Chapter 7

2507 Words
NAGING abala sa ospital si Ingrid kaya isang araw na hindi niya nabisita si Dwayne. Naroon naman si Manang Sonia at kasama rin si Slather. Busy rin si Jake kaya hindi siya nito nayayang mag-dinner. Kailangan niya ng mas mahigpit na time management lalo na’t nadagdagan ang kaniyang responsibilidad. Sometimes, she hesitated to continue helping Dwayne. But her conscience pursued her to give Dwayne care that she missed before. Kung tutuusin ay wala na dapat siyang lilingunin dito, ngunit nariyan si Slather na pilit silang ipag-uugnay. Kaya siguro hindi siya matahimik ay dahil sa tinalikuran niyang responsibilidad kay Dwayne. She was driving her car to the hospital, where Dwayne has admitted. It’s late for dinner. She called Manang Sonia to buy food for them. Dr. Clinton also reminded her about Dwayne’s needs. Nainis siya noong huling tingin niya sa catheter ni Dwayne, puno na at wala pang nagpapalit. Alam niya malakas uminom ng tubig si Dwayne kaya ihi nang ihi. Saka lang pinalitan iyon ng nurse nang sabihin niya. She’s a perfectionist when it comes to caring for her patient, especially those injured who were unable to move. Inaantok na siya dahil halos apat na oras lang ang kaniyang naitulog. Inabutan pa siya ng matinding traffic sa kalye. Hindi siya nakapagmeryenda kaya humihilab na rin ang sikmura. Pagdating sa ospital ay dumiretso siya sa inuukupang ward ni Dwayne. Talagang hinintay siya ng mga ito bago kumain. Alas-nuwebe na ng gabi. “Sana kumain na kayo,” aniya. “Ayaw pa namang kumain ng mag-ama mo kaya hinintay ka na lang namin,” ani ni Manang Sonia. Nakikipaglaro si Slather sa tatay nito habang katabi sa kama. “Slather, huwag kang malikot, baka masagi mo ang pilay ng daddy mo,” saway niya sa kaniyang anak. “Yes, Mommy,” tugon naman nito. Paanong hindi ito maglilikot eh kinikiliti ni Dwayne? Tinulungan na lamang niya si Manang Sonia sa paghahanda ng pagkain. “Tama nang laro, kakain na,” aniya. Bumaba naman ng kama si Slather at umupo sa sofa. Hinahapo ito. Pero noon lang niya nakitang masaya ang anak niya. Madalas ay nakasimangot ito sa tuwing uuwi siya. Minsan naman ay hindi siya pinapansin. Inaamin niya na kulang na kulang ang kalingang naibibigay niya rito dahil puro siya trabaho at pag-aaral. Mas malapit ito kay Manang Sonia. “Ako na ang susubo kay Slather, Ingrid. Asikasuhin mo na ang ang asawa mo,” sabi ni Manang Sonia. Marahas siyang lumingon sa ginang. Iginiit na lang niya na nagkamali lang ito sa pagsabi na asawa niya si Dwayne. She knew that Manang Sonia was still wanted Dwayne for her. Kaya ilang beses siya nitong tinanong noon kung desidedo na ba siyang magpakasal kay Jake. Hindi na lamang niya ito pinansin. Inayos na niya ang pagkain ni Dwayne. Pero bago ito sinubuan, sinilip muna niya ang catheter nito. Malapit na naman itong mapuno. “Hindi na naman napalitan ang catheter mo,” usal niya. “Wala pang nurse na pumunta rito. At saka babae ang naka-duty kanina na huling tumingin sa BP ko. Naka-leave raw iyong lalaki,” anito. “Ito minsan ang problema sa maliliit na ospital, kulang sa nurses.” “Hindi ka ba marunong magpalit ng catheter?” tanong nito. “Marunong, siyempre.” Nilagyan na niya ng pagkain ang kutsara saka iniumang sa bibig nito. Isinubo naman nito iyon kaagad. “Ikaw na lang ang magpalit,” pagkuwan ay sabi nito. Natigilan siya. Tumitig siya sa mukha ni Dwayne na pilyo ang ngiti. Hindi pa rin ito nagbabago. Bumuntong-hininga siya saka ito muling sinubuan ng pagkain. Naalala niya, hindi pa pala napapalitan ang damit nito. Nang umayaw na sa pagkain si Dwayne ay siya naman ang kumain. Mabuti merong damit na dinala roon si Manang Sonia na isusuot niya. Hindi siya natulog doon noong isang gabi dahil sa sobrang pagod. Dumiretso na siya sa condo. Si Manang Sonia lang ang naroon. After dinner, she went to the bathroom and took a hot bath. Good thing there is a water heater there. Medyo expensive ang kuwarto na iyon, and she’s not sure if Dwayne had money to pay for his bills.  