Chapter 6

2558 Words
NAKAIDLIP si Dwayne. Nang magising siya ay namataan niya si Ingrid na nakahiga na sa sofa at tulog. Akala niya ay hindi ito babalik kaagad. Walang sawang pinakatitigan niya ito at inisip na bumalik lang sila sa nakaraan, sa panahong masaya pa silang nagsasama bilang mag-asawa. He wanted to hug her, kiss her, and touch her as he had always done before. But like Ingrid always insisting, it’s different now. Her love for him has gone, and they will never be together again. That was the painful fact that he couldn’t accept. Kung hindi lang dahil sa lintik na tauhan ni Mariano, baka naabutan pa niyang single si Ingrid, at hindi siya nagpapakahirap na magpanggap para lang makapiling ito. Pero hindi pa naman huli ang lahat. Kailangan niyang makuha ang loob nito bago ito maikasal. Siyempre, uusisain din niya ang pagkatao ng lalaking ipinalit nito sa kaniya. Ginupo rin siya ulit ng antok at muling nakatulog. Kinabukasan paggising ni Dwayne ay wala na si Ingrid pero naroon si Slather kasama si Manang Sonia. Ang ginang ang tumayong ina niya noong ikinasal sila ni Ingrid sa Italy. Ito ang yaya ni Ingrid, at ngayon ay yaya na rin ng anak nila. “Mabuti nagising ka na, Dwayne. Naalala mo pa ba ako?” nakangiting sabi ng ginang nang malapitan siya. “Opo, kayo si Manang Sonia,” masiglang tugon niya. “Hay! Salamat naman at hindi mo ako nakalimutan.” Lumapit naman si Slather at pinakita sa kaniya ang laruan nitong si Spiderman. “Daddy look oh! Tito Jake, bought it for me,” anito. Napalis ang ngiti niya. Si Jake ang fiance ni Ingrid. “That’s cool, but I can buy a toy better than that,” sabi niya. “Really? Mommy said that you are working in the big country. Marami raw laruan doon, mas malaki sa akin?” Namimilog ang mga matang sabi nito. “Yes, we can order the big spiderman.” “Bigger than me?” “Oo naman.” “Meron kayang ganoon kalaki, Dwayne?” nakangising tanong ni Manang Sonia. Malapad siyang ngumiti. Fan din siya ng spiderman at marami siyang collection niyon. Nagpagawa talaga siya ng kasing laki niya. “Meron po. Makabibili ako niyon sa US,” aniya. “Eh teka, may balita ka ba sa negosyo mo sa Italy kung meron pa?” “Kuwan, tumawag sa akin ang kaibigan kong si Wallace at okay naman daw ang kompanya ko. Pero siyempre, kailangan ko munang magpagaling bago babalik doon.” “Eh sino ang namamahala ng business mo ngayon?” “Meron naman po akong managers.” “Mabuti naman. Mas mainam nga na narito ka. Simula noong nakakapagsalita at nakaiintindi na si Slather, bukam-bibig niya ang daddy niya.” Sinipat niya si Slather. Nilalaro nito ang spiderman at pinagagapang kunwari sa headrest ng kama. May tunog pa ang paggapang ng laruan, sabay talsik ng laway. Naaliw siya rito. “Teka, ihahanda ko lang ang almusal mo. Nagluto ako kanina para mas marami kang makakain. Meron namang rasyong pagkain ang ospital pero baka kulang sa iyo. Alam ko naman na malakas ka ring kumain,” ani ni Manang Sonia. “Sige po. Maraming salamat sa effort.” Kinuha naman ng ginang ang dala nitong pagkain na hindi pa naalis sa paper bag. Malaking lunch box na may tatlong layer ang dala nito. “Daddy, do you watch spiderman?” mamaya ay tanong ni Slather. “Yes. I’m a fan of spiderman. Meron din akong laruan katulad sa iyo pero mas malaki,” nakangiting sabi niya sa anak. “Really? I wanna have it too! Please, Daddy, buy me a giant spiderman!” Hinawakan pa siya nito sa kanang kamay saka pinisil-pisil. “Soon, kapag magaling na ako. Gagala tayo sa mall.” “Saang