NAPUYAT si Ingrid dahil pinagbigyan niya si Dwayne na pag-aralan ang business ng parents niya, lalo na ang bagong investment. Pinagsaluhan din nila ang red wine habang tinuturuan siya ng mga strategy nito sa pagpapalago ng negosyo. Nawindang siya nang malamang meron ding resort at hotel sa Madrid, Spain si Dwayne. Dwayne bought six units of yacht, boats, two choppers, and a tourist bus. Maliban sa mansiyon nito sa Italy, may mga rest house din ito sa ibang bansa sa Europe, Germany at London. Meron din itong rest house pala sa Tagaytay na malapit lang sa resort nila. Naungkat niya ang mga ari-arian ni Dwayne nang mapag-usapan nila ang business nito. Kahit ito ay hindi rin umano makapaniwala na nakapagpundar ito ng mga ari-arian. Maaring nagulat nang maipaalala rito ng secretary kung ano p