INILUGAY lang ni Dwayne ang kaniyang buhok at nagsuot siya ng sunglasses. Hindi totoong ang secretary niya ang nagpadala ng bodyguards. Tauhan ni Yoshin ang dumating sa Maynila na pinangungunahan ng assassin na si Ricky. Anim na bodyguard ang pinadala nito sa condo. Ang unit na dating ginamit niya ang tinuluyan ng mga ito. He’s glad to know that Yoshin built the local headquarter of the BHO in the Philippines, but it’s not for business purposes, but to sabotage all their enemy’s operation there. Kahit anong cruel ni Yoshin o kasugapa sa pera, may concern din naman ito sa kababayan nilang Pinoy. Mabuti na lang mahigpit din ang security sa mall na pag-aari ng pamilya ni Ingrid. Merong rides for kids sa third floor kaya doon sila tumambay. Mas gusto ni Slather na siya ang kasama nito kaysa