Cassedy, hanggang kailan ka mananatili sa ganitong buhay? Ilang taon na ang lumipas subalit wala namang nangyayari ang pananatili mo dito. Kung wala kang pangarap ay tanggapin mo na lang ang inaalok sayo ni big boss.” “Ano ba? Huwag mo nga akong pakialaman! Kulang pa ang kaalaman ko kaya ako naririto.” “Suplada nito kaya hindi ka magkaka jowa dahil ang sungit mo!” “Cassedy, tinatawag ka ni HeadMaster, puntahan mo sa bermuda.” “Sige, salamat.” Umikot siya sa likurang bahagi ng mataas na wall dahil ayaw niyang sa harap dumaan. Pag ganitong oras ay maraming estudyante ng pagsasanay sa malawak na play ground. “HeadMaster, pinata tawag nyo raw po ako?” “Cassedy, ngayon lang nag request ng babaeng bodyguard si Madam, at ikaw lang ang qualified. Ngayon lang naman ito promise wala ng kasuno