Hindi pa niya nahalungkat ang gamit nito pero imposibleng wala itong dalang cards o pera. Ang sabi ni Clinton, tumuloy lang daw sa hotel si Dwayne pagdating ng Pilipinas, at naayos naman nito ang bills doon ng dating asawa. Ganoon naman si Dwayne, hindi nagdadala ng maraming bagahe sa tuwing bumibisita sila ng Pilipinas. Bumibili lang ito ng mga damit. Pagkatapos maligo ay pinauwi na niya si Manang Sonia kasama si Slather. Ayaw pa sanang umuwi ng anak niya pero late na at magpupuyat lang ito roon. Pagkuwan ay kumuha siya ng pamalit na catheter at dahil babae ang nurse na naka-duty sa surgery ward, inako na niya ang trabaho. Kaya naman niya iyong gawin. Kumuha rin siya ng bagong hospital gown na ipapalit sa suot ni Dwayne. She used a clean face towel to clean Dwayne’s body. Kahit malamig doon sa silid ay pinagpawisan pa rin ang likod ni Dwayne. Pawisin kasi ito. She take off his clothe carefully. Namamaga pa ang kaliwang braso nito at hindi mabaluktot kaya nakalapat lang sa kama habang balot ng benda. In fairness, Dwayne’s body was hunky than before. Nag-mature pa ang muscles nito, though naging moreno ang balat pero lalong naging kaakit-akit at lumabas ang dugong latino nito. Marahan niyang pinunasan ng basang bimpo ang matipuno nitong dibdib, at pababa sa puson nito. Tahimik lang naman ito pero ramdam niya ang init ng titig nito sa kaniyang mukha. It felt intense. The way Dwayne stared seemed to remind her about the hot moment they shared. The time when they had a happy s****l life and a married couple. Hindi niya nasaway ang kaniyang diwa na sariwain ang nakaraan niya sa dating asawa. Wala siyang naging problema roon dahil busog na busog siya ng pagmamahal ni Dwayne. But she has to insist that it will never happen again since she decided to quit their relationship. Pinunasan din niya ang mukha nito. Aminado siya na lalong lumakas ang s*x appeal nito dahil sa balbas at semi-long hair. Bumagal ang galaw ng kaniyang kamay nang mapatitig siya sa mukha ni Dwayne. “Alam mo ba na si Slather ang nag-brush ng mga ngipin ko kanina? He was a caring child, manang-mana sa iyo,” anas nito habang namumungay ang mga mata na nakatitig sa kaniya. “I’m glad to hear that. Slather has never been sweet to me, and he was aloof.” “But you have grown him nicely, perfect.” “Marami pa rin akong pagkukulang, Dwayne. As a mother, caring for our child all day was a significant achievement. But I can’t do this to Slather because of my profession. Sometimes, I got home when he was already sleeping, and I left when he was still on the bed.” “That’s not a fault or lapses, Ingrid. You’re just doing your part to sustain our child’s need. Iba pa rin kasi iyong mula sa dugo’t pawis mo ang perang ginagastos para sa anak mo. Iyon ang pangarap ko noon. Na kapag stable na ang status ng kompanya ko, aalis din ako sa BHO. I thought I did it. I quit the group but I didn’t win you back. Kung meron pa sanang paraan para makabawi ako.” “Wala kang dapat bawian sa akin, Dwayne. Hindi ka nagkulang. Kaso, sa