SI Manang Sonia ang nakita ni Dwayne nang magising siya. Alas-nuwebe na siyang nagising dahil tinapos niya ang movie na pinanood niya. Nakaalis na si Ingrid. Mabuti na lang kasama ulit si Slather, hindi siya maiinip. Natuwa naman siya dahil hindi na siya pinalagyan ni Ingrid ng catheter. Dumating naman ang saklay niya kaya hindi na siya mahihirapang pupunta ng banyo. Inasikaso na ng ginang ang kaniyang almusal. Si Slather ay nanonood ng cartoon habang kumakain ng yogurt. “Mabuti nakatatayo ka na, Dwayne. Lalo kang mahirapan kung nakahiga lang ng ilang araw,” anang ginang. Hindi na siya nagpasubo ng pagkain. Naigagalaw naman niya ang kaniyang ulo. Ipinatong lang sa mga hita niya ang tray ng pagkain. “May pinabiling gamot ang doktor mo na iinumon mo mamaya. Ang sabi naman ni Ingrid, huw