MADALING araw umalis sina Wallace at Vladimir kaya maagang nagising si Dwayne. Pero hindi pa uuwi ng Italy ang mga ito dahil may iba pang misyon na may kinalaman kay Mariano. Inatasan ni Yoshin si Vladimir na tutukan ang local leaders ng Cosa El Hombre. Mabuti pumayag si Ingrid na magbakasyon ulit sila sa Tagaytay. Doon din gusto mag-stay ng mga kaibigan niya dahil mas madaling makakikilos ang mga ito. He was just cooperating with the BHO men as part of his protection and his family. He must be careful, too. Hindi puwedeng malaman ni Ingrid na may mga pinaplano sila at sabit ulit siya sa operasyon ng BHO. Alam niya kahit magpaliwanag siya ay igigiit pa rin nito na sumasali pa rin siya sa gawain ng grupo. Umidlip siya sa sofa sa sala nang makaalis ang mga kaibigan niya. Nang mapansin ang