mall, Daddy? Sa big country?” Nanlaki ang mga mata nito habang titig na titig sa kaniya. “Uh, no. Malayo iyon. Sasakay pa tayo sa airplane.” “Gusto ko ‘yon! I wanna ride the airplane! Daddy, please.” Pinagdikit pa nito ang mga palad. “We can buy a giant spiderman even we’re here.” “Huh? How spiderman come here? He will fly?” Natawa siya. “Hindi. Bibilhin natin siya sa big country, then, ipapadala sa atin.” Mariing kumunot ang noo ng bata. Hinipo niya ang ulo nito. Lumapit naman si Manang Sonia dala ang pagkain. Na-miss niya ang tinolang manok na luto nito. Lutong bisaya kasi, merong tanglad. Nag-abala pa ang ginang na subuan siya ng pagkain. Lumipat naman sa sofa si Slather at doon naglaro. Ang ingay ng bibig nito pero ang sarap pakingnan. It never comes to mind that he will have a child to care about. Ingrid surprised him, and his life became more interesting. He can’t wait to sleep with his son, eat with him, and play. Sinong mag-aakala na isa na siyang ganap na ama? Noon ay iniisip lang niya na nasa ay bago sila naghiwalay ni Ingrid ay nagkaanak muna. Wala siyang kaalam-alam na nagbunga rin pala ang pagmamahalan nila. Pagkatapos ng almusal ay dumating si Clinton at sinuri ang mga sugat niya. Pina-CT-scan din nito ang kanang binti niya. Nairita siya dahil sa catheter. Hindi pa niya maigalaw ang kaniyang kanang binti. Namamaga pa ito at hindi maigalaw kaya isinakay siya sa stretcher. “Puwede bang alisin na ang catheter ko?” tanong niya kay Clinton habang inaalis ang benda sa binti niya. Kapapalit lang din ng catheter niya at hindi niya gusto ang pagkabit ng lalaking nurse. Masakit. “Hindi ka pa makatatayo, konting tiis na lang. Napuruhan ang kanang binti mo pero pasalamat ka hindi nabasag ang buto. Matibay rin ang muscles mo sa binti at naprotektahan nito ang buto mo. But some nerves damage will take time to heal. Nalamog din ang muscles mo at namamaga pa kaya huwag mong puwersahing kumilos,” sabi nito. Naroon na sila sa silid kung saan isasalang sa CT-scan ang kaniyang binti. Sa susunod na araw pa titingnan ang ulo niya. May konting namuong dugo sa ilang parte ng utak niya pero hindi naman ito ganoon kalala. Pinalitan din ang benda sa kaniyang ulo. Hindi pa gumagaling ang sugat sa kaniyang noo. Nalungkot siya nang maisip na namatay pala ang driver ng taxi na sinakyan niya. “Don’t say isang linggo pa ako rito sa ospital,” aniya. “You need more days to stay here, bro. Makalalabas ka lang kapag okay na lahat ng result ng test at maigagalaw na ang binti mo. We just done checking your organs, baka merong lamog sa loob. Delikado iyon.” “Hindi naman ako mamamatay kaagad, no?” “Masamang damo ka, hindi ka mamamatay ng isang aksidente lang.” “F*ck! Bakit kasi hindi pa ako tigilan ni Mariano? Hindi pa kasi kunin ni Satanas ang matandang iyon,” palatak niya. Tumawa si Clinton. “Mag-rest ka muna. Huwag mong piliting gagalaw,” anito. May lalaki namang nag-asikaso sa kaniya para sa CT-scan. “Puwede bang si Ingrid na lang ang magpalit lagi ng catheter ko?” tanong niya kay Clinton. “Iyon ay kung papayag siya.” “Papayag ‘yon. Hindi naman siya tutuklawin ng alaga ko.” “Ikaw na ang makiusap sa kaniya. Hindi ko na trabaho iyon.” Tumahimik na siya nang isalang na siya sa CT-scan. Ang dami niyang plano paglabas ng ospital. Dalawa na ang tutuunan niya ng pansin, si Ingrid at ang kaniyang anak. At least, Ingrid didn’t deny about his son. Iyon ang gusto niya kay Ingrid, hindi nagtatanim ng galit o sama ng loob. Kung sa bagay, hindi naman talaga ito nagalit sa kaniya na halos kamuhian siya. Alam niya na-trauma lang ito at hindi kinaya ang takot. Naintindihan naman niya iyon, at inaming kasalanan naman niya. Ang ikinasama lang ng loob niya ay hindi man lang siya pinagbigyan ni Ingrid na mapatunayan na kaya niyang umalis sa BHO at piliin ito. Basta umalis na lang ito at nag-file ng divorce. Pinalaya niya si Ingrid dahil gusto rin niya itong malayo sa gulo, pero hindi ibig sabihin niyon na hahayaan niyang ganoon. But Mariano ruined his plan. Pagbalik nila ng ward ay naroon na si Ingrid. Lunch time na at may dala itong pagkain. Aalis din naman daw ito pagkatapos ng tanghalian. Kasalo niya ito sa pagkain kasama si Slather at Manang Sonia. It felt like they were okay and having a happy family. He wants to stay in the situation with his wife and son. “Kumusta ang CT-scan mo?” tanong ni Ingrid. Sinusubuan nito si Slather ng pagkain. Naglalaro pa rin ng spiderman ang kanilang anak. “Wala pang result,” tugon niya. Siya naman ang sinubuan nito ng pagkain. He missed how Ingrid minded him when he was sick. She’s a good doctor, a caring woman, and a loving wife. He wanted to claim the luck he got from her again. “Mommy, bakit subuan pa si Daddy?” mamaya ay tanong ni Slather. Nakaupo na ito sa gilid ng kama niya. Kaharap naman nila si Ingrid. Halos hindi na makakain nang maayos si Ingrid dahil inuuna silang mag-ama na subuan ng pagkain. “Daddy’s arm has injured; he can’t move carefully,” tugon naman ni Ingrid. “Is he still sick? Kailan siya gagaling?” “Yes, he’s sick. He needs to wait the right time or until he fully recovered.” “Uuwi na ba si Daddy sa house pag galing na siya?” “Yes, but he would have his own house.” “Why?” “Because daddy and I were not allowed to live in one house.” “Why nga?” Napabuntong-hininga si Ingrid. Masyado pang mura ang isip ni Slather upang maintindihan ang sinasabi ni Ingrid. “Kasi hindi puwede. Ikakasal na kami ng Tito Jake mo soon.” “I don’t get it. I want my real daddy to live with us, Mommy.” “Anak, hindi mo ako maintidihan sa ngayon. Basta hindi titira ang daddy mo sa bahay.” Bumusangot si Slather. Hindi na ito kumain. Bumaba ito ng kama at lumipat sa sofa katabi ni Manang Sonia. Ang ginang na lamang ang nagpakain dito. Panay ang buga ng hangin ni Ingrid. Alam ni Dwayne na nahihirapan na ito sa sitwasyon. “Hayaan muna natin si Slather. Hindi pa niya maintindihan ang nangyayari,” sabi niya. “It’s okay. I can manage him,” sabi lang nito saka siya muling sinubuan ng pagkain. Hindi na lamang siya kumibo. Umalis din naman kagaad si Ingrid pagkatapos ng tanghalian. Naiwan ulit si Slather at Manang Sonia. Napagod ang anak niya kakalaro at nakatulog sa sofa. Samantalang late na niya nabasa ang text ni Wallace. Papunta na ito roon sa ospital. Saktong lumabas si Manang Sonia nang dumating ang kaibigan niya. May dala itong isang basket na iba-ibang prutas. Naka-amerikana pa ito. Pagpasok nito ay si Slather ang unang sinipat. “Is he your son, bro?” tanong nito. “Yeah.” “Grabe, replica mo talaga, ah. Anong posisyon ba ginawa niyo noong nabuo ito?” “Gago! Alam mo namang hindi iisang posisyon lang ako kapag nakikipagtalik.” Pangisi-ngising lumapit ito sa kaniya. “Sorry, walang flowers,” sabi nito. “Paraa saan ang bulaklak?” kunot-noong tanong niya. “Advanced flower for your death.” Kahit hirap siyang gumalaw ay inunat niya ang kanang kamay saka sinuntok sa puson si Wallace. “f**k you! Kung nagpunta ka lang dito para asarin ako, mabuti pang umuwi ka na!” gigil na sabi niya pero kontrolado ang tinig baka biglang magising si Slather. “Easy. Masyado kang pikunin, ano?” Inilapag nito sa mesita ang basket ng prutas. Sinilip pa nito ang ilalim ng kama niya. “Aba, malapit nang mapuno ang catheter mo. Sino ang nagpapalit niyan? Si Ingrid?” anito. “Dapat siya, eh. Nurse na lalaki ang nag-asikaso sa akin,” wika niya. Napapitik ng daliri si Wallace. “Sayang! Bakit hindi siya? Para namang hindi niya sinubo noon ang alaga mo.” Nagtagis ang bagang niya. Naalala niya, biglang sumulpot noon si Wallace sa bahay niya. Hindi pa niya naisara ang gate noong kararating nila ni Ingrid mula sa party. Sa kotse pa lang sa garahe ay hindi na sila nakapagtiis. Lasing noon si Ingrid at inunahan siyang sumubo ng alaga niya. Nakabukas pa ang pinto ng kotse at sumilip itong hangal niyang kaibigan. Hindi iyon alam ni Ingrid dahil nahibang na. “Panira ka talaga ng mood. Bakit ka pa ba nagpunta rito?” aniya. “Binibisita kita, gago! Uuwi na ako bukas sa Italy. Pinatawag na ako ni Yoshin. Pero alam naman niya ang nangyari sa ‘yo. May pinadala nga siyang pera.” “Ibalik mo sa kaniya ang pera,” matigas ang tinig niyang sabi. “Hey! Bakit ba ang init ng ulo mo kay Yoshin? Ikaw na nga itong tinutulungan.” “Dahil sa kaniya kaya hindi ko kaagad nahabol si Ingrid noong lumayas. Ipinakulong niya ako,” may hinanakit niyang sabi. “Eh kasi nawawala ka na sa wisyo, bro. Nasiraan ka ng bait dahil sa babae.” “Paano hindi ako mabaliw? Iniwan ako ng babaeng mahal ko, Wallace!” Kumibit-balikat si Wallace. “I told you, women were just a distraction.” “Hindi mo alam kung gaano kasarap magmahal, Wallace.” “Pero nasaktan ka dahil sa pagmamahal na iyan. Magiging masaya ka rin naman kahit walang asawa. Maraming babae na puwedeng aaliw sa iyo.” “I’m not like you, Wallace. I won’t use woman to entertain me. Stop manipulating my mind, as*hole! Leave me alone!” asik niya. Nanigas ang panga ni Wallace. “Gusto ko rin namang magmahal, Dwayne. Pero sa palagay mo? Sinong babae ang magmamahal sa akin? Kinakabahan nga ako rito sa inireto ng parents ko. Baka ito ang papatay sa akin.” “Bakit?” curious niyang tanong. “She’s a policewoman who worked hard to catch all mafias.” Napamura siya. “Karma mo na ‘yan.” “Wala ka talagang kuwenta. Sige, hindi na lang kita kukulitin, pero pakiusap, huwag mo namang tanggihan ang tulong namin. Pakibaba ang pride, Dwayne.” Inilapag nito ang pouch bag sa mesita. Sinipat niya ito. Alam niya pera ang laman niyon. “Three hundred thousand pesos ito, budget mo rito sa ospital,” sabi nito saka siya tinalikuran. “Proteksiyon lang ang gusto ko, Wallace. Ayaw ko na ng pera,” aniya. “Bahala ka. Kung ayaw mo iyang gamitin, ipamigay mo sa mahihirap, nakatulong ka pa.” Nilapitan nito si Slather at hinipo sa ulo. “Poging bata. Maraming paiiyaking babae ito paglaki,” pilyong sabi nito saka tuluyang umalis. Napailing na lamang siya. Kinuha naman niya ang bag ng pera. Nang dumating si Clinton ay ibinigay niya rito ang pera. “Ikaw na bahalang mamigay niyan sa charity. Pinadala iyan ni Yoshin,” aniya. “Bakit ayaw mo?” tanong pa nito nang makuha ang bag ng pera. “May pera ako mula sa malinis na income.” Ngumisi si Clinton. “Ibang klase ka. Sige, ako na ang bahala rito. Ido-donate ko na lang para sa mga cancer patient.” “Good. Thanks.” Si Clinton na ang nagpalit ng catheter niya. Mas maingat ito kaysa roon sa lalaking nurse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD