Kabanata 88 NANG matapos siyang nagbihis ay agad din naman siyang lumabas ng kanyang kuwarto. Nagulat pa siya dahil kaaakyat lang din ni Monika. They look at each other. "What are you doing here again, Monika? Papasok ka na naman ba sa mga kuwarto namin nang hindi nagpapaalam? Or baka naman pati kuwarto ko ay may susi ka rin?" nakataas kilay niyang ani. "Puwede ba Kristina. Hindi ikaw ang sadya ko kaya huwag kang nakikialam." "I have the right to say anything I want Monika. Pagkatapos mong buwesitin si Kei kanina, sa tingin mo ba ay kakausapin ka pa rin niya ngayon? I bet he won't," aniya at binangga si Monika. She headed downstairs. Sumunod naman sa kanya si Monika at laking gulat niya dahil bigla siya nitong itinulak sa hagdan. Nawalan siya ng balanse at nahulog sa hagdan. Diretso