Ilang taon na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin convicted si Nathan Ibanez. Nakapag piyansa pa rin ito at talagang lumalaban sa kaso. Mahirap talagang kalaban pag may padrino ng mataas na opisyal at obvious na pati ang Prosecutors at Judges ay kakampi nito. Si Greta ay nakalaya na dahil walang sapat na ebidensya na nagpapatunay na siya ang mastermind sa pagbebenta ng mga babae. At mula ng makabalik si Desiree ng bahay ng mga magulang nito ay bigla na lang nabaliwala ang kaso. "Greta! Kumilos ka na! Tama na ang tatlong taon na namahinga ka! Ngayon na ang tamang pagkakataon mo para tuluyang mawala sa landas ko ang Montemayor na yon! At iyang walang silbing si Lopez ay ilagay muna sa dapat niyang kalagayan! Nang lumabas na sa lunggang pinagtataguan ang babaeng yon!" "Give