pumunta rito. Narito si Ingrid.”
“Oo nga. Nasabi sa akin ni Clinton ang plano n’yo. Gago ka talaga. Ano ba ang gusto mong mangyari?”
“You know why I am here in the Philippines, bro. It’s because of Ingrid.”
“Hangal ka talaga. Bakit kailangan mo pang magsinungaling sa kaniya? Eh ‘di lalong magagalit siya sa ‘yo.”
“Ako na ang bahala. May good news nga siya, eh.” Excited siyang ipaalam kay Wallace na may anak sila ni Ingrid.
“Anong good news?”
“Bro, nagkaanak kami ni Ingrid.”
Napamura si Wallace. “Bwisit ka. Nag-iwan ka pa pala ng similya sa kaniya bago kayo naghiwalay?”
“Gago! Alam mo namang meron kaming weekly love making noon. Hindi nga ako makapaniwala kasi wala pa kaming balak mag-anak noon dahil nag-aaral pa siya. Pero itinigil pala niya ang pag-take ng pills.”
“So, ano na ang status n’yo riyan?” pagkuwan ay usisa ni Wallace.
“Pumayag na siya na alagaan ako. Pero may problema, ikakasal na si Ingrid.” Lumamig ang kaniyang tinig.
“Ikakasal pa lang pala, eh. Maagaw mo pa ‘yan. Bibigyan kita ng tips kung paano umakit ng babae.”
“Hangal, huwag na!”
“Bro, you need my help this this time. Hindi puwedeng papaawa ka lang. Dapat akitin mo rin si Ingrid. Malay mo, biglang ma-realize niya na hindi ka pa pala pinakawalan ng puso niya. Kung hindi madala sa drama, daanin mo sa landi.”
“Lintik ka! Turuan mo pa ako ng kalandian!”
“Gago! Maharot ka rin naman. At saka, hindi naman ata magandang lahi ang fiance niya. Daanin mo sa laki ng ari.” Humalakhak si Wallace.
“F*ck you ka talaga!” Natawa rin siya sa sinabi ni Wallace.
“Tama naman ako, eh. Baka kapag pinatikim mo ulit ng sarap mong bumayo si Ingrid ay ma-in love ulit sa ‘yo. Hindi ba sabi mo, naging addicted si Ingrid sa s****l moves mo?”
“Baka nagbago na ang taste niya.”
“Imposible.”
Nang biglang lumabas ng banyo si Ingrid ay pinutol niya ang tawag ni Wallace. Ibinalik niya sa mesita ang kaniyang cellphone. Napatitig siya sa dating asawa. Nakasuot lang ito ng puting pajama at cream blouse.
“Binisita ka ba ulit ni Dr. Grande kanina?” tanong nito sa kaniya.
“Yes,” mabilis niyang tugon ngunit sinusuyod ng tingin ang dating asawa. Tinutuyo nito ng tuwalya ang basang buhok habang nakatayo sa kaniyang harapan. “Bukas ay babalik siya upang asikasuhin ang injury ko sa binti.”
“How about your head?”
“Bukas oa sa isang araw pa ang susunod na CT-scan. Gusto ko na ring kumilos. Lalo akong nanghihina kapag nakaratay lang dito. Kahit tanggalin lang sana itong catheter sa akin.”
“Kapag okay na ang binti mo at kaya mo nang gumalaw, saka lamang iyan tatanggalin.”
“Nakagagalaw naman ako, eh.”
“Yes, but don’t force yourself. Injuries takes time to heal.”
“Sabi ni Dr. Grande, puwede naman sa bahay na ako magpagaling.”
“Huwag nang matigas ang ulo mo, Dwayne. Next week ka pa puwedeng lalabas para mas maasikaso ka pa ng doktor. Kahit sa bahay na ang therapy mo.”
“Naiinip na kasi ako rito. Gusto ko na ring makasama madalas si Slather.”
“He will visit you everyday.” Tinalikuran siya nito. Umupo sa sofa si Ingrid at nagsuklay ng buhok.
He can’t stop gazing his gorgeous ex-wife. Kumislot siya nang mahagip siya ng paningin ni Ingrid. Seryoso ito. Hindi naman niya ito iniwasan ng tingin at lalong nilagkitan ang titig dito.
“Lalo kang gumanda. Parang wala namang nagbago sa panahon,” nakangiting sabi niya.
“Of course, because you have an amnesia.”
“Even I don’t have amnesia. I think my feelings for you never change, Ingrid. I feel in my heart how I love you. Hindi naman tayo naghiwalay dahil sa feelings issue, tama?” he said.
Bumuga ng hangin si Ingrid. “Pero nagbago ang feelings ko after I left you, Dwayne.”
“Are you sure about that?”
Diretsong tumitig ito sa kaniya. “Hindi naman ako magmamahal ng ibang lalaki kung nakatali pa rin ang puso ko sa ‘yo.”
“Pero hindi mo ako kinalimutan.”
“I admit, but it’s because of Slather. Hindi ko naman sinabing kakalimutan talaga kita. Gusto ko lang mag-move on.”
“Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng second chance? Kung ano man ang pagkukulang ko noon, titiyakin ko na makababawi ako sa iyo at kay Slather ngayon.”
“Kahit huwag na sa akin, Dwayne. Si Slather na lang ang isipin mo. Wala ka namang pagkukulang sa akin. Ibinigay mo lahat ng kailangan ko.”
“Pero bakit mo ako iniwan? Dahil lang sa pagpasok ko sa grupo ng sindikato?”
Bahagyang napayuko si Ingrid. “Nagsisi rin naman ako na iniwan kita, Dwayne. Pero grabe ang stress ko noon at apektado ang mental health ko, maging ang pag-aaral ko. Takot na takot ako. Pero naisip ko ring balikan ka, but I heard from Wallace that your enemy never stopped hunting you, kaya itinago ka nila. Paano na lang kung magkasama pa rin tayo noong panahong iyon? Mapapahamak din ako at ang anak mo. I’m just saving my mental health and our son, Dwayne.”
Unti-unting naninikip ang kaniyang dibdib. Masakit pa rin ang epekto ng desisyon ni Ingrid.
“Pero ni minsan ba ay kinumusta mo ako? Hindi ko maalala, pero sa palagay ko never ka nang nagparamdam sa akin. I feel the pain, Ingrid. You left me in vain, didn’t you?” gumaralgal ang tinig na usig niya rito.
Hindi nakakibo si Ingrid. Mamaya ay namamasa na ang pisngi nito dahil sa luha.
“I’m sorry. Natakot talaga ako na magkaroon pa ng koneksiyon sa iyo noon kaya mas pinili kong manahimik. Hindi maganda ang epekto ng stress ko kay Slather. Kamuntik ko na siyang maiwala. Noong hinimatay ako, nangako ako sa sarili ko na kakalimutan na kita at isipin na lang ang kaligtasan ng anak ko,” paliwanag nito.
Lalong nagpuyos ang kaniyang damdamin. Uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata at tuluyang lumaya ang maninipis niyang luha. Iginiit na lang niya na para kay Slather kaya pinili ni Ingrid na kalimutan siya. Ngunit naroon pa rin ang sakit at hindi niya maiwasang huwag maghinanakit.
“Fine. Wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang kasalukuyan. Sana nga habang buhay na lang ako may amnesia at nang hindi ko na maalala ang panahong iniwan mo ako. Ayaw ko nang isipin. Pero gusto kong makasama ka pa rin, Ingrid. Gusto kong mabuo ang pamilya natin,” emosyonal niyang pahayag.
“Huwag mo nang ipaulit ang sinabi ko, Dwayne. This time, it’s different.”
“Yeah, because you are in love with someone else! Baka puwedeng wala na lang ang panahong iniwan mo ako at ako na lang ulit ang mahal mo!” hindi natimping sabi niya.
Tumayo si Ingrid. “Stop it, Dwayne! We will never be together again! I’m just here to help you and give you a chance to meet our son! But about love, wala na iyon. Hindi na iyon maibabalik,” anito saka biglang lumabas.
Mariing nagtagis ang bagang niya. Kahit anong giit ni Ingrid na hindi na siya nito mahal, buo pa rin ang pag-asa niya na makukuha niya muli ang tiwala nito. Hindi siya susuko. He will do anything to win her love back no matter what happens.