maling paraan ka kumayod, at iyon ang hindi ko nagustuhan. This time, focus on Slather. He needed a father while he was growing up. Don’t mind me.” Umisod siya sa paanan ni Dwayne. Wala itong suot pan-ibaba kaya binulaga siya ng halimaw nitong alaga. Hindi siya sigurado kung ganoon pa rin ba o lalong lumaki ang armas ng dating asawa. Naghugas siya ng alcohol bago nilinis ang sandata nito. Pinalitan muna niya ang catheter. Nagulat siya nang bahagyang tumayo ang ari ni Dwayne, tila manunuklaw. She cleared her throat when she felt a hard breath strike in her chest. “Na-miss ka ng alaga ko. He knew who you are,” pilyong sabi ni Dwayne. She didn’t dare to laugh. Ayaw niyang ma-distract. “Imposibleng hindi mo ito ginamit sa ibang babae,” aniya habang inaasikaso ang pagkabit ng catheter. “Hindi ako tumikim ng ibang babae.” “How did you say that? May amnesia ka, Dwayne. Baka sa loob ng panahong wala na ako ay kung sinu-sino nang babae ang kinakasama mo.” “And why do you care? You said you forgot about me, right?” Sinipat niya ito. Bakit nga ba siya makikialam pa sa buhay nito? Iniwan niya ito at kung ano man ang mga ginawa nito ay wala na siyang pananagutan o dapat isumbat. “Hindi naman ako nakikialam.” Ibinalik niya ang tingin sa pagitan ng mga hita nito. Natigilan siya nang mapansing lalong lumalaki ang alaga ni Dwayne. “Huwag mo masyadong tagalan ang paghawak diyan, baka maghamon na ‘yan. Masakit, Ingrid,” sabi pa nito. Binilisan na lamang niya ang pagpunas sa paligid ng armas nito saka iniwan. Pinalitan niya ng malinis na tubig ang laman ng bowl. Hinaluan niya ito ng alcohol. Nawala ang antok niya sa kapilyuhan ni Dwayne, bagay na na-miss niya. Ikiniling niya ang kaniyang ulo upang ibalik sa tamang wisyo ang kaniyang isip. Ilang araw pa lang niyang nakasama si Dwayne pero tila hinihila na siya ng nakaraan pabalik. It’s not good. Minadali na niya ang pagpupunas sa katawan nito saka binihisan. Gusto rin niyang makatulog kaagad dahil maaga pa siya sa ospital. NAKATULOG na si Ingrid pero si Dwayne ay dilat pa ang mga mata. Pasado ala-una na ng madaling araw. Inip na inip na siya sa maghapong nakahiga. Gustong-gusto na niyang maglakad. He tried to move his injured leg, but it was still sore especially when he fold it. Kailangan tuwid lang ito. Hindi siya sigurado kung hanggang kailan siya ganoon. Isa pa itong catheter na pahirap sa kaniya. Malapit na namang mapuno. Gusto na niya itong tanggalin. Napupuno na naman ang pantog niya. Hindi siya nakatiis, tinawag niya si Ingrid. Ikalawang tawag niya saka ito nagising. Papikit-pikit pa ito. “Bakit?” matamlay nitong tanong. “Puwede bang pakitanggal na lang ng catheter? Hindi na ako komportable,” aniya. Tumayo naman ito at lumapit sa kaniya. Mabigat pa ang mga mata nito pero maayos namang natanggal ang catheter. Gusto na niyang umihi at magbawas. “Masakit ang tiyan ko,” reklamo niya kahit hindi naman ganoon kasakit. Kumukulo lang nang konti. “Ano? Napupopo ka ba?” Bumalikwas ito ng tayo. “Oo, eh.” Inalalayan siya nitong makaupo. “Kaya mo ba na isang paa lang gamit?” tanong nito. “Kakayanin ko. Bukas pa raw darating ang saklay ko. Okay naman daw ang ulo ko basta huwag maalog nang husto.” Umakbay siya kay Ingrid saka iniapak sa sahig ang kanang paa niya. Nakatatayo naman siya pero kailangang may alalay. Dahan-dahan silang humakbang ni Ingrid papuntang banyo. Hindi maibaluktot ang kaliwang paa niya kaya ipinatong ito ni Ingrid sa trash can na sarado. Panay ang daing niya habang paupo ng toilet