Kabanata 87 NANG matapos siya sa pag-aayos ng kanyang sarili ay agad din naman siyang lumabas ng kanyang kuwarto at bumaba sa hagdan. Nakita naman niyang nagkukumpulan ang mga katulong nila sa may sala. "Pst, anong nangyayari?" kunwari niya pang tanong. Nilingon naman siya ni Maya. "Si sir Patrick po ma'am Kristina, nagwawala sa kuwarto ni ma'am Monika." Gulat naman siya kunwari sa kanyang narinig. Lumakad siya palapit sa guest room. "I am tired of all your shits Monika! I am tired of understanding your behavior and I am f*****g sick with your excuses!" galit na wika ni Kei habang may naririnig siyang nababasag sa loob ng kuwarto ni Monika. Bumukas naman ang pinto at dala ni Kei ang malaking maleta ni Monika. Halos hindi pa nga maayos ang pagkakasalansan ng mga damit nito sa loob