Makalipas ang ilang araw, bumalik muli ang kulay sa mukha ni Lola Narsing. Hindi pa siya ganoon kalakas, pero nakakatayo na, nakakangiti, at kahit papaano’y nakakapagbiro na ulit. Paglabas nila ng ospital, nandoon si Moses—nakasandal sa itim niyang SUV, may suot na sunglasses, parang business meeting lang ang pupuntahan. Pero nang makita silang mag-lola, agad siyang naglakad papunta. “Ready na kayo?” tanong niya, steady ang tono pero may lambot na hindi niya yata napapansin. Tumango si Meseeyah, hawak-hawak ang bag ng mga gamit. “Salamat po ulit, sir. Sa lahat.” Tumingin lang si Moses sa kaniya sandali. Hindi nakangiti, pero hindi rin malamig. Neutral… pero may init. “Let’s go. Hindi pwedeng mapagod si Lola.” Sa Loob ng Sasakyan Tahimik ang biyahe, maliban sa occasional na bunton

