Matapos ang tensiyon sa labas ng bahay, nagpalipas muna ng ilang oras sina Roman at Moses, parehong nagpakabait sa harap ni Lola. Ngunit sa huli, si Moses ang unang nagpasya umalis. Pagkalabas nila, humarap siya kay Meseeyah. “Meseeyah, mag-off ka muna sa trabaho. Focus on your grandmother.” Nanlaki ang mata niya. “H-ha? Sir, hindi po kailangan—” “It’s not a request,” sagot ni Moses, seryoso pero hindi malamig. “Full pay. No deductions. Until maayos na si Lola.” Hindi makapaniwala si Meseeyah. Tumango na lang siya. “Salamat po… sir.” At tumalikod si Moses, halatang may pinipigilang sabihin pero hindi itinuloy. — Pagkalipas ng Dalawang Araw — Mas maayos na si Lola, nakangiti at nag-aalaga na ulit ng mga halaman sa labas. Si Meseeyah naman ay nakahinga nang maluwag. Habang nagwa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