bowl, Itinaas naman ni Ingrid ang laylayan ng damit niya hanggang baywang. Nakaalalay pa rin ito sa kaniyang likuran. “Okay ka lang ba?” tanong nito. “Medyo hindi, ang hirap. Mangangamoy rito, puwede mo na akong iwan. May sandalan naman sa likod,” aniya. “Baka mangawit ka.” “Mabilis lang ito. Nakakahiya naman sa ‘yo.” “Sige, dito lang ako sa labas. Tawagin mo lang ako kapag tapos ka na.” Tumango lang siya. Nang makalabas na ito ay saka siya bumuwelo. Panay ang pagmumura niya sabay banggit ng pangalan ni Mariano, na siyang dahilan bakit naghihirap siya. Pero gusto rin niya itong pasalamatan dahil naging way rin ang aksidente upang makasama niya si Ingrid. Pinindot niya ang flash button pagkatapos niyang magbawas. Kinuha rin niya ang maliit na hose saka hinugasan ang kaniyang gitna mula sa harapan. “I’m done, sweetie!” sigaw niya. Pumasok naman si Ingrid. Maselan ito kaya nilinis ulit ang ibabang katawan niya. Sinabon nito ang kaniyang alaga at pinaliguan. “Hey! That’s enough,” saway niya rito. “I’m not sure if you take care of yourself like this. Baka once a week ka lang naliligo, ah,” palatak nito. Pinupunasan na nito ng paper towel ang ibabang katawan niya. He laughed. “Ano ka ba? Malinis naman ako sa katawan ko. Kahit malamig sa lugar, naliligo naman ako araw-araw,” aniya. Inalalayan na siya nito patayo ngunit bigla itong nawalan ng lakas. Kamuntik na siya nitong mabitawan nang mawalan ito ng balanse at mapasandal sa dingding. Sumubsob naman siya rito. Todo kapit siya sa dibdib nito. Isang kamay lang gamit niya at isang paa pero naikawit naman nito ang mga kamay sa baywang niya. Sumubsob ang bibig niya sa noo nito. Ang lambot ng dibdib nito. Na-miss niyang lamasin. “Dwayne, ang kamay mo,” sita nito sa kaniya. “Uh, I missed this, sweetie,” anas niya. Ibinaba niya ang kaniyang bibig sa bibig nito. Nag-angat naman ito ng mukha. Nang magtagpo ang mga labi nila ay walang abog niyang hinapuhap ito ng halik. Sinabayan din niya ng pagpisil ng dibdib nito kaya lumalim ang emosyon niya. He wanted to touch her, but he was injured. Kumislot siya nang kurutin siya ni Ingrid sa tagiliran. “Ouch!” Daing niya nang pakawalan niya ang bibig nito. “Tumigil ka kung ayaw mong iwan kita rito,” anito. “Fine.” Inalis niya ang kaniyang kamay sa dibdib nito. “Ang sarap mo pa rin,” anas niya sa tainga nito. “Mag-move on ka na. Don’t dare to kiss me again or I will leave you.” “Sorry. Sige na, ibalik mo na ako sa kama.” Inakbayan niya ito. “Huwag kang makulit. Mangako ka sa akin na hindi mo ako lalandiin,” sabi nito habang palabas na sila ng banyo. Tumawa siya. “Kahit anong landi ko sa ‘yo kung ayaw mo, wala akong magagawa. Pero aminin mo, nami-miss mo rin ang performance ko sa kama.” “Tumigil ka na! Maaga pa akong aalis bukas, at utang na loob, huwag mo akong pupuyatin.” “Okay. Sorry na.” Maingat siya nitong pinaupo sa kama. Pagkuwan ay inayos nito ang kaniyang mga paa. “Huwag n’yo na akong lagyan ng lintik na catheter na ‘yan. Makatatayo naman ako, eh,” aniya. “Oo na. Matulog ka na.” Ngumisi lang siya. Inayos pa nito ang kumot niya bago siya tinalikuran. Nahiga na itong muli sa sofa. Titig na titig siya rito. Nainis ata kaya pumihit patalikod sa kaniya. “Goodnight, sweetie,” paglalambing niya. “Sinabi ko nang huwag mo akong tawaging ganiyan!” inis nitong sabi. “Sungit naman. Sige na, matulog ka na.” Hindi na ito kumibo. Ayaw pa niyang matulog kaya nanood siya ng telebisyon pero mahina lang ang volume